HERA'S
HALOS sumakit lalo ang ulo ko ng marinig ang tanong niya sa'kin ng isang tao. Paano niya nakakayanang magtanong sa'kin ng ‘masakit ba’ samantalang sobrang lakas ng tama ng bola sa'kin? Pakiramdam ko lumabas ang utak ko mula sa loob ng ulo ko.
“Sis I think nagka-amnesia na siya.” pumintig bigla ang aking tainga dahil sa sinabi niya sa mga kaibigan niya. But I recognized his voice. I believe I've heard it before, but I'm not sure where. He sounds gay...gay? Neveah! Right siya nga!
“Miss are you okay? Gusto mo bang dalhin ka namin sa hospital?” nag-aalalang tanong ni'to kahit na parang tanga siya sa tanong niya sa'kin kanina.
“Neveah sana sa susunod na magbato kayo ng bola hu'wag naman sobrang lakas.” batid ko ng maiangat ko na ang aking ulo. Nang magtama ang mata naming dalawa ay halos lumuwa na ito sa kan'ya. Mukhang gulat na gulat siya na makita ako.
“Miss Hera!” tili niya at mahigpit akong niyakap na para bang wala ng bukas.
Hindi naman ako makahinga dahil sa higpit nang yakap niya. Mabilis ko siyang tinapik at sinenyasan na hindi ako makahinga sa ginagawa niya. Tinawanan niya ako at niluwagan ang pagkakayakap sa'kin.
I never imagined that the two of us would cross paths again. We last saw each other when Raquel and I went out drinking, and we never saw each other after that. Kaya nakakabigla na makita siya rito. Mukhang nagbabakasyon din sila rito kagaya ko..
“Call me Hera na lang.” tugon ko sa kan'ya. Too formal ang Miss Hera nagmumukha akong matanda.
“Omg! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala! Hindi ko inaakalang magkikita tayo rito!” mabasag naman ang ear drums ko dahil sa lakas ng boses niya. But I think kanina pa siya hinihintay ng mga kaibigan niya dahil nakikita sa gilid ng mga mata ko ang mga tingin na pinaparamdam sa'kin ng mga kaibigan niya.
“Uh...I think hinihintay ka na ng mga friends mo. See you later.” muli niya akong niyakap at hinawakan niya pa ang mukha kong natamaan ng mala ipo ipo nilang bola.
I was about to walk away when she suddenly called my name. Nagtataka ko siyang nilingon at natagpuan ko siyang kasama ang isa sa mga kaibigan niya. Since it was already dark and the light pole was far from our place, I could not see her friend's face.
“They're interested in knowing more about you! So if wala kang gagawin ngayon baka puwedeng sumama ka sa'min.” natural na reaksyon ang pinakita ko katulad ng mga taong sinabihan ng confession ng mga taong may gusto sa kanila.
What's the reason?
“Oo nga sis!” tugon ng katabi niya.
“Hindi naman ako busy but what's the reason?” takang tanong ko ng makalapit sa pwesto nila. Humagikgik ang katabing kaibigan ni Neveah na sa tingin ko ay kauri niya rin.
“Ask her.” turo niya sa taong nakatalikod sa'min nakikipag-usap sa isa pa yata nilang kaibigan.
Huh? I think hindi siya interesado sa'kin. She should have approached me instead of Neveah. If ang reason niya ay kilala ako ni Neveah then that's not valid, kung gusto mong makilala ang tao dapat ikaw ang lalapit para maging kaibigan siya at hindi ibang tao.
“Sissy Hera busy lang yan kaya hindi ka nilapitan!” tila nabasa ni Neveah ang nasa isip ko.
“But she's kind! Sobra!” nakangiti nitong sambit sa'kin. Hindi ko alam kung maniniwala ako dahil sa pilit na ngiti na pinapakita niya sa'kin.
Muli kong tinitigan ang taong gusto akong makilala. Familiar siya sa'kin aldo hindi ko nakikita ang pagmumukha niya. Pakiramdam ko nasalubong ko na siya. Dito. Familiar kasi sa'kin ang tangkad at tindig niya. She's smell powerful like a ruthless tiger. I don't know what I'm saying pero ayun ang nararamdaman ko.
Hindi ko maiwasang mangilabot ng bigla niya akong tingnan. Her piercing glance landed on me. My heart was beating so fast as I stared at her. I feel all the hair on my body get up because of her. What the hell is this feeling? Why do I feel scared?
I know her! She's the one who told me that I smell like rotten trash. What's the purpose of this? Bakit gusto niya akong makilala?
“Sissy Hera? Are you okay?” napakurap ako ng tawagin ni Neveah ang pangalan ko. Gusto ko mang sabihin na hindi nguni't hindi ko magawa. Magiging awkward ang atmosphere kung sakaling sabihin ko sa kanila na hindi ako komportable sa kaibigan nila.
How would I be comfortable if she was one of the people I wanted to stay away from? She's a threat! She's a pain to deal with. People like her are not my cup of tea. I got the feeling that she didn't want to know anything about me.
“Are you sure she wants to be friends with me? I don't mean to insult you, but I'm familiar with her. ” kumunot ang noo ko ng makita kong ngumiti sila. Parang expected na nila ang sasabihin ng bibig ko.
“Yes you are.” nakangiting batid ni Neveah. Huh?
“I don't know her very well, baka kasi iniisip niyo ay friends kami. Well how should I open this. Nagkabungguan kami dit—”
“Hello, ladies.” natigil ako sa pagsasalita ng biglang sumabay sa'kin ang taong gusto raw akong makilala.
Kasunod ni'to ang kausap niya kanina at halos lumabas na yata ang mata ko ng makilala ko kung sino siya. She's Jaida! I think that's her name. Neveah said she was the one who assisted me, but honestly, I'm not sure how I ended up in someone's bed. Seriously nagtataka pa rin ako hanggang ngayon kahit na kinalimutan ko na ang naganap noong gabing yon.
She seemed to sense that I wasn't staring at her friends but at her. She's so damn gorgeous! I've never seen someone more stunning in person! But Neveah is pretty too. But iba ang ganda niya. She looked like an angel! Her hair colour has also changed. She is no longer the blue she was in the first picture I saw of her. Well mas bagay sa kan'ya ang colour pink.
She's beautiful talaga!
She looks like a doll.
“Sissy hindi kayo talo n'yan!” nawala ang tingin ko kay Jaida ng magsalita si Neveah.
“Huh? No. She's pretty kasi.” pagtatanggol ko sa sarili dahil baka isipin nila na may gusto ako kay Jaida kahit na totoo naman. I like her as a friend, feeling ko magkakasundo kaming dalawa.
Muli akong tumingin kay Jaida at nahuli ko siyang nakatingin sa'kin. Ngumiti ako upang malaman niya na gusto ko siyang maging kaibigan at halos tumalon ang puso ko na pabalik niya akong nginitian.
She's beautiful talaga!
“Hello! I just wanted to express my gratitude. Neveah mentioned that you helped me. Actually, I have no memory of everything, but I still want to express my gratitude for your assistance. Do you want anything else?” nakangiti kong batid sa kan'ya pero agad itong nawala ng mapansin ko ang nagtatanong niyang mga mata.
May nasabi ba akong masama? Right!
“Please accept my apologies if I troubled you that night. Actually, when Neveah and I met at the bar, I wanted to ask for your phone number to say thank you, but she stated that you are a private person so hindi ako nagkaroon ng chance para pasalamatan ka. I've been wanting to thank you for a long time, and tonight was the perfect opportunity. Pasensya kung nabigla kita.” ngingiti na sana ako pero ng makita kong muli ang nagtatanong niyang mga mata ay kumunot na ang aking noo.
Hindi niya ba ako maalala?
“Sissy!” nagulat ako dahil sa biglaang pagsigaw sa'kin ni Neveah.
“Bakit?” takang tanong ko sa kan'ya ng makabawi sa pagkabigla.
“Omg! Hindi ko yata na-explain sa'yo ng maayos. Jaida didn't help you that night.” mabilis na kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. Hindi siya? Agad na nanlaki ang mga mata ko habang pasalit salit ang tingin kay Jaida at Neveah.
Why didn't she tell me soon? Kanina pa ako nagsasalita rito pero hindi niya man lang ako pinigilan. I feel like an idiot for appreciating someone who didn't do anything. God! Nakakahiya! Gusto ko ng magpakain sa lupa dahil sa ginawa ko.
Huminga ako ng malalim, pinipigilang ilabas ang nahihiya kong expression. I looked at Jaida after I had cooled down, and she seemed to understand what was going on. Humarap ako sa kan'ya at nagsalita.
“I apologize for my mistakes. I didn't know that you weren't the one who helped me.” nahihiya kong sambit dito. Halos magwala ang bulate ko sa tiyan ng bigla siyang tumawa ng napakahinhin sa'kin.
“Don't worry At least the person who helped you was aware of your gratitude.” umangat ang ulo ko dahil sa sinabi niya.
Mabilis kong nilingon ang katabi niya pero umiling ito senyales na hindi siya ang taong gusto kong pasalamatan. Sunod ko namang tiningnan ang katabi ni Neveah but she shook her head. Muli kong tinitigan ang mga taong nasa harapan ko hanggang sa mapansin kong siya na lang ang hindi ko tinitingnan.
Siya ba?
Wait! Wait! Wait!
Sino si Victoria sa kanilang lima?
Wala akong balak na makilala siya pero ngayon gusto kong makita ang pagmumukha niya.
“Now let's get going. This woman is really wasting our time.” batid ng taong gusto raw akong makilala. Tumawa si Jaida at lumapit sa'kin. Nagulat ako ng bigla niyang i-tap ang aking ulo.
“You're quite bold, aren't you?” malambing niyang saad at nginitian ko. Hindi ko maintindihan ang kaniyang sinabi pero nginitian ko rin siya pabalik.
“Give me your number.” nagulat ako dahil sa biglaan niyang sinabi pero hindi na rin ako umangal. Nilabas ko ang phone ko at binigay sa kan'ya ang number ko.
“Sis! Anong ginagawa mo kay Sissy ko? Omg! Lalaki ka na ba 'te?” gulat na tanong ni Neveah sa kaibigan niyang si Jaida. Hindi siya pinansin ni'to kaya inirapan siya ni Neveah.
“God, let's go.” muling batid ng taong gusto raw akong maging kaibigan. Narinig ko ang mahinhin na pagtawa ni Jaida. Ang ganda niya talaga!
“Let's go.” nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila papunta sa tabi niya. Hindi ko na nakuhang kunin ang kamay ko ng unti unti kaming makalapit sa mga kaibigan niya.
Kunot noong napatingin sa magkahawak naming kamay ang taong gusto raw akong makilala. Ramdam kong umirap siya samin at naglakad kasama ang dalawang nilang kaibigan. Habang si Neveah naman ay nakayakap sa isa kong braso.
Pumasok kami sa isang fancy restaurant. I was startled when I noticed that everybody in the restaurant was looking at us. Alam kong hindi ako ang dahilan kung bakit sila nagtitinginan sa gawi namin, tago ang aking mata at nakalugay pa ang aking buhok.
Doon ko rin mas lalong nasilayan ang pagmumukha ni Jaida.
She's not beautiful! She's goddess.
“Oo nga pala sissy nakasama mo na ba itong sis namin?” turo niya sa taong nasa harapan namin. Kumunot ang noo ko at umiling ng tatlong beses dahil wala akong maalala na nakasama ko siya. At saan ko naman siya maaaring makasama?
“You're model right? I think hindi pa kayo nagkakasalubong ng landas.” huh?
“What's her job?” I asked.
“She's a model like you, dear.” sagot sa'kin ni Jaida. Hindi naman makapaniwala ang dalawa kong tainga sa narining. Who is she? Bakit hindi ko siya nakikita?
Nakarating kami sa table ng hindi ako nagbigay ng sagot kay Jaida. I'm at a loss for words. Why can't I see their friend if she's a model? I have a strong hunch that we are both working for the same agency. Her posture showed that she was not an ordinary woman. She has a strong scent, as I already stated.
Hindi ko pa rin nakikita ang kaniyang mukha dahil lagi siyang nakasalamin kapag nagkikita kami. Miski ang pangalan niya ay hindi niya sinabi unlike this two na nakadikit pa rin sa'kin. But until now I still can't see her face. Right! Hinahanap ko rin pala si Victoria malakas ang pakiramdam ko na kasama namin siya sa kwartong 'to.
Tatlo silang hindi ko pa nakikita ang pagmumukha.
“Why did you bring her here in the first place?” takang tanong ni'to sa dalawa kong katabi.
“Because you're interested in me.” I answered.
Narinig ko ang hagikgik ng apat na kaibigan niya. Hindi naman humarap sa'min ang taong 'yun dahil nakikipag-usap siya sa waitress na kakapasok lang dito sa vip room.
“Neveah.” tawag ko sa kan'ya.
“Hmm?” she answered.
“Isn't Victoria a friend of yours?” tila nasamid si Neveah sa sarili niyang laway dahil sa tanong ko. Nag-aalala kong hinampas ang likod niya dahil para siyang mamamatay dahil sa kaniyang laway.
Tumingin ako kay Jaida ng marinig ko ang mahihina nitong mga tawa. Tila narinig niya ang tanong ko kay Neveah, pati na rin ang dalawa pa nilang kaibigan. So, what's the joke? I dont get it. Wala namang nakakatawa sa tinanong ko sa kanila.
“Are you drunk?” natatawang tanong sa'kin ni Jaida.
“Papatayin mo ba ako sissy? Kaloka ka!” batid ni Neveah habang umiinom ng tubig na bigay sa'min ng babaeng waitress.
“What? Bakit kayo tumatawa?” kunot noong tanong ko sa kanila. Nagkatitigan silang apat.
“What exactly are you all giggling about?” sabay sabay kaming tumingin sa kan'ya kasabay nu'n ang pagpigil nila ng kanilang mga tawa.
Bakit?
“Its nothing.” sagot ni Jaida.
Umupo siya sa tabi ni Neveah kaya ngayon kaharap ko siya. I wanted to switch with Jaida but, I am unable to do so because she appears to be at ease in her seat. Wala na akong nagawa kung hindi ang mag stay sa kinauupuan ko. I think the feeling si mutual, kitang kita ko kasi ang pag-disgusto sa mukha niya kahit na nakasalamin pa siya.
“What the hell are you laughing at?” tanong ni'to kay Neveah na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa kakatawa.
“She's..asking..god! Haha!” hindi na naituloy ni Neveah ang anumang sasabihin niya dahil sa kakatawa niya.
“Wait. I'm sorry.” unti unting tumigil si Neveah kakatawa ng maramdaman niya ang titig na binibigay ng katabi sa kan'ya. Tumahimik ang paligid at lahat ng atensyon ay na kay Neveah.
“Get out of here if you're going to waste my time. You should bring her along.” my jaw dropped because of what she said. This is the second time na nakita kong harsh siya sa mga salita na binibitawan niya.
Tumayo ako dahilan para tumingin silang lahat sa gawi ko.
“I'm going to leave rin naman. I appreciate the invitation.” ihahanda ko na sana ang sarili para umalis sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses niya.
“I didn't invite you to join us for dinner.” napangiwi ako dahil sa narinig. Tila wala namang reaksyon ang mga kaibigan niya rito. Mukhang sanay na sila na marinig ito galing sa bibig niya.
They've been friends for a long time, so they may already be familiar with this person's personality. Kaya hindi ako naniniwala na gusto niya akong makilala ng lubusan. Sinong tao ang gustong makipagkilala sa taong sinabihan mo ng masangsang ang amoy?
“Vy.” napalingon ang lahat kay Jaida.
“I also offered her to come along with us. Getting to know her isn't a bad thing, Vy. Also you're both models, I think you'll get along well.” napansin ko ang pag sangayon ng dalawang kaibigan nila Neveah.
Wait.
Did she mentioned getting to know me?
“Hera, it's me! I was the one who told Neveah that I was interested in you.” agad na dumapo ang dalawang mga mata ko sa kaharap ni Jaida. Nakatanggal na ang kaniyang salamin at hindi siya ang taong gusto kong makita.
“Ha? Bakit? I mean I'm not special.” ani ko.
“You are! Ano ka ba.” batid niya. Nginitian ko na lang siya upang mawala ang awkwardness na nararamdaman ko.
Ang akala ko itong taong nasa harapan ko ang gustong makipagkilala sa'kin. God! Muntik ko ng ipahiya ang sarili ko kanina.
“So stay ka na sissy! Kami na lang ang bahala kay Vy. Nand'yan naman si Jaida.” natatawang sambit ni'to sa'kin. Gusto ko sanang maging komportable sa kanila pero damang dama ko ang masasamang tingin na binibigay niya sa'kin.
“Don't mind her, dear.” batid ni Jaida at pilit akong pinaupo sa tabi niya.
Wala na akong nagawa dahil mukhang wala silang balak na palabasin ako sa nakaka suffocate na kwartong 'to. I feel comfortable in their company, and I get the feeling they want to be friends with me. But this person in front of me showed otherwise. Ramdam na ramdam ko gaano niya ako hindi kadisgusto.
She doesn't even have to say anything to let you know she doesn't like you. Her actions showed that she has no interest of becoming your friends or getting to know you.
“Girls, give her a warm welcome.” utos ni Jaida sa mga kaibigan.
“I'm interested in you, which is why I'd like to become friends with you. I'm Bubble.” base sa kilos niya. 2nd version siya ni Neveah. She seems to be entertaining, I think I can get along with her. Nginitian ko siya at malugod na inabot ang kamay niya.
“I'm pleasure to meet you, Bubble.” she smiled back.
“Sadie, here!” oh? She's energetic.
“Hello, Sadie.” nakangiti kong inabot ang malambot niyang kamay.
Since I already knew Neveah and Jaida they never introduced themselves to me again. Hanggang sa napansin ko na si Vy na lang ang hindi nagpapakilala sa sarili niya. I'm also not interested in getting to know her because I don't like her too.
“Vy?” tawag ni Jaida kay Vy.
“No. I have no interest in becoming friends with her.” she answered.
“And I think kilala naman niya si Vy, sis.” batid ni Sadie. Jaida looked at me. Nagtatanong ang kaniyang mga mata. Tumango ako sa kan'ya.
“She's Vy. You're friend.” nagulat ako ng biglang maibuga ni Neveah ang pagkaing nasa loob ng bibig niya. Habang si Bubble at Sadie naman ay pigil ang tawang nakatingin sa'kin.
Why? May nasabi nanaman ba akong mali?
“She didn't know, Vy.” batid ni Jaida.
“Himala! Kilala si Vy sa iba't ibang bansa! Shocking mga sis!” hysterical na sigaw ni Neveah.
Sikat siya? Her name is one I'm unfamiliar with. How can't I know her name if she's a powerful and influential model? Wala akong kilalang may pangalan na Vy sa mga models.
Who is she?
Baka palayaw niya lang ang Vy? And her real name is something that shouldn't be revealed?
“Sissy, perhaps you are the only one of the people we encounter who is unfamiliar with her.” nalolokang batid sa'kin ni Neveah. Bakit sino ba ang taong kaharap ko ngayon? I know she's smell powerful but I don't know her.
“She's Victoria Hartley, dear.” tila nabingi ako sa aking narinig.
Who is she?
Victoria Hartley?
Damn. Damn. Damn.
My heart feels like it's escaping from my body. My heart is beating so fast. I'm not sure if they can hear it but I hope not. Nothing else comes to my mind but leaving this room. I want to get out of here. I can't breathe.
“Sissy! Are you okay? Namumutla ka!” nag-aalalang tanong sa'kin ni Neveah. Pero hindi ko magawang maibuka ang sarili kong bibig. Hindi ko magawang makasagot ng ‘hindi! I'm not! Let me get out of here’ walang lumalabas sa bibig ko kung hindi hangin.
Kusang dumapo ang nanginginig kong mga mata ng mapansin kong tinanggal niya ang suot suot niyang salamin. At halos matumba ako ng tuluyan kong makita ang kaniyang pagmumukha. Takot at pangamba ang nararamdaman ko habang nakatingin sa mala dyosa niyang pagmumukha.
Gusto ko ng tumakbo.
Gusto ko ng umalis sa lugar na ito.
I had to get out of here as soon as possible. Please! Gusto kong umalis sa lugar na ito! Hindi ko na maaaring maitago ang pagkatao ko. That night, she was the one with whom I had s*x!
Nanginginig man ang aking katawan dahil sa niyerbos na naramdaman, pilit akong naglakad papaalis sa aking kinauupuan. Although I didn't want to speak since nothing came out of my mouth. I just forced myself to do it despite my trembling lips from nervousness. Sinigurado ko rin na hindi nila mahahalatang kabado ako. Pinakalma ko rin ang sarili sa paraan na hindi nila makikita.
“Sorry talaga but my family and I agreed that we'd have dinner together. It's a pleasure to meet you.” nakangiti kong sambit sa kanila.
I want to go home!
“Ganu'n ba? Sayang naman! Anyway. I have your number naman so aayain na lang kita if ever na nagkayayaan kaming kumain.” hasik ni Bubble. Did she get that from Jaida? Bahala na! Basta gusto ko ng umuwi.
“Sayang naman sissy!” nginitian ko na lang si Neveah.
“Just respond to my message.” Jaida said.
“Bye Hera! It's a pleasure to meet you too. Oh diba! May dalawang friends na kaming sikat.” pilit ko na lang sinakyan ang joke niya.
Walang paalam ko siyang tinalikuran. Sinigurado kong hindi na ako lilingon pa sa kan'ya.
Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako mula sa nakaka suffocate na kwartong 'yon. Ang pigil hininang ginawa ko kanina ay hindi ko na magagawa ngayon. Mabilis ang mga paa kong naglakad papalabas sa restaurant na ito. Hindi ko pinansin ang mga tingin na pinupukol sakin ng mga taong nandito.
Isa lang ang nasa isip ko.
Ang makalabas dito.
“I really need to get out of here...” bulong ko sa sarili.
We should go home. I'm well aware that I must first think before acting. But how can my brain think clearly when I'm with my family? Hindi ko pa nakakalimutan ang sinabi sa'kin ni Raquel. At nangangamba ako dahil doon.
Nang makapasok ako sa resort namataan ko sila Mom at Manang na hinahanda na ang kakainin namin. Nginitian ko sila ng mapatingin sila sa'kin.
“Oh? Pawis na pawis ka yata?” sita ni Manang sa'kin. Mabilis akong inabutan ng panyo ni ate Cora na agad ko ring tinanggap. Matapos makapag punas ay nilapitan ko si Mom at Manang.
“Timing lang ang pagdating mo, anak.” nakangiting sambit ni Mom.
“Naamoy ko kasi mula sa labas ang luto mo.” tinawanan niya ako at pinatawag kay ate Cora si Hershey at Herminia.
“Oh? Tatawagan pa lang sana kita, ate.” batid ni Hershey ng makarating siya sa dining room. Tinawanan ko siya bilang tugon.
“Mom, mamaya na lang ako kakain ha? I'm full pa.” mabuti na lang at pumayag si Mom.
Dali dali akong nagtungo sa aking kwarto at ibinagsak ang pagmumukha sa malambot na kama. Hanggang ngayon nanghihina pa rin ang katawan ko. Alam kong hindi ako niloloko ng mga mata ko. Malinaw na malinaw at kuhang kuha ni'to ang pagmumukha ni Victoria.
Ayoko sanang maniwala.
Gusto ko sanang magbulagbulagan
Gusto ko sanang pumikit at isiping panaginip lang ang nasaksikan.
Pero ayaw makinig sa'kin ng puso't isip ko. Ilang beses nilang sinabi sa'kin na siya ang taong hinahanap ko noon.
Hindi kayang itanggi ng mga mata ko ang nakita.
I took my phone out of my bag and called Raquel's number. I must inform Raquel about what I had found. Kahit na nanginginig ang mga daliri matagumpay kong natawagan ang number ni Raquel. Segundo lang ang tinagal at agad niyang sinagot ang tawag.
“Raquel...” rinig ang pangamba sa tono ng boses ko.
“What's wrong?” she asked.
“I accidentally met her...” mahinang sambit ko.
“Who? Girl are you alright? Mukhang hindi ka okay.” she asked. Huminga ako ng malalim at tumitig sa kisame.
“The person with whom I had s*x that night.” halos pabulong kong sambit dahil sa kaba.
“What?!” I bit my bottom lip so hard when I heard her response. Kasunod nu'n ang iilang tili niya na ikinasakit ng aking tainga.
“Omg! Ano? Si Victoria Hartley ba ang na-meet mo? God, Hera! Sana kinuha mo ako ng autograph niya!” batid ni'to sa'kin. She's a fan.
“Puwede ko namang ibigay sa'yo ang autograph ko.” sakay ko sa kan'ya.
“Right! I'm sorry. Na-excite lang ako. But si Victoria ba ang na-meet mo?” hindi ako nakaimik dahil sa tanong niya. Tikom ang bibig ko at tanging t***k lang ang puso ko ang naririnig sa loob ng kwarto.
“Yes. She is.” hasik ko habang hinihilot ang sentido.
“Oh? What's wrong? I mean ikaw na ang nagsabi sa sarili mo na once na you crossed paths never mo siyang titingnan at kakalimutan ang nangyari?” tanong niya.
“That's the problem, Raquel.” I let out a sign when I remembered what I had done.
I'm not sure if I managed to hide my uneasiness from them. Hindi talaga makapag-isip ang utak ko kanina. Nabigla ako sa nangyari. Alam kong may pakiramdam na akong kasama namin siya sa loob ng kwarto, pero hindi ko inaasahan na siya ang Victoria na hinahanap ko noon.
“You mean nagkausap kayo? I think wala namang harm doon, You didn't introduce yourself to her, did you?” natahimik ako.
“Nagpakilala ka?” sunod niyang tanong ng wala siyang marinig na response sa'kin kanina.
“No. Uhm.... I accidentally revealed myself to her friend. I mean akala ko kasi si Jaida ang tumulong sa'kin. But she's not the one who helped me. It's Victoria.” sumasakit tuloy ang ulo ko kapag naaalala ang ginawa ko kanina.
The person she contacted was none other than Neveah. It's not Jaida! Victoria was the one who helped me. I just realized this just now. And the second reason is Jaida won't be able to destroy Neveah's career, either, because she appears to be a good friend. Although may kakayahan din siya para gawin ito. Victoria, on the other hand, has the potential to do so because of her nasty personality.
“You're stupid 'no?” natatawang batid niya.
I misunderstood Neveah. I thought si Jaida ang tinutukoy niyang naghatid sa'kin sa hotel ng friend niya. That's why nagtataka ako kung paano ako nauwi sa kama kasama si Victoria. But now all of my concerns have been answered. God. Simula't sapul si Victoria ang kasama ko. Siya ang tinawagan ni Neveah. Siya ang nagdala sa'kin sa hotel. Siya ang nakasama ko buong gabi—but paano nangyari lahat ng yon?
Which of us had to lose ourselves to end up having s*x at all? Who? Until now wala pa rin akong maalala sa nangyari noong gabing yon. God.
“You still there, babe?” natigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang boses ni Raquel.
“Yes..” I said.
“Konting advice lang. You haven't told me all that happened yet, but I suspect one of her sisters has your phone number. Is that correct?” napasinghap ako dahil sa sinabi niya.
“I'll take that as yes. Hmm, so if ever na tawagan ka nila for lunch or dinner pumayag ka. I'm Victoria is familiar with you kahit na hindi mo ibuking ang sarili mo. So, rather than being scared because you met her, pretend that you don't know who she is. I'm sure she is unbothered by your existence. Just go with the flow babe. Huwag mong iparamdam o iparating sa kan'ya na kinakabahan ka. Because whe she sees the pathetic look on the faces of those who are terrified of her, she feels satisfied.” biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng marinig ang sinabi ni Raquel. That's creepy.
“How do you know all of this?” takang tanong ko.
“Babe, online.”
“Be careful, babe. I know you can do it. Yung other friends niya sure ako na mabait like Neveah. Nakakairita ang baklang yon but I know na mabait at mapagkakatiwalaan siya. Tingnan mo at siya pa ang tumulong sa'yo.” yes. I agreed.
“Thank you, Raquel. Hindi ko talaga alam ang gagawin kapag wala ang mga advice mo. Nga pala nandito kami sa Palawan and I met her here. Balak ko sanang umuwi na kami bukas or next day.” batid ko rito.
“Okay. Good. Kasama mo pala ang family mo kaya hindi ka makapagisip ng tama. I understand you, Hera. Okay, goodnight!”
“Good night, Raquel.” batid ko.
Nang maibaba ko ang tawag kay Raquel halos mabingi ako sa katahimikan sa loob ng kwarto. Hampas ng alon, at nagtatamaang dahon ng mga puno ang mga naririnig ko. Masarap sana ito sa pakiramdam kung wala akong iniisip na problema.
Huminga ng malalim at pilit na in-enjoy ay ganda ng mga tunog na aking naririnig. Alam kong panandalian lang ito, pero wala namang masama kung magpapahinga ako kahit konting oras lang.
Pagod na ang utak ko sa mga nangyayari.
Pakiramdam ko susuko na ako dahil dito lalo na kapag nalaman namin ang ginagawa ni Dad kapag wala si Mom sa paligid niya. Sitwasyon na never naming mangyayari. Sana hindi kami magdilang anghel na tatlo. Dahil once na totoo ang lahat ng mga paghihinala namin baka hindi ko mapatawad ang sarili.
Natatakot din ako sa nangyayari sa buhay ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin.