Chapter 43 Naipadala na ang mga imbitasyon sa mga hari at reyna sa buong lost world. Pinadalhan rin ni Robin ng imbitasyon sina Khia at Xandro. Nakasaad sa imbitasyon ang pagpapakilala sa prinsesa ng verthron sa buong lost world. Mabilis na lumipas ang araw at dumating na ang kaarawan ng anak ni Robin. Iyon din ang araw na ipapakilala na siya sa lahat. Nagpadala ng mga kawal si Dravis pati na si Nathan upang masiguro ang kaligtasan ng mga dadalo sa malaking selebrasyon na iyon. Iba’t-ibang mga nilalang ang darating at kailangan nilang mag-ingat dahil hindi pa napapaslang ang totoong kalaban nila. “Klie! Huwag kang tumakbo! Ay, madadapa ka!” Napalingon si Robin sa boses ni Callia. Hinahabol ng mga diwata ang kaniyang anak na tuwang-tuwa. Napailing siya, ang kalaro talaga nito palag

