“Good morning,” bati ko sa mga taong nakakasalubong ko sa lobby. Miski ang mga staff ay napapatingin sa akin dahil sa pagbati ko sa kanila. “Hi, are you good?” hindi na ako nakuhang sagutin ng dalawang security guard dahil para silang nakakita ng isang multo ng masaya ko silang batiin. Araw araw ko naman itong ginagawa sa tuwing umaalis ako nguni't bakit parang gulat na gulat yata sila ngayon? Kibit balikat akong lumabas at mabilis na sumalubong sa akin ang naguulanang flash ng mga camera. Tinanggal ko ang shades ko at inilagay ito sa akin ulo saka sila nginitian ng malaki. Narinig ko ang malakas na sigawan ng mga media, nguni't ipinagsawalang bahala ko ito saka sila kinawayan. Binati ko rin siya katulad ng pagbati ko sa dalawang security guard. Malaki na ang espasyo namin, kapag may mga

