“HEY! KUMUSTA?” bati ni Raiden nang dumating sina Enzo at Andrei sa opisina nito. “Mabuti naman, bro,” sagot ni Enzo saka nakipagkamay dito. Ganoon din ang ginawa ni Andrei. “Please sit down.” Iminuwestra ni Raiden ang sofa sa loob ng opisina nito. Naunang umupo sina Enzo at Andrei. Nang makaupo na rin si Raiden agad na nagsalita si Enzo. “Bro, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Puwede ko bang makausap ang asawa mo?” “Of course! Kaya ka nga nandito, hindi ba?” nakangising saad ni Raiden. “May kasama ka pang bodyguard,” dagdag pa nito. “Ah, sinamahan ko lang si Enzo. Kailangan daw niya ng pampalakas ng loob,” biglang sabad ni Andrei. Marahas na nilingon ni Enzo ang kaibigan na nakangisi namang tumingin din sa kanya. Tumawa nang malakas si Raiden. “It’s okay. Ganyan din naman ako

