NAGISING SI EVETTE dahil parang hinahalukay ang kanyang sikmura. Kaya agad itong bumangon. Kamuntik pa syang mahulog dahil nakalimutan nyang nasa ibabaw pa rin pala sya ni Alfie. Dito pala sya naka tulog kagabi sa ibabaw ng katawan ng binata. Mabuti at maagap ang binata at agad syang hinawakan nito, kaya hindi sya tuloyang nahulog. "Dahan-dahan lang, Dear! kamuntik kanang mahulog." naalimpungatan na wika ni Alfie, habang hawak pa rin nito ng mahigpit si Evette. Tuloyan na rin bumangon ang binata, dahil hindi na maka pag salita pa si Evette. Naka hawak lang ito sa kanyang bibig, upang pigilan ang kanyang bunganga upang hindi maka labas ang gustong lumabas dito. Agad na rin syang binuhat ni Alfie papasok sa loob ng banyo. Agad din syang ibinaba ng binata sa loob ng banyo. Kaya naman

