CHAPTER 4

5000 Words
HERA'S WE had just landed in Palawan a few hours ago. We've arrived at the resort where we'll be staying. The scenery is stunning because you can instantly see the sea, and the water is also very clean. Sobrang sarap sa pakiramdam ang hangin na malalasap mo dito. I never expected Palawan's natural beauty to capture my heart so fast. The air was chilly but pleasurable to feel as it welcomed us. We have never visited Palawan since we like to visit places that are on our trip dream list, and Palawan is not one of them. Mabuti na lang at naisipan kong puntahan siya at tama na napili ko ang lugar na ito. It would've been best if Dad had been here. It's a shame that he missed out on this opportunity. God, nandidito ako para mawala ang sakit ng ulo ko. Napangiti ako ng makaapak ang dalawa kong paa sa loobIn the living room, I found Mom and the other maids having a great time. Mukha silang teenager na walang pamilya at walang problemang kinakaharap. It's wonderful to watch them pleased. “Ate? Umiiyak ka ba?” Mabilis kong nilingon si Hershey. She looked at me, as if she was expecting my tears to drop into my eyes. Hershey and I exchanged glances as we watched Mom and the maids having a good time. Maya maya bumuntong hininga si Hershey, mukhang nahihirapan siya sa sitwasyon nila Mom and Dad. Hershey is the youngest, and I'm sure what she notices is upsetting her. She's childish. Hindi niya pa kayang pasanin ang problema ng pamilya. I'm sure she worries about Mom and Dad's issues every night, and why Mom behaves as if she doesn't care about Dad. Pareho kami ni Hershey at bilang panganay naguguluhan din ako sa nangyayari. “Hey, don't worry too much ha? Alam kong iniisip mo kung bakit nag-away sila Mom pero don't over do it.” Hindi niya ako nilingon pero alam kong narinig niya ang sinabi ko. “Thank you, ate. Mabuti na lang at nandidito ka. Honestly, nahihirapan ako sa nangyayari. Ngayon ko lang sila nakita na ganu'n and that's something I've never experienced before.” tumango ako upang iparating sa kan'ya na naiintindihan ko siya. It's different today. Wala kaming idea kung niloloko ba nila kami o totoo ang nangyayari sa kanila. “Herminia is keeping an eye on, Mom. May duda raw siya sa nangyayari but she promised to keep it a secret from us until she could confirm it.” she said while closing her eyes. After a while she opened her eyes and looked at me. “Does Dad do anything suspicious when Mom isn't around?” natahimik ako dahil sa tinanong niya sa'kin. What's the meaning of that? May ginagawa bang kalokohan si Dad? I don't know Dad is rarely at home. He is usually at work, and Mr. Velasquez is always around him...Wait Dad's office is far from Mr. Velasquez's. Basically sekretarya niya ang lagi niyang kasama. Weird. I don't find any suspicious about that. “Nevermind.” nakangiti niyang sambit sa'kin at nagpaalam na pupunta raw siya ng banyo. Tumuloy ako sa tumungo sa magiging kwarto ko. The bedroom walls sophisticated vintage style caught my attention. The combination of white and brown colours is aesthetically pleasing in my eyes. There is also a glass here, through which you can really see the breathtaking view of the resort. The golden style of the window frame caught my attention as well. Sobrang ganda! Sulit ang trip kung sa ganitong resort kami tutuloy. Para akong tao na ngayon lang nakapamasyal. Ang dami ko ng napuntahan na lugar but I feel like I've never seen such a beautiful view like this once in my life. Feeling ko bago sa'kin ang lahat ng ito which I think is funny. Pagkatapos kong magbihis ay tumungo ako sa ko living room. Busy ang mga katulong sa pag-aayos ng kanilang mga gamit. They have their own place, which is similar to a maid's quarters, yet they choose to fix their things in the living room because they actually can not believe what they're seeing. How cute. “Ma'am! Salamat po ulit!” nakangiting batid sa'kin ng isa sa mga katulong. Sinuklian ko siya ng malawak na ngiti at nagpaalam na lalabas na muna at maglalakad lakad upang tingnan ang ganda ng Palawan. I wrapped my arms around myself as the air became chilly. I encountered some foreigners, and the rest were my fellow Filipinos. They seemed to know me, but they never approached me for a photo. Siguro nakaramdam din sila na nandidito ako upang magpahinga. Thankful ako dahil alam nila na ayokong mag-paistorbo. Tinanggal ko ang aking salamin at tumingin sa papalubog na araw. “It's beautiful.” I murmured to myself. “Uh, hello, Miss.” kunot noo kong nilingon ang lalaking sumulpot sa aking gilid. He doesn't seem to be a Filipino, but I think matagal na siyang nakatira dito sa Pilipinas. “Yes? What can I do for you?” I asked. “Can I?” huh? Picture ba ang tinutukoy niya? “Yes, you can, but now that I'm on vacation, I want to go for a walk without being approached by anyone who wants to take a picture of me. I hope you understand that.” nakangiti kong batid sa kan'ya. Nakatitig lang siya sa'kin, tila prinoproseso ng kaniyang utak ang aking sinabi. Sana hindi niya masamain ang sinabi ko. “Oh, okay. Please accept my apologies for my actions.” I smiled at him. “There's no need to apologize, just don't disturb me. Thank you, Mister.” magalang akong nagpaalam sa kan'ya at ganu'n din siya sa'kin. Buti na lang at naintindihan niya ako. Medyo kinabahan ako sa nangyari, na-trauma na ako sa ginawa sa'kin ng lalaking muntik na akong gahasain sa bar. Sana mahuli na siya! Walang mangyayari sa mundo kung ang isang katulad niyang tao ay hindi mahahatulan ng parusa. It's not fair. Muli akong naglakad upang nawala ang init ng aking ulo. Hanggang sa napagpad ang mga paa ko sa isang kubo. It's not a normal kubo, may mga naka-display kasing alcohol sa dingding ni'to. Simple nguni't makikitaan mo ng elegante. Maglalakad na sana ako papunta rito ng bigla akong bumangga sa isang tao dahilan para mapaupo ako. “I'm sorry.” batid ko ng makatayo ako mula sa pagkakaupo. Nagtaka ako ng walang sumagot sa'kin kaya inangat ko ang ulo ko at halos magulat naman ako dahil sa tangkad niya. She was wearing sunglasses too, and if I'm not wrong, she was a few inches taller than me. Since she was wearing a bikini, I could see her curvy body. Ano siya? Goddess? Sa tinding pa lang niya alam kong maganda siya. “Miss, sorry kung nabangga kita.” muli kong batid sa kan'ya pero wala pa rin siyang tinugon sa'kin. What happened? I mean ano ang nangyayari sa kan'ya? Hindi naman tumama ang ulo niya sa bato since wala namang bato rito. Obvious naman na buhangin ang inaapakan ko. “Are you okay?” hahawakan ko na sana ang kaniyang balikat ng bigla niyang itulak ang kamay ko papalayo sa kan'ya. Oh? She's alive? Thank, God. “Can you not touch me? You smell like a rotten trash.” napakurap ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. I could definitely hear her, and if I'm not wrong, she said I smelled like rotten trash. Patience. “Hey—” hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko ng bigla niya akong talikuran at naglakad na para bang normal lang ang sinabi niya sa'kin. I breathed deeply, trying to control my trembling arms because of what she had said. I'm still surprised by what happened. I've barely met someone like that. She's not maniac, because she's crazy. I hope na hindi na ako maka-tagpo ng ganung klaseng tao. Gusto ko pa sanang libutin ang lugar na ito, but because of what I've experienced naisipan ko na lang ang bumalik sa resort. Pagkapasok ko sa loob agad akong sinalubong ni Hershey ng yakap. Nagtataka ko siyang tiningnan ng bitawan niya ako. Nakangiti siya sa'kin ng malawak, tila may gusto siyang gawin nguni't gusto niya munang humingi ng permiso sa'kin. “What?” I asked. “Uhm, how about mag swimming tayo tomorrow?” oh? Diving? Well it's okay naman. “For sure hindi makakasama sa'tin si Mom.” tumango sa'kin si Hershey. Hindi marunong lumangoy si Mom, at siya lang ang hindi marunong sa pamilya. Nagtatake kasi kami ng diving lesson para incase na magka-problema sa bangka na sinasakyan namin ay maliligtas namin ang sarili. “Sure na tomorrow right?” tumango ako at ginulo ang buhok niya. Parehas kaming nagtungo sa living room at naupo sa tabi ni Manang na nanonood sa kakulitan ng mga alaga niya. Lima ang katulong namin sa bahay, kasama na doon si Manang. The maids here have been taking care of us for a long time. Nagsimula silang manilbihan noong panahon na sumabak ako bilang modelo. Right, si Criselda ang bago bago since last year lang siya nagsimulang magtrabaho sa amin. At sa pagkakaalam ko siya ang pinaka bata sa mga katulong. She's 20 na yata? And the rest is 30 plus. I'm older than her dahil 25 na ako. Honestly, Mom has no intention of hiring her as a maid. Because of her age. She's 19 years old. Gusto muna ni Mom na magtapos muna siya sa pag-aaral bago siya magtrabaho bilang katulong. But she finally accepted her as a maid. Ang rason niya ay ang pamilya niya. Siya lang daw kasi ang inaasahan ng pamilya, at kung hindi siya magtratrabaho at itutuloy ang kaniyang pag-aaral ano na lang daw ang kakainin ng pamilya niya? That's why tinanggap siya ni Mom. “How are you, Manang? Are you happy?” nakangiti kong tanong sa kan'ya. Gulat niya akong nilingon at ngumiti ng makabawi. “Salamat, anak. Pasensya na at nakaistorbo pa kami sa bonding niyong magpa-pamilya.” hindi ko maiwasang mapabuntong hininga dahil sa sagot sa'kin ni Manang. Lagi niyang iniisip na istorbo lang siya sa'min even though na hindi. “You're really stubborn, Manang.” natatawa kong batid sa kan'ya. “Kung iniisip mo na pang-gulo ka sa'min, don't. You're not. You are already part of this family, so don't worry okay?” niyakap ko siya ng mahigpit dahil alam kong gusto niya itong maranasan. She's like a second mother to me. She is someone I adore and admire. “Lagi mo talagang pinapagaan ang loob ko, Hera. Swerte na ikaw ang naging anak ni Ma'am.” hindi ko maiwasang matago ang ngiti ko habang nakatingin kay Manang. Nag-usap lang kami ng nag-usap hanggang sa inaya kami ni Mom. She said that the dinner she had ordered would be delivered later. Lahat kami ay nagtungo na sa dining room, simple lang ang disenyo ng dining room, may mga malalaking paso sa bawat sulok ni'to. Katulad sa aking kwarto kulay ginto rin ang kulay ng ilaw. Mom's order was delivered a few minutes later. Many appetizers are placed in front of us, and if my memory serves me well, these are the most well-known foods served to tourists. Nakikita ko kasi siya sa mga post ng mga friends ko sa i********:. Well they're right, the foods looks delicious. “Wow!” bigla kong sambit ng matikman ko sisig. I thought simple lang ang lasa niya but this dish is fantastic! “It's good right?” nakangiting tanong ni Mom sa'kin. Tumango ako bilang sagot sa kan'ya. Nagtuloy tuloy lang kami sa pagkain, nilimitahan ko rin ang sarili sa pagkain dahil need kong i-maintain ang katawan na mayro'n ako. Kumuha ako ng salad at agad ko itong kinain. Halos magwala naman ang mga bulate ko sa tyan ng matikman ko ang lasa ng salad. The taste of lettuce is crisp and delightful, plus I enjoy the delicious taste of mayonnaise. The chopped cherry tomatoes gave a savory flavor to the salad. It's perfect that I want to cry! Now I know why this salad is well-known and wholesome! After kong maubos ang salad ay uminom ako ng tubig. Ubos na pala ang ibang pagkain na nakahain sa lamesa. I'm sad because bawal akong kumain ng marami, kinakain ko lang ang pagkaing kaya ng katawan ko. “Hindi pa tayo tapos.” singit ni Mom na ikinatingin naming lahat. Nagpa-alam muna ako saglit sa kanila dahil bigla kong naalala si Dad. I think nakauwi na si Dad since it's 7:00 p.m na. I forgot to contact him earlier since I had become extremely hungry for the dishes Mom had ordered. As soon as I got my phone inside the room, I dialed his number. He didn't pick up my call for a few minutes, so I hung up and dialed his number again. Thankfully, he answered my call. “Dad!” I said. “....” No response. I checked my phone to see if the number I dialed was Dad's, and I was relieved to find that it was. But why isn't anyone responding to me? Busy ba siya kaya hindi siya makasagot sa'kin? Then why did he picked up my call? “Hey Dad? Are you busy or mahina ang signal kaya hindi mo ako marinig?” No response. “I always tell you not to pick up the phone if you're busy. Hay naku, Dad.” iling iling kong sambit kahit na hindi niya ako nakikita. “Zaldy...” kumunot ang noo ko dahil sa biglaan kong narinig. I'm sure it's not Dad's voice. Number naman ni Dad ang tinawagan ko. “Hello? May tao ba diyan? Where's Dad?” no response. Haggang sa nakita ko na lang na pinatayan na ako ni'to ng tawag. Who's that? Who was the woman who addressed Dad by his first name? I'm sure it's not her secretary since kailangan nitong i-address si Dad in formal at respected way. Oh, God. What's the meaning of that. TANGHALI na ng ako ay magising dahil 'yon sa kakaisip kung sino ang babaeng narinig ko kagabi. I had no idea who the voice belonged to. She was not someone I knew. It's different from the woman who are looking for him. Should I ask Mom? Maybe kilala niya kung sino ang babaeng 'yon no? Napatingin ako sa aking phone na tumunog ito. Pagkakita ko it's a message from Dad. I think masasagot na ang mga katanungan ko. A lot of things pop into my head, but I try to keep them out since I trust my father. Alam kong hindi siya gagawa ng kalokohan na ikakasakit ng damdamin ni Mom. I know that. I hope so. ‘I apologize for not responding your call last night, sweetie. I was exhausted from work, and fell asleep. Please greet your mother and siblings on my behalf, and good morning.’ Tanghaling tapat nguni't sobra ang pagkakunot ng aking noo matapos kong mabasa ang message sa'kin ni Dad. What is this? He stated in his text that he did not respond my call last night, then sino ang sumagot ng tawag ko sa kan'ya if hindi siya? What's happening? Seriously? Sino ang sumagot ng tawag ko kung hindi siya? May babae pa nga akong narinig na tinawag ang pangalan niya. ‘I just recently read your text, Dad. But I'll greet you with a pleasant morning. By the way, you said there that you didn't pick up the phone?’ sent. ‘Yes? Why?’ received. ‘Someone pick-up my call.’ sent. ‘Huh? Who?’ received. ‘I don't know? Hindi ko nakilala ang boses niya but she's calling your name.’ sent. ‘That's creepy. I was alone at home. Since the maid who had been accompanying me here went home due to emergency.’ received. Lumuwa na yata ang aking mata nang mabasa ko ang reply ni Dad sa message ko. Who the hell is that? Sino ang sumagot ng tawag ko kung hindi si Dad? There are no spirits in our house, thus I don't find it spooky. Sobrang weird talaga. Sobrang weird na ng mga pumapasok sa utak ko. I trust him. I know hindi niya ako madidismaya. Iisipin ko na lang na na wrong number ako. Wala akong idea sa nangyayari pero aalamin ko 'to. I feel like I'll discover a hidden secret. If I figure out who the woman who answered my call is. Baka may koneksyon ito sa tinatanong sa'kin kahapon ni Hershey. Sana hindi tama ang hinala namin. Sana hindi tama ang hinala ko. Matapos ang sapilitang pagpapaalala sa sarili ay bumangon na rin ako. Nagtungo ako sa banyo upang maligo. Isang oras akong nagtagal dito. Hanggang sa narinig ko ang matinis na boses ng kapatid ko. “Ate! Tanghali na! Ang usapan natin 9:00 a.m tayo aalis.” rinig kong sigaw ni'to sa labas ng kwarto ko. “Wait, Hershey. Eto na.” tugon ko rito. “You're excited, huh?” batid ko ng pagbuksan ko siya ng pinto. Pero mukhang hindi siya natuwa ng makita ako. Nakatitig lang siya sa'kin na para bang nakakita siya ng multo. “Ate you're a model right?” kahit nagtataka ay tumango ako sa tanong niya. “Then what are you wearing?!” napaatras ako sa likuran ng marinig ko ang malakas na pagsigaw niya sa'kin. Sumilip tuloy si Manang at ibang mga katulong dahil sa nangyari. “It's clothes, Hershey.” sagot ko sa kan'ya at lumabas ng kwarto. Nakasunod siya sa'kin hanggang sa living room. Pumunta ako sa direksyon ni Mom at hinalikan siya sa pisngi, tango naman ang sinagot sa'kin ni Herminia na mukhang kanina pa gustong umalis. “What's wrong with my outfit, Mom?” naiintriga kong tanong kay Mom dahil sa binigay na reaksyon sa'kin ni Hershey. “Nothing, bakit?” umiling ako at tumingin sa direksyon kung nasaan si Hershey. I wore a red A.L C Carolyn crochet dress. I matched it with Schutz Byana espadrille platform sandals in white. I only wore simple yet elegant earrings, and a black Clare V. Sandy tote. Normally, when I travel, my hair is messy, but I've decided to make it into a ponytail. In addition I also wear black sunglasses. There's nothing wrong with my outfit. Mabuti na lang at nakahanda na ang pagkaing pina-order ko kay Mom. It's a green salad with avocado, pecans, olive oil, and protein like fish. Actually nag-request si Mom sa chef na itong lunch ang dapat niyang gawin para sa'kin. “There's nothing wrong with your outfit, ate. I think ang pinaparating sa'yo ni Hershey ay ang ganda ng kasuotan mo.” nilingon ko si Herminia at ngumiti dahil sa sinabi niya. Hanggang sa maalala ko ang sinabi sa'kin ni Hershey about sa ginagawa niya. After a few minutes umalis na kami ni Hershey at Herminia. Parehas silang may dalang camera, pero magkaiba sila ng intensyon. Balak kuwanan ng litrato ni Hershey ang sarili niya kasama kami, habang si Herminia, mga puno at magagandang tanawin ang kukuwanan niya. Habang naglalakad papunta sa diving spot ay todo kuha na ng litrato si Herminia. I find it cute because it was a hobby of hers. Nagtataka nga ako at bakit hindi niya kinuha ang kursong photography. I think the photos she takes have a lot of potential. “Tumawag ako kay Dad kagabi.” I looked at her. “Then someone pick up my call.” natahimik ako dahil sa kaniyang sinabi. Gusto kong ibuka ang bibig ko pero nanatili lang akong tahimik. I don't want to ruin this fun. “Let's not talk about that, Hershey. You see, nagsasaya tayo.” I let out a sigh of relief. I don't really want to attack Hershey's emotions, so I'll keep my mouth shut as long as I can. Hindi ko pa nakukumpirma ang hinala ko. Tsaka ko na sasabihin sa kan'ya kapag tama ako. Muling bumalik ang saya sa paligid namin. Marami rin kaming nakakasalubong at lahat ng yon ay napapatingin sa gawi namin. Nang makarating kami sa aming paroroonan ay sumakay na kami sa bangka ng taong mag-aassist sa amin. She's a girl kaya mas naging komportable kami. Habang naglalayag ang aming bangka ay todo salita ang babae tungkol sa naturang lugar. “Wow! Ang ganda!” bulalas ni Hershey habang nakatingin sa paligid. “The Small Lagoon is the most stunning sight in El Nido. The lagoon with turquoise-green waters and surrounded by towering limestone cliffs is accessible by kayak or by swimming through a hole.” pahayag ng babaeng naga-guide sa amin. Makalipas ang ilang minutong paglilibot ay ipinunta kami ni Miss Guide sa diving spot. Nang makarating ay agad na sumisid ang dalawa sa malinis at magandang karagatan. Sumunod ako sa kanila pagkatapos kong maayos ang aking one piece swimsuit. “Omg ang sarap sa pakiramdam!” batid ni Hershey ng makaahon sa dagat. Tumango ako upang iparating na tama siya. Marami rin kaming kasama sa paglalangoy. At nakakatuwa na makita silang masaya habang nasa karagatan. “MOM grabe ang saya namin!” batid ni Hershey nang makauwi kami sa resort. Sobrang dami niyang kinuhang litrato, meron pa noong patalon pa lang ako, at yung nagsusuot ako ng one piece swimsuit. Ibebenta niya raw sa social media para magkapera siya. Todo tawa naman si Mom dahil sa kalokohang gagawin ni Hershey. Habang nagsasaya nakarinig kami ng tunog ng camera. Sabay sabay naming nilingon si Herminia na kakababa lang ng hawak hawak niyang camera. Nakatingin siya rito at kalaunan ay napansin ko ang pag-ngiti niya na hindi nakita ng iba. “Dapat maganda ako d'yan ha?” nilingon niya ako saka tumango. “You're already beautiful, ate.” napangiti ako dahil sa tinugon niya. Nilapitan ko siya at hinila papalapit sa'min nila Mom. Tinanong siya ni Mom about sa mga litratong nakuhanan niya at masaya niya itong ipinakita kay Mom. I hope na ganito kami lagi. Wala sanang problema na dumating na ikakasira ng buong pamilya. Pagkakatiwalaan ko si Dad, hanggang sa malaman ko ang katotohanan. “Manang pwede ba kaming lumabas? Maglalakad lakad lang po kami.” rinig kong paalam ng isang maid kay Manang. Actually tatlo sila, pero yung dalawa nagtatago sa likod ni ate Cora. “Cora, hindi ko kayo puwedeng palabasin. Hindi ako ang amo niyo at sinama tayo rito para magtrabaho.” hindi ko maiwasang umiling ng tatlong beses ng marinig ang paliwanag ni Manang. “Go.” para silang nakakita ng multo dahil sa biglaan kong pagsulpot sa harapan nila. I brought them here to have a good time. Wala sila sa bahay, kaya wala silang gampaning kailangan gawin dito. Desisyon na nila kung kikilos ba sila o hindi. But seriously wala munang trabaho ngayon. They still have a salary for me even if they come here. I know that they have a responsibility to their family. “Hera?” I smiled at her. Kahit kailan talaga si Manang. “You're here to have fun, Manang.” batid ko sa kan'ya. Alam ko na gusto niyang gawin ang trabaho niya bilang Mayordoma ng bahay. Alam ko rin na gusto niyang mag-stay lang ang mga katulong at gawin ang trabaho nila. But it's break time today. Lumapit ako sa kan'ya at niyakap ang braso niya. “Pinapalaki mo ang ulo ng mga batang yan, Hera.” hindi ko maiwasang tumawa ng marinig ang reklamo ni Manang. Tumingin ako kila ate Cora at sa dalawang katulong na nasa likod niya. I think natakot sila sa biglaan kong pagsulpot sa harapan nila. Si Manang lang kasi ang close ko, minsan ko lang sila nakakausap dahil sa busy kong schedule. “Hindi naman sa ganu'n, Manang. Can't you see? Aren't we in Palawan? Why did I bring everyone here? Of course, the purpose is to have a good time.” paliwanag ko sa kan'ya. Tila naunawaan naman niya ang ipinaparating ko dahil nagbuga siya ng hangin sa kaniyang bibig. “Sige basta't bilisan niyo lang ha? Hindi porke't pinayagan kayo ng amo niyo na magpakasaya ay iiwan niyo na ang trabaho niyo rito. Sige na't magsaya na kayo.” sabay sabay naman na tumayo ng maayos ang tatlong katulong at nagpasalamat sa'kin lalong lalo na kay Manang na galit ata sa kasiyahan. “How about you? Wala kang balak na sumama sa kanila?” umiling siya bilang sagot. “Hera, mabait kang bata, pero sana hu'wag mong pairalin ang kabaitan mo sa lahat ng oras. Mamaya ay mawili ang mga batang yon.” napangiti ako dahil sa sinabi niya sa'kin. She's concern. “Don't worry alam ko yon!” umiling lang ito pero kalaunan ay napangiti dahil sa ginawa ko. “Let's go.” hinila ko siya papunta sa living room kung nasaan si Mom. Pinaupo ko siya sa tabi ni Mom, mukhang ayaw niya pa ngang umupo pero napilit ko siya kaya ngayon nagre-relax na siya. “Mom alis na ako ha? Tapos na ang trabaho ko.” batid ko. Mom asked me. Manang refused to listen to her when she told her to relax. She intended to give Manang a foot massage, but when Manang found out, she immediately refused her, so she used me to persuade Manang to agree. “Have a good time, Manang!” Nang makalabas agad hinampas ng hangin ang nakalugay kong buhok. Pumikit ako upang namnamin ang sariwang hangin na hinahampas ang mukha ko. Sobrang sarap ng hangin na nalalasap ko. Ang sarap sa pakiramdam. Muli kong idinilat ang mga mata ko. Humiga ako sa beach lounge chair, kaya kitang kita ko ang papalubog na araw mula rito. Rinig na rinig ko rin ang bunganga ni Mom na tila maririnig mo hanggang kabilang baryo. At sa wakas nakita ko rin na nagre-relax na ang si Manang. Kinuha ko ang aking phone ng marinig ko itong tumunog. It's Dad. “Sweetie, nand'yan ba ang Mom niyo?” “Yes, Dad.” tugon ko. “Oh? Why isn't she picking up the phone when I call? I called her 10 times, but she never returned any of my calls. Akala ko wala akong signal kaya tinawagan kita, then okay naman.” tumingin ako sa loob upang tingnan si Mom. Natahimik ako ng makita ko siyang hawak hawak ang kaniyang phone. “I think she's busy, Dad. Nagpapamasahe kasi siya ng paa kasama si Manang. I'll inform her na lang.” pagsisinungaling ko rito. “Thanks, sweetie. Take care, love you.” “You too, Dad.” nang maibaba ko na ang tawag ay tumayo ako sa pinaghihigaan ko at tumungo sa loob upang sabihin kay Mom na tumawag sa kan'ya si Dad. Kakausapin ko na sana siya ng senyasan ako ni Manang na mahimbing na raw na natutulog si Mom. What? Huh? Nagtataka man nguni't bumalik na lang ako sa aking pwesto at pinagmasdan ang ganda ng karagatan. Sobrang weird nilang dalawa. Konti na lang mangangati na ang bibig ko para tanungin sila kung ano ang nangyayari. “Mom was aware that Dad was calling her. She simply does not respond to his call.” muntik na akong matumba sa kinahihigaan ko dahil sa biglaang pagsulpot ni Herminia sa gilid ko. “God, I'm going to have a heart attack because of you.” batid ko rito ng kumalma na ang puso ko. Tinawanan ako ni Herminia at naupo siya sa isang lounge chair. She offered me a drink, which I instantly accepted. I waited for her to speak dahil mukhang may importante siyang sasabihin sa'kin. “Ate...” I turned my gaze away from her when I recognized the tone of her voice. “Hindi ako mangangako. Kutob pa lang ang nasa isip ko. May tiwala rin ako kay Dad at alam kong hindi niya kayang gawin yon kay Mom.” tumango ako sa kan'ya. I sighed and gestured her to approach me. Nang makalapit siya ay mahigpit ko siyang niyakap. She's more matured than Hershey's. I'm sure she knows what's going on. Hindi naman niya paghihinalaan si Dad kung wala siyang alam sa nangyayari. I hope na sana hindi totoo ang nasa utak naming magkakapatid. Mahirap tanggapin ang ganu'ng problema. Hindi ko mapapatawad kay Dad. “Malalaman din natin ang katotohanan.” ani ko. Nag-usap muna kami ni Herminia tungkol sa school niya, pati sa nga litratong nakuhanan niya. Natigil lang kami sa pag-uusap ng tawagin kami ng isang katulong. Nakabalik na pala sila galing sa paglalakad lakad dito. Isang oras din pala kaming nag-usap ni Herminia. I think ito ang pinakamatagal na nagkausap kami. Sa bahay kasi minsan lang kami nagkikita, lagi kasi siyang nasa loob ng kwarto niya, gumagawa ng mapaglilibingan. “May nakita akong restaurant d'yan.” biglang sambit ni Hershey pagpasok namin. “What's the name?” “The Peacock Restaurant.” “So decided na kung saan tayo kakain ha? Right, maglibot libot muna tayo after nating mag dinner, alam ko naman na sabik na sabik na kayong makakita ng foreigner.” tumawa naman ang mga katulong dahil sa sinabi ko. “Maaga pa naman so maglalakad lakad muna ako sa labas. Hershey tawagan mo ako kapag nag-aya na si Mom.” sumaludo sa'kin si Hershey. I suddenly remembered our lifestyle when we were still poor as I walked through the sands. Isang kahig isang-tuka kami noon. Halos ng kinakain namin ay galing sa hirap nila Mom and Dad. Minsan ay nanghihingi kami sa kapitbahay para lang makakain ng hapunan. Desperada kaming yumaman noon dahil sawang sawa na kami sa buhay na mayro'n kami. Sawang sawa na kami sa tira tirang pagkain na kinakain namin. Hinihiling ko noon na sana hindi na lang ako pinanganak na mahirap. Sobrang hirap at sakit kasi ang nararanasan namin. I remember my Dad almost attempting suicide because he was hurt every time he saw us crying because we were hungry. Bumuntong hininga ako at tumayo sa kinauupuan ko. Haharap na sana ako ng biglang may kung anong bola ang tumama sa mukha ko. “Damn.” “Omg! Masakit ba te!?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD