PARANG SASABOG ang dibdib ko, habang pina pakinggan ko ang sinasabi ng aking ama. Narito kaming dalawa ngayon sa loob ng aking Library, at masinsinang nag-uusap. "Si Johnny Vibar ay nag-iisang anak ni Arthur Vibar. Ang kapatid na ampon ng Mommy ni Bridgette. Isang tuso at sakim sa pera si Art, at gustong kamkamin ang lahat ng yaman ng pamilya Vibar. Ang asawa naman nito na si Melba Bautista-Vibar, ay nakulong at nahatulan ng mahigit thirty years, dahil sa kasong estafa. Ngunit namatay sa loob ng kulungan, dahil napasama ito sa Riot ng mga preso. Ang anak naman nilang si Johnny ay bali-balita sa Zamboanga na marami na daw itong pinag samantalahan na mga babae. Kaya naman ipinadala sya dito sa Maynila upang mag tago. Napa balita din na kasapi sya sa isang sindikato, dito sa Maynila

