.... ALFIE'S POV .... PARA AKONG NAUUPOS NA KANDILA, na umupo sa sahig dito sa labas ng Emergency Room. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa aking asawa sa loob ng ER. Hinding-hindi ko mapapatawad ang hayop na Vibar na yun. Nang dahil sa kanya, kaya nasa loob ng Emergency Room ang aking asawa. Gulong-gulo ang utak ko, dahil sa sobrang pag-aalala para sa aking asawa at ang magiging anak namin. Hindi ko kaya kung merong mangyaring masama sa kanila. Oh, God! help me. Hindi ako marunong mag dasal, pero ngayon ay gusto kung tawagin lahat ng santo. Upang mag bigay ng himala, at gumaling ang aking asawa. Hanggang sa biglang bumukas ang pinto ng Emergency Room. May isang Nurse ang lumabas, kaya naman agad akong tumayo upang kausapin ito. "Nurse, kumusta ang aking asawa?" may kaba

