Chapter 21 “Narito na po ang mga damit na maaaring pagpilian ng prinsesa, mahal na reyna.” Napatingin si Robin sa dumating. Isang matandang babae na puro puti na ang buhok ang nakatayo sa kanilang harapan. Nakangiti ito sa kanila ni Zavia. Naroon kasi sila ngayon sa silid niya upang maghanap ng susuotin para sa nalalapit na kaarawan ng hari ng Lecius (Lesiyus). “Ang gaganda naman ng mga kasuotan na ito, Zavia!” sambit ni Robin habang nakatingin siya sa mga makukulay na damit na naroon. Sa mga movies niya lang madalas makita ang mga ganoong kauotan. Madalas ay suot ng mga prinsesa sa mga panoorin ang mga ganoon kahahabang mga damit. “Pili ka, ano ba ang gusto mo? Sa ‘yo naman lahat ng ito. Ang kapatid mo na rin ang pumili ng iba pero syempre tinulungan ko rin siya kasi wala naman

