bc

Mananatiling Ikaw

book_age12+
1
FOLLOW
1K
READ
second chance
friends to lovers
comedy
sweet
bxg
heavy
serious
school
sacrifice
Neglected
like
intro-logo
Blurb

This story is about two childhood friends who have different dreams. Clodualdo wants to stay in the province and cultivate his rice fields, while Teyang is full of dreams that will require her to leave their hometown to run for them.

How can they still love each other without getting hurt on the process of pursuing their dreams?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
MASAKIT ang ulo ni Althea o Teyang, dahil sa labis na puyat. Halos lahat ng trabaho sa opisina ay natapos na niya. Iniuwi niya kasing lahat iyon ng nagdaang araw sa kagustuhang maokupa ang kaniyang oras sa buong magdamag. Kinatatakutan niya ang oras na makapag-isip. Kagaya ngayon na hindi niya maituon ang kaniyang oras sa pagmamaneho ng kaniyang kotse at sa halip ay kung anu-anong alalahanin ang sumasagi sa isip niya. Dalawang barrio na lamang at nasa San Simon na siya at tinatahak pa lamang niya ang San Sebastian ay kinakabog na siya ng samu’t saring emosyon. Ito ang pangalawang beses niyang pag-uwi sa kinalakhang probinsiya mula nang binyagan ang anak niyang si Yul. Kung hindi pa itinawag ng kaniyang ina na mahina na ang kaniyang Lolo Vito ay hindi niya maiisipang umuwi. Nakaramdam siya ng bahagyang guilt sa alalahaning iyon. Kalahating oras pa at sa wakas ay narating na rin niya ang tahanan ng pamilya na nakatirik sa mataas na bahagi ng barrio ng San Simon. Isa iyong two-storey house na ipinatayo pa ng kaniyang maternal grandparents, maraming dekadang taon na ang nakalilipas. Gawa ito sa pinagsama-samang pawid, de-kalidad na uri ng kahoy at kulay matingkad na pulang mga bricks. Sa harap ng lumang bahay ay ang hardin na naiwan ng kaniyang Lola Mela at pinagyaman ng kaniyang inang si Celeste. Dahil sa nag-iisang anak ito, napahinuhod ang kaniyang ama na doon na rin sila pumisan at maging kasa-kasama ng mga matatanda. Pagpasok pa lamang ng bahay sa loob ng bakuran ay nag-iba na ang pakiramdam ni Althea. Tila siya napapasong hindi mawari habang pinagmamasdan ang mga halamang bumabakod sa kabuuan ng bakuran. Ipinilig niya ang kaniyang ulo upang maghanda sa pagbaba. Agad niyang natanaw ang papasalubong na ina at dalawang dalagitang tiyak niyang mga apo ng katiwala nilang si Manang Simang. Sa loob na rin ng kanilang bakuran nakatayo ang munting kubong tinitirhan nito noon pa mang bata siya. Kasama ng matanda ang maliit nitong pamilya. Napangiti siya, hindi na biro ang tagal ng panahong ipinaglingkod ng matanda sa mga Almario. Paslit pa lamang siya ay nakagisnan na niya ito hanggang sa siya ay magkaedad. Nang umibis ng sasakyan ay agad siyang sinalubong ng yakap ng mamang niya. Hindi nalingid sa kaniya ang pangingilid ng luha nito kaya’t pinili na lamang niyang ilayo ang tingin upang hindi mahawa sa emosyon ng kaniyang ina. Hinawakan niya ito sa braso at iginiyang pumasok sa loob ng bahay kasunod ang dalawang dalagitang nasa likuran nila. “Mabuti at maaga ang naging dating mo, hija. Ang akala namin ay gagabihin ka dahil malayo ang Menila,” bungad nito habang pinapanhik nila ang pitong baitang na hagdan ng bahay. “Maaga po akong umalis doon, Mamang. Ayokong tanghaliin sa daan, sira pa naman ang aircon ng kotse ko.” “Sana’y nagsabi kang darating ka ng ganitong oras para nakapaghanda naman kami.” Napansin niyang may kahulugan ang ipinukol na tingin ng ina sa dalawang dalagitang nasa likod pero hindi niya masyadong binigyan ng pansin iyon. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya samantalang dapat ay makaramdam siya ng tuwa sa muling pagbabalik na iyon sa bayan ng San Simon. Pagkatapos ng humigit kumulang tatlong taon. “Ano bang handa ang kailangan pa, Mamang? Alam niyo naman sa simula pa lang ay hindi na ako mahilig sa mga kasiyahan, hindi ba? Isa pa ay hindi ko agad nakompirmang papayagan ako ni Boss na mag-leave ngayong Linggo kaya hindi na rin ako nakapagpasabi.” “Naku, kahit simpleng tanghalian lamang sa ating pamilya, anak. Ilang taon ka na ring hindi nadalaw rito at dapat ay magsaya tayo sa muli nating pagkikita-kita hindi ba, Rosa, Rosita?” Tumango naman ang dalawang dalagitang mula nang siya ay dumating ay pirmis lamang na nakatayo at nakamasid sa kaniya. “Sila na ba ang mga makukulit na apo ni Manang Simang? Parang bigla yata silang nagdalaga, ah. Naku, marami akong mga damit at sapatos na ibibigay sa inyo. Kung okay lang sa inyong gumamit ng mga bagay na hindi na masyadong bago, mayroon akong dala at nasa compartment ng kotse ko. Marami kasi akong damit na hindi na rin maisuot mula nang…nang nagdiyeta ako eh. Pihong kasya sa inyong dalawa, lalo na sa iyo, Rosita.” Higit itong mas mabilog kaysa sa kapatid at na-imagine niyang suot ng mga ito ang damit niya. Napangiti siya nang makita ang sayang lumarawan sa maamong mukha ng dalawa. “Oo nga pala, Mamang, nasa silid ba si Lolo Vito? Gusto ko siyang makita.” Humakbang siya patawid ng sala kung saan ang unang silid na daratnan ay sa kaniyang abuelo. “Ah, eh, oo anak pero mamaya na kita ihahatid sa kaniya. Halika muna sa kusina at nang magkakuwentuhan muna tayo habang inihahanda ang ating pagkain.” Hinawakan pa siya ng ina at dinala sa kusina ngunit bahagya niyang binawi ang brasong hawak nito. “Makapaghihintay ‘yan, Mamang. Gusto ko munang makita si Lolo.” Muli niyang binagtas ang kahabaan ng sala patungo sa destinasyon ng kuwarto ng abuelo pero saglit pa lamang siyang nakahahakbang ay biglang lumitaw sa kaniyang harapan si Rosita na nakababata kay Rosa. “A-ate, bilin nga pala ni Lola Simang na dalhin kita agad sa kaniya oras na dumating ka. Iginawa ka raw niya ng puto at dinuguan na paborito mo.” Alanganin ang ngiti nito at hindi niya maunawaan ang ibig sabihin noon. Napangunot siya sa iginawi nito pero matamis na nginitian ang dalagita at ipinangako ritong agad na lilipat sa kubong tinitirhan ng mga ito matapos makapagmano kay Lolo Vito. Bubuksan na lamang niya ang pinto nang malakas na napasigaw ang kaniyang ina. “Anak! Baka gusto mo munang magkape at baka mabalis mo si Tatay!” Kitang-kita niya ang pamumutla ng ina nang lingunin ito. Bigla ang bundol ng kaba sa kaniyang dibdib at nanghina ang kaniyang mga tuhod. May nangyari bang masama sa kaniyang Lolo Vito? Bakit tila ayaw ng mga itong puntahan niya ang kaniyang lolo? Sukat sa naisip ay bigla niyang binuksan nang malakas ang dahon ng pinto. “Lolo!” Ang kaniyang pangamba ay kagyat na naglaho ng makita ang abuelong masayang-masaya sa pagkukuwento sa bisita nito. Agad siyang pumasok sa silid subalit bumalik ang panginginig ng kaniyang tuhod nang mapagmasdan ang bisita ni Lolo Vito. Ang ‘bisita’ naman ay bahagya ring nagulat sa marahas na pagpasok niya roon. Pinilit niyang pangibabawin ang isip at lumapit sa matanda. Hinagkan niya ito sa pisngi at matapos ay naupo sa stool na nasa kaliwang gilid ng kama nito. Nasa kabilang panig naman nakaupo ang naturang bisita. “N-narito ka pala,” aniya rito. “Oo, kani-kanina lang. Hindi ko alam na darating ka ngayon. Pasensiya na.” Malamig ang boses nito at napakapormal. Napaangat ang kaniyang kilay sa narinig. “Hindi ko rin naman alam na narito ka sa silid ni Lolo,” ganting sagot niya sa kalamigan nito. “Puwes, ngayong narito na kayong pareho, hindi ba at dapat kayong magsaya? Ireng mga batang ire, hindi ko maunawaang talaga.” Bahagya pang inubo si Lolo Vito sa tawang pinawalan nito. “Hala, Clodualdo, hayan na si Teyang, ano pa ba ang hinihintay mo--Pasko?” Kumukumpas pa ito habang nagsasalita. Iyon ang tawag sa kaniya ng buong pamilya noong kaniyang kabataan-Teyang na probinsiyang pangalan para sa Althea. “Lolo Vito, siguro po ay kailangan na muna kayong magpahinga. Kami na lamang ang mag-uusap ng…ni Add para magkasarilinan kami, hindi po ba?” Sinapo na niya ang situwasyon at sa nakikitang kasiglahan sa mukha ng matanda ay tiyak na mahihirapan na naman siyang magpaliwanag rito. Mahirap naman kasi talagang ipaliwanag ang situwasyon nila, aminado naman siya roon. “Oo, apo, pero nais ko munang makita kung paano kang salubungin ng yakap ng dyaskeng ire! Ano’t kanina lamang ay tila ka panabong na may tari kung magkuwento riyan? Heto na si Teyang, ano pa ba ang itinatayo mo riyan?!” Bahagya pa siyang napapikit dahil sa nagpapaulan na naman ang lolo niya ng habang nagsasalita, wala na kasi itong ngipin kahit isa at ayaw ring gumamit ng pustiso. Pasimple niyang pinahid ng kamay ang noo. “Lolo, mamaya na lang po, magpahinga muna kayo at kami naman ay mag-uusap sa labas, okay po ba iyon?” muling pangungumbinsi niya sa matanda. “Lolo, ‘yung kiss po ba ang tinutukoy ninyo? Kung iyon lang po ay hindi ko kayo bibiguin.” Nabigla siya sa isinagot nito at napadilat ang kaniyang mga mata nang mabilis nitong tinawid ang kanilang distansiya. Hinawakan siya ni Add sa magkabilang balikat at mabilis na dinampian ng isang magaang na halik sa mga labi. “O, okay na Lolo, hinagkan ko na po si Teyang,” pagkuwa’y sabi nito. “Hala eh hindi naman unto ang sabi mo sa akin eh, sabi mo ay dudurugin mo siya sa iyong mga braso habang inaangkin ang kaniyang mga labe, hindi ba? Unto lang ang iyan eh!” Wala na siyang naisagot nang walang anu-ano ay kabigin siyang muli ng kaharap at siilin ng maalab na halik. Ang dikta ng isip niya ay itulak ito nang malakas pero nang kumilos ang kaniyang mga kamay ay kung bakit tila lalo pang napalalim ang halik na iyon. Kaya naman pala ay nagtraydor na naman ang mga braso niyang hayun at nakakunyapit pa rito. Para siyang matutunaw sa kahihiyan nang pagdilat ay matagpuang nakatunghay sa kanila ang lahat ng miyembro ng pamilya. “O hayan, Lolo Vito, pinagbigyan na namin kayo. Lalabas po muna kami upang makapagsolong mag-asawa.” Tila musika sa pandinig niya ang huling sinabi ni Add lalo pa at hawak nito ang kaniyang kamay habang papalabas ng silid. Pero siyempre, batid niyang iyon ay para sa pandinig lamag ng kaniyang abuelo. Nilampasan nila ang mga miron sa pinto na tulalang nakamasid sa kanila. Ang matanda naman ay naulinigan niyang humahalakhak habang sila ay palabas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.6K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.7K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.7M
bc

The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

read
14.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook