Nakangiti kong sinalubong ng yakap si Neveah at Jaida na nakaupo sa waiting room ng lobby nitong dorm na tinutuluyan ko. Sobrang ganda at nagkikinangan silang dalawa kahit na simple ang mga damit nila. Silang dalawa lang itong nakita ko at tila hindi namin makakasama ngayon si Victoria na tumawag sa akin kagabi na balak niya kaming samahan dahil gustong gusto niya rin makita ang kaniyang mga kaibigan. Sobrang higpit ng yakap sa akin ni Neveah, kulang na nga lang ay mawalan ako ng hininga sa klase ng pagyakap niya sa akin, mabuti na lang at napigilan agad siya ni Jaida na natatawa sa hitsura ng pagmumukha ko. Pabiro ko siyang inirapan dahil hindi niya pa ako tutulungan kung hindi lang dahil sa mukha ko. Pero syempre, niyakap ko rin siya ng mahigpit. Katulad ng sabi ko ang tagal ko rin sil

