HERA'S “HUH? Anong ide-delete ko? My existence?” maang kong sagot sa kan'ya. Seryoso niya akong tinitigan, na tila nilalait niya ang buong pagkatao at kaluluwa ko. “Stop teasing me, Hera. You know what I mean.” umakto akong nag-iisip at nagtataka sa sinabi niya. Nakakatawa lang kasi at inopen niya ang topic na 'yon samantalang nasa trabaho siya. “What? I'm not teasing you, 'no! Napaka-assuming mo naman. Hindi ko nga alam kung ano 'yung sinasabi mong i-delete ko. What will I be deleting? I'm not good at guessing, so please tell me, no?” nagmamakaawa ko pang sabi sa kan'ya upang maging maganda ang kalalabasan ng akto ko. Hindi madaling makuha si Blaze pagdating sa ganitong bagay lalo na kapag halata niyang nagkukunwari ka. Tinitigan niya ako ng sobrang tagal, ngunit hindi lingid sa kaniy

