Chapter 45 “Marami nang mga nilalang sa hall, halos puno na ito.” Napatingin si Robin kay Sayah na kapapasok lamang sa kaniyang silid. Nakatulog na si Klie, gigisingin na lang niya ito mamaya kapag lalabas na sila. “Ang mga inaasahang bisita?” tanong niya. “Narito na rin ang halos lahat ng reyna at hari sa buong lost world. Narito nga rin pala ang pamilya ko sa vantress, Robin, ipapakilala kita mamaya sa kanila, ha?” sabi ni Sayah. Naupo si Sayah sa tabi niya sa kamay. “Ano ang problema?” tanong nito sa kaniya. Hinawakan ni Sayah ang mga kamay niya at nang maramdaman nito ang panlalamig ng mga iyon ay tinapik siya nito sa balikat. “Kinakabahan ka?” Napabuntong hininga siya. Sino ba ang hindi kakabahan? Ang laki ng hall ng verthron tapos marami na ang nilalang na naroon at ma

