Chapter 3

1053 Words
Chapter 3   “Anak…” Pinigilan ko na hindi tumulo ang aking mga luha sa harapan ng magulang ng lalakeng mahal na mahal ko pero nabigo ako. Huminga ako ng malalim at hinawakan ko ang mga kamay ni Tita Meredith—ang ina ni Alex. Dahil sa kaniya muli kong naranasan ang kalinga ng isang ina, ang pagmamahal at init sa dibdib sa tuwing kasama ko siya. Isang bagay na hinding-hindi ko pagsisihan ay ang nakilala ko siya at ang kaniyang asawa. “Kahit naman po…” huminga ako ng malalim at pinalis ang mga luha sa aking magkabilang pisngi, “k-kahit na si Hermiliah na ang itinuturing na kabiyak ni Alex, hindi pa rin naman po magbabago ang pakikitungo ko sa inyo at kina Alejandro at Xandro. Ganoon na rin po kina Khia, Marcus at Johnny.” Nakita ko na sunod-sunod na tumulo ang mga luha ni Tita Meredith. Kinuha niya ang isang kamay niya at tinakpan niya ang kaniyang bibig. Umiling siya ng dahan-dahan at umalog ang kaniyang balikat. Alam ko... alam ko na bilang isang ina alam niya ang nararamdaman ko ngayon. Nawalan ako ng anak... nawalan kami ng anak ni Alex at ang isa sa napakasakit na dahilan... Nang dahil iyon kay Alex. “P-Pasensiya na, anak... pasensiya ka na... s-sabi ko sa iyong ina noon ay hahanapin ka namin at poprotektahan p-pero hindi namin nagawa at ngayon nasasaktan ka ng sobra dahil sa kagagawan ng anak namin mismo... n-nawala pa,” nang mag-angat ng tingin si Tita Meredith sa akin ay umangat ang aking dalawang kamay upang palisin ang mga luha niya. “N-Nawala pa ang unang apo ko a-at hindi ko matanggap na... na si Alex ang d-dahilan... s-si Alex ang may gawa... ang m-mismong anak ko...” Dinaluhan ni Tito Aleister ang kaniyang asawa habang ako muling hinawakan ang mga kamay ng babaeng ni minsan ay hindi nagpakita ng hindi maganda sa akin. She made me feel important by cooking for me. She’s a great mother. Gustong-gusto ko siyang maging ina pero paano ko pa iyon mangyayari ngayon? Paano pa gayong sirang-sira na kami ni Alex? “Tita, everything will be alright for you... p-pero hindi ko na po maipapangako... hindi ko na maipapangako na magkakabalikan pa kami ng anak ninyo. He’s the reason why my angel was gone. Siya na m-mismong ama ng anak ko ang dahilan kung bakit ako nawalan ng anak... I’m sorry to say this...” Pinunasan ko ang luha sa magkabilang mga mata ko. “Hinding-hindi ko ho mapapatawad ang anak ninyo. Kahit kailan, kahit lumuhod pa siya sa aking harapan sa oras na maisip niya ang ginawa niya, hinding-hindi ko siya mapapatawad.” Tumango si Tita Meredith sa akin at nang dumako ang paningin ko kay Tito Aleister ay nakita ko ang kalungkutan sa kaniyang mga mata. He knows what his son did, Maxis told me that Alex was examined and that he’s not under a spell. Ibig sabihin everything ends for us. Wala na talaga at hindi na rin ako aasa na maibabalik pa. Nang makatapos kaming mag-usap ng mga magulang ni Alex at nang masabi ko na nais ko nang bumalik sa verthron ay wala na silang ibang sinabi pa. Lumapit sa akin si Tita Meredith at mahigpit akong niyakap, ganoon rin si Tito Aleister. When they went out of my room, tears started to fall again. Kinabog ko ang aking dibdib nang makaramdam ng matinding sakit. Iyak lamang ako ng iyak. Sobrang sakit, the pain is unbearable, sobrang sakit sa punto na hindi ko na alam ang gagawin ko. Whys is this happening to me? Kahit na lang sana iyong anak ko nabuhay... kahit hindi na bumalik sa akin si Alex, pero bakit pati ang anak ko? At bakit mo iyon ginawa sa amin? You were so excited at first, why? Bakit naman ganito Alex? I just can’t take the reason that my baby is gone... I-I can’t the reason that his own father killed our little angel.  Sobrang hirap naman, sobrang hirap magpatuloy. Para akong mababaliw kaiisip ano na ang mangyayari sa akin pagkatapos mawala ng anghel sa sinapupunan ko. Para akong mawawala sa sarili kapag naalala ko na ang kaniyang ama ang dahilan kung bakit nawala siya sa akin. Anak... even if you didn’t get a chance to see the beautiful world, I wanted to tell you the great things are here. Sayang lang dahil hindi mo na iyon makikita but mommy will always tell you even if you are in heaven now, okay? Mahal na mahal ka ni mommy... m-mahal na mahal kita... Oh God, how am I going to continue my life right now? Paano ko ipagpapatuloy ang buhay kung patuloy akong binibigyan ng dahilan para sumuko? It was like a bomb thrown in front of me when Maxis said that my baby didn’t make it. Napakasakit para sa isang ina mawalan ng anak, I wanted my baby... I wanted a little one that resembles me... “Robin...” Umangat ang aking mukha at nakita ko si Khia. Alam ko na punong-puno ng luha ang aking mga mata at alam ko rin na lukot na lukot na ang aking mukha kakaiyak. Nakita ko na lumapit sa akin si Khia at itinaas niya ang kaniyang kamay upang yakapin ako. “A-Ang hirap... hirap...” sabi ko habang patuloy na umiiyak kay Khia. Narinig ko ang pag-iyak niya habang nakayakap sa akin. “I’m sorry... I’m sorry that this happened to you... you don’t deserve this, hindi dapat ito nangyayari sa ‘yo.” Iyak lamang ako ng iyak habang nakayakap si Khia sa akin. Ilang beses na akong nawalan ng mahal sa buhay, ilang buhay na ang nawala pero ito... hinid ko alam kung kakayanin ko... “A-Ang baby ko, Khia... w-wala na ang baby ko...” “N-Napakasait... sobrang sakit K-Khia, the pain is too much... hindi ko ito kaya... h-hindi ko kakayanin ang sakit...” “Shhh... you will be okay, h-hindi namin hahayaan na masaktan kang muli. Huli na ‘to...” The sound of me crying filled the room... I wanted to end this too, ayoko na ng may kasunod pa. Iiyak ako ngayon, iiiyak ko lahat ngayon pero sisiguraduhin ko na wala nang kahit na sino pa ang makakalapit at makakapanakit sa akin o sa aking pamilya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD