Chapter 37 Maagang nagising si Robin ng umagang iyon. Nang yumuko siya ay nakita niya ang kaniyang anak na mahimbing pa rin na natutulog. Bumangon na siya upang mag-ayos ng sarili. Kailangan niyang uminom ng herbal na gamot na inihanda ni Marliya. Nang tingnan niya ang orasan sa gilid ay nakita niyang alas syete na ng umaga. Tiningnan niya ang puwesto ni Sayah at wala na ito doon. Maayos na rin na nakatupi ang kumot nito sa kama. Ilang minuto pa ay narinig niya ang iyak ni Klie. “Gising na pala ang aking munting prinsesa,” sambit niya at nilapitan si Klie. “Robin?” Napatingin siya sa pinto nang marinig ang boses ni Sayah. May dala na naman itong tray ng mga pagkain. “Alam ko kasi na hindi ka makakababa kaya dinala ko na dito iyong agahan mo. Gising na rin pala si Klie.” Tuman

