Chapter 42 Prinzesa Zoe Callie Verthron Masaya ang naging buhay ko sa verthron. Naramdaman kong muli ang pagmamahal na nawala sa akin. Mabilis na lumipas ang panahon at hindi ko namalayan. Iginugol ko ang aking oras sa pag-aalaga kay Klie at sa mga taong nangangailangan ng tulong ng aming kastilyo. Hindi ko alam na sa pagiging abala ko sa pag-aaral ng iba’t-ibang bagay, sa pagtulong at sa pagiging ina, lumipas na pala ang panahon. Naka isang taon na ako sa verthron. “D-dada...” Napatingin ako sa aking anak ng magsalita ito. Hinimas ko ang pisngi niya habang nakangiti siya sa akin. “Wala pa si dada, Klie, mamaya, pupunta na siya rito. Abala pa kasi ang dada mo sa trabaho niya.” Habang lumalaki ang aking ay mas nakikita ko ang aking kinabukasan kasama siya. Tama nga ang sinabi noo

