"HEY! HUWAG ka nang malungkot. Pupunta lang naman ako ng Manila para damayan si Andrie. Pero babalik din ako pagkatapos ng libing ng papa niya. Promise, hindi ako magtatagal doon. Kaya huwag ka nang umiyak, sweetie," pag-aalo ni Enzo. Hindi sana siya luluwas ng Manila kung hindi lang tumawag si Andrei sa kanya kahapon. Ibinalita nitong namatay na ang papa nito. Matagal na rin namag nakikipaglaban sa lung cancer si Tito Andrew. Kung hindi lang sa pera ng pamilya nito, matagal na sana itong namayapa. Humaba lang nang kaunti ang buhay nito dahil sa patuloy na pagpapagamot. Balak niya sanang isama si Elaine para dalawa silang luluwas. Kaya lang nang sabihin niyang lamay ang pupuntahan nila sa Manila, bigla na lang nanginig ang asawa niya. Pagkatapos tumirik ang mga mata nito saka bumagsak.

