"ANONG petsa na ngayon, sweetie?" matamis ang pagkakangiting tanong ni Enzo. Kasalukuyang nanonood ng TV si Elaine nang oras na iyon. Tumabi naman sa kanya si Enzo. Kalalabas lang nito ng banyo kaya naaamoy na naman niya ang mabangong shower gel pati na ang aftershave na ginagamit nito. "Huh? Nakalimutan mo na kung anong araw ngayon? Dalawang araw pa lang ang nakalipas mula nang mag-pasko, ah. December 27 na. Bakit ba?" "Naitanong ko lang naman, sweetie. Hindi ba December 13 noong ikinasal tayo?" paniniguro ni Enzo. "Oo. That was two weeks ago." Napangiti nang makahulugan si Enzo. Kinuha nito ang isang kamay ni Elaine saka ito hinalikan. "Ibig sabihin, sweetie, puwede na nating ituloy ang ating honeymoon." Tinaasan ito ng kilay ni Elaine. "Huh? Anong itutuloy na sinasabi mo diyan

