Chapter 46 Hindi sanay si Robin maraming mga tao dahil noon sa kanilang mundo ay palagi siyang mag-isa at hindi nakikisalamuha sa iba kaya naman nauutal siya sa pagsasalita. Ang lahat kasi ng atensyon ng mga nilalang na nasa ibaba ay nasa kanila ng kaniyang anak. Isa pa, umalis ang kaniyang kuya at si Hendrix para mabigyan sila ng momento. Mas mabuti sana kung naroon lamang ito at kasama nila ni Klie. “Ngayon rin ay ipinagdiriwang ang unang kaarawan ng aking anak na si Klie,” sabi niya at tumingin sa kaniyang anak. “Say, hello, Klie,” dagdag niya at itinutok ang mikropno sa anak ngunit imbis na hello ay ‘dada’ ang binigkas nito habang nakatingin sa baba kung nasaan si Nathan. Tumayo si Robin at binuhat ang kaniyang anak. Pagkatapos ay nagbigay siya ng huling mensahe sa lahat ng ni

