NAKAKAIN na at nakabalik na sina Elaine sa sasakyan pero hindi pa rin siya kinikibo ni Enzo. Hindi niya alam kung anong problema ng binata. Dahil lang ba hinawakan niya ito, nagalit na? Grabe! Gano’n ba katindi ang epekto ni Regine dito? Wala na nga sila pero mukhang di pa rin ito nakakalimutan ni Enzo kaya siguro nitong mahawakan man lang ng ibang babae. Parang gusto na niyang huwag nang sumama rito. Baka wala rin lang mangyayari kapag ikinasal silang dalawa. Kaya habang maaga, tapusin na lang nila ang lahat. Pagdating nila sa mansyon ng mga ito, kakausapin niya nang maayos ang binata sa magiging plano nilang dalawa. Ayaw niyang maikasal dito kung wala rin namang magandang patutunguhan ang lahat. Kaya nga niya hiningi ang katapatan nito para kahit paano mapanatag siya na hindi siya lo

