“Do you thing papayag sila sa gusto ko? What if they turn down my offer because of my past issues?” kinakabahang tanong sa akin ni Victoria habang nasa loob kami ng sasakyan. Kahapon, ginanap ang event na parehas naming pinuntahan. Nag-offer siya na pagagawaan niya ang mga ito ng bagong orphanage dahil nakita niya na malapit ng masira ang bahay na tinutuluyan ng mga ito at ng mga bata. Then suddenly, umepal ako. Sinabi ko na sa office na lamang pag-usapan ang mga ganitong bagay kaya kinuha namin ang number ng mataas sa kanila pagkauwi. “Maybe, yes?” hindi siguradong sagot ko sa kan'ya. “Ipagdasal natin na sana tanggapin nila ang offer mo. Madidisgrasya lang kasi sila sa tinutuluyan nila kung mananatili sila ron,” sabi ko sa kan'ya saka pinaabot sa kan'ya ang tissue sa likod ng aking sasak

