"OKAY ka lang, bro?" nag-aalalang tanong ni Andrei kay Enzo. Hindi naman umimik si Enzo. Samantalang tuluyan nang nanahimik si Elaine. Nag-aalala ang dalaga na kung magsasalita pa siya ay baka may iba pang mangyari. Ilang minutong walang umimik sa kanilang tatlo. Animo'y nagpapakiramdaman ang bawat isa. "Finally, you shut that beautiful mouth of yours. Let me drive in peace so we can all go home safely," basag ni Enzo sa katahimikan. Nilingon lang ito ni Elaine pero hindi na siya nagsalita. Inilabas niya ang kanyang cellphone at inabala ang sarili sa pagsusulat sa kanyang notes. Gumagawa siya ng tula at kung a o-ano kapag ganitong wala siyang magawa. Hindi nya tuloy namamalayan ang oras hanggang nakarating sila sa Manila. Napaawang ang labi ni Elaine nang mapansin ang karatula ng sub

