“WAIT A minute, what are you asking that question?” Kung nagkataong kaharap ni Enzo si Sasha, baka matakot ito sa kanya. Biglang dumilim kasi ang mukha niya. Bukod sa magkasalubong ang mga kilay niya, Nakaigting din ang panga niya. Hindi niya kasi gusto na tinatanong siya ng masyadong personal na bagay gayong hindi niya kilala ang nagtatanong. “Elaine is my bestfriend. I don’t want her to get hurt.” Napahilamos ng kanyang mukha si Enzo. “Believe me, I’m not going to hurt your friend. I just want to talk to her. Ibinilin siya sa akin ng daddy niya kaya responsibilidad ko siya sa ayaw at sa gusto niya. Kung kasama mo siya ngayon, sabihin mo na kakausapin ko siya.” “I don’t think she wants to talk to you.” Inaasahan na ni Enzo na iyon ang isasagot ni Sasha sa kanya. Pero hindi puwede a

