MAHIMBING NA NATUTULOG si Evette nang dumating si Alfie. Mataman na pinag masdan ni Alfie, ang mukha ng nobya. Sobrang na miss na nya ito, dahil ilang gabi na rin syang nag titiis na huwag muna itong galawin. Hindi na rin halata ang mga pasa sa mukha ni Evette ngayon. Nag hilom na rin ang labi nitong may sugat. Inayos lang ni Alfie, ang kumot ng babae, saka nag mamadaling pumasok sa banyo, upang maligo. Matapos nitong maligo ay nag suot lang ito ng manipis na T-shirt na puti at shorts. Muling lumabas si Alfie sa kanilang kuwarto, upang pumunta sa kanyang mini-Bar. Balak nyang uminom muna kahit kaunti lang, para madali syang antokin. Agad na nag salin ng alak ang binata, saka ito tahimik na uminom. Gusto lang nyang uminom ng kaunti upang maka tulog ito ng mabilis, pero hindi nya na

