“XYRUS, I need help,” saad ni Enzo nang dumating ang kaibigan sa His Vineyard kung saan sila magkikita. “Huh? Tulong? Para saan?” nagtatakang tanong naman ng bagong dating. “Hanapin natin si Elaine.” Napadilat nang husto ang mga mata ni Xyrus sa sagot niya. “Si Elaine? Bakit? Akala ko ba nasa Masbate na siya. Hindi ba’t nasa bahay ninyo?” Napabuga ng hangin ang binata. “Umalis siya two days ago nang hindi nagpapaalam,” mahinahong tugon niya. “Ano? Bakit naman niya ginawa iyon? Anong nangyari?” Magkasalubong na ang mga kilay ni Xyrus. Mukhang nahihirapan na itong iproseso ang mga sinasabi niya. “Kasalanan kasi ito nina mama at ng daddy niya. Pinagpipilitan nilang ipakasal kaming dalawa. Ayaw naman ni Elaine. Napipilitan lang siya. Ayun, nang makahanap siya ng magandang pagkakataon,

