MABILIS NAMAN KAMING NAKARATING ng Hospital. Agad kong inalalayan ang mga magulang ni Evette at inakay ko sila sa loob ng Elevator. Pagdating namin sa second floor ay nag lakad pa kami, patungo sa Private Room ni Evette. Agad naman kaming binati ng aking mga tauhan na nag babantay sa labas ng room. Agad na rin kaming pumasok sa loob. Gulat na gulat naman ang pamilya ni Evette, nang makita sya sa kanyang ayos. Biglang umiyak ang mga ito, matapos nilang makita ang ayos ng mukha ni Evette. "Ang anak ko! dios ko! anong nangyari sa anak ko?!" malakas na iyak ng ina ni Evette. "Ate... ate ko! anong nangyari sa 'yo ate? bakit ganyan ang mukha mo?!" sigaw naman ni Jessica, habang umiiyak. "Attorney, gusto kong ipaliwanag mo sa akin kung bakit ganyan ang itsura ng anak ko! ano ba talaga

