Sabi nila kapag wala na raw 'yung tao sa paningin mo o sa tabi mo doon mo mapagtatantong mahalaga siya sa'yo, na hindi mo siya kayang iwan o hindi mo siya kayang mawalay sa'yo nguni't paano mo maibabalik ang taong wala na sa tabi mo kung malayo na siya sa'yo? Isa lang naman ang solusyon sa bagay na 'yan. Bakit hindi naman ikaw ang humabol? Bakit hindi naman siya ang habulin mo upang malaman niya rin na worth it siyang tao, na hindi lang siya basta asong nakasunod sa'yo. Sa buhay kasi natin hindi pwede 'yung kabig ka lang ng kabig ng mga bagay na dumadating sa buhay mo. Darating at darating talaga na kusa itong mawawala at pagtatrabahuhan mo ito hanggang sa makuha mo itong muli. Hindi naman kasi laging sila ang hahabol para mapaamo ang isang katulad mo, hindi sila 'yung kikilos lang par

