MABILIS AKONG BUMALIK SA LOOB ng bahay, upang hanapin si Johnny Vibar. Malalaki ang hakbang kong pumasok sa loob at agad na umikot ang aking mga mata sa paligid. Kailangan mahuli ko ang hayop na iyon. Sisingilin ko sya ng mahal sa ginawa nya kay Evette. Lalo namang nag igting ang panga ko ng maalala ko na naman ang nakita kong ayos ni Evette. Parang gusto kong pasabugin na lang ang bahay na ito, kung saan dinala ang mahal ko. Ngunit hindi sapat ang gagawin kong pagpa pasabog sa bahay na ito. Kailangan kong mahuli mismo si Vibar, upang matikman nya ang lupit ng isang Magtibay. Agad akong bumaba sa hagdan patungong Basement. Malakas ang kutob kong dito galing si Evette, dahil nasa malapit lang ang pinag taguan nito kanina. Agad kong ikinasa ang hawak kong baril. Saka ako mabilis

