Chapter 23 “Oo nga, marami ang nagpapadala ng mga armas at gamot, kahit naman mayroon tayong pagawaan ng mga gamot at armas ay talagang dumarami pa rin ang nais magpadala at makianib sa ating kastilyo.” Hindi niya maintindihan ang tungkol doon noong una hanggang sa ipaliwanag sa kaniya ni Zavia. Nabalitaan na kasi ng ibang maharlika na nakabalik na siya sa kastilyo ng verthron at alam ng mga ito ang kapayapaan na dala niya sa buong lost world kaya’t ang iba ay nais nang umanib sa kanilang pamilya. Ngunit hindi lahat ay pinahintulutan ng kaniyang kapatid. Natatakot pa rin ito na mapasukan sila ng espiya. “Mamaya ba ay bibigyan ng— Napahinto si Robin sa pagsasalita at napahawak siya sa kaniyang sinapupunan nang biglang makaramdam ng paggalaw doon. Napayuko siya at natuon naman ang pa

