Napapamura ako habang tumatakbo papunta sa classroom. Alas siyete na ng gabi at nasa labas si Sir Santi, hindi niya talaga ako sinamahan. Walangya. Nakakatakot pa naman dahil isang ilaw lang ang silbing liwanag sa Nursing Dept.
Bitbit ko ang tatlong tungki ng tulips. Gaya ng sinabi ko. When he asked me if I like flowers and which one, tulips ang sinagot ko kaya eto at naiinggit ako. Kikiligin na nga sana ako nang tanungin niya ako pero as if namang bibili siya ng para sa'kin. Goodness, ang swerte maging maganda! Hindi ako makarelate! Ikaw na talaga Hestia. Ikaw na. Masyado kang mahal ng Diyos!
Tumingin-tingin ako sa hallway ng classroom namin. Suot ko ulit ang facemask ko para safe, baka mamaya may nagtetraining pala dito na inaabot ng gabi. Agad kong nilabas ang spare key na bigay ni Sir Santi, nanginginig pa ang kamay ko sa takot at kaba.
Tangina baka may bumungad pa sa akin sa loob. Tangina talaga!
"f**k!" Inis na singhal ko, hindi ko kasi mashoot yung susi sa padlock! Tangina naman nito! Tumigil ako at suminghap. Kailangan kong kumalma. Wala naman akong nababalitaang may paranormal activities dito kaya sarili ko lang din ang tinatakot ko.
Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Nagstretching muna ako para maibsan ang kaba. Nang maramdaman kong ready na ako ay ipinasok ko muli ang susi. Bingo! It went in!
"Ang tagal mo."
"Putangina!"
Napahawak ako sa aking dibdib nang makitang si Sir lang pala 'yon. I almost met death right there! Pilit kong hinahabol ang aking hininga habang siya naman ay hindi maipinta ang itsura.
"Language, Willow! Ako pa rin ang matanda dito. Watch your mouth." He fumed up. Binuksan niya ang ilaw at umupo sa ibabaw ng amesa niya.
Nakasimangot akong pumasok at hinihingal pa rin. Kung may sakit lang ako sa puso ay malamang kanina pa ako isinugod sa hospital. Putsa.
"Ikaw kasi Sir! Bigla ba namang nagsalita. Kung sinamahan mo sana ako edi kanina pa tayo nakauwi! Hindi mo man lang ba naisip na takot ako? Ewan ko sayo, tanders." Inirapan ko siya at padabog na inilapag sa armchair ni Hestia ang mga bulaklak.
Tinalian ni Sir iyon ng ribbon at doon isinuot ang maliit na card. Inggit so much naman ako. Di bale, bibilhan ko rin ang sarili ko ng tulips. Iyong plastic para pang forever, mas nakakatipid pa.
"Tanders?" Naniningkit ang mga mata niya. He looks upset. "I'm still young, Willow."
"Nye nye, malapit ka na nga lumagpas sa kalendaryo!" Biro ko.
Sinipat ko siya muli ganon pa rin ang reaksyon niya. Naoffend na siya no'n? Eh siya nga 'tong nagsabing mas matanda siya. Tsaka hello, malapit na kaya siyang lumagpas sa kalendaryo, advance lang akong mag-isip. Himala nga at hindi pa siya kinasal. Mga ganyang edad na kaya ang saktong magkaro'n ng isang pamilya.
"Shut up! Gusto mo ba ng singko?!" Singhal niya na ikinatawa ko. Cute ni Sir. Shet. Bumelat lang ako at naunang lumabas. Baka wala na akong maabutang jeep sa labas eh.
Nang makalabas na ako ay may humintong sasakyan sa harap ko. Bumaba ang bintana at si Sir pala iyon. Tinaasan ko siya ng kilay. Nang-iinggit ba siya? Charot.
"I'll take you home." He said, softly. Umirap ako, he was about to say something when I immediately went inside his car. Sa back seat ako umupo. Hello, choosy pa ba ako? Nagpresenta na nga siyang ihatid ako edi go! Libre pa sa pamasahe.
Pero may sasakyan naman pala siya, ba't nagcommute siya no'ng first day?
"Lumipat ka." He said in full conviction. Ngumiwi ako at sinunod naman siya. Baka pababain ako bigla eh. Narinig ko pang bumulong-bulong siya nang dumaan ako sa gitna, nakakatamad na kasing lumabas.
The whole ride was very quiet. Naaalala ko iyong panaginip ko. Walanghiya. Pakiramdam ko ay 'sing pula na ako ng kamatis. Ang laswa ng panaginip ko! We did nasty things such as.. making out. Tangina talaga! Ang bastos ko! Kasalanan din ni Sir 'to eh, ba't kasi ang sexy ng boses niya?!
Tinakpan ko ang aking mukha. s**t!
"Are you alright?" He broke the silence.
Umayos ako ng upo at panakaw na tumitingin sakanya. Lord, mahal mo rin masyado itong si Sir! Sobrang hot niya habang nagdadrive. Iyong kaliwang kamay ay nakasandal sa bintana habang ang kaliwa ang nakahawak sa manubela. Ang swabe niya tingnan! I crossed my arms, itinuon ko sa harap ang atensyon. Masyado ko nang pinupuri si Sir sa isip ko.
"Willow. I don't know your address. Taga saan ka nga pala?" Bumagal ang pagmamaneho niya.
"Diyan lang po sa harap ng pabrika ng tela, Sir." I replied with my low voice. Tumango lang siya at muling natahimik sa loob ng sasakyan niya. Ayaw ko nang tumingin sa gawi niya, baka bigla ko siyang hilain papasok sa bahay. Charot.
Nang pumarada siya sa harap ng pabrika ay bigla siyang nagsalita. Gusto ko nang lumabas at lumayo sakanya, kung anu-anong kagagahan na ang naiisip ko. He somehow demonitized my sanity.
"Lapit lang pala ng bahay niyo." Humarap siya sakin. He then pointed the street behind me. "I live there." Aniya.
Ah, kaya pala nagkasabay kami sa jeep! Naks naman. Pwede akong sumabay sakanya pag-uwi! Pero syempre hindi ko gagawin 'yon, ano. Baka kung ano pang masabi ng makakakita sa'min. Tsaka nakakahiya kaya!
"Share mo lang Sir?" Agad niya 'kong sinamaan ng tingin. "Joke lang po! Thank you sa paghatid, sa susunod ulit. Charot. Bye, Sir!" I uttered and opened the car's door.
I heard him heave a sigh. Ang lalim din no'n ah. Kumaway ako sakanya.
"I see. Just text me the next move. Good night, Willow." He tapped his fingers against the steering wheel. Ngumiti lang ako at tumango bago sinara ang pinto.
Doon lamang ako napahing ng maluwag. Damn, that was one hella of a ride! When I got home, agad kong naisip na gawin ang homework para wala na akong iisipin pagnagsusulat na ako.
My mouth parted when I saw a piece of tulip inside my bag.
✎ . . .
"Chika ka naman, Sir! Kumusta ang unang convo niyo?" I giggled as I took a seat in front of him. Nasa Carter's ulit kami, yung coffee shop kung saan kami nagkikita.
It has been three days since the second move happened. The second move went really well, he added Hestia on f*******:, pati na rin kaming estudyante niya. Ingat na ingat ang lolo niyo. Aba'y dapat lang 'no.
Of course, I have to know everything single thing that happened between them.
"We talked about her future career and all. Nothing much, parang guro pa rin ako na nakikipag-usap sa estudyante." Bumuntong hininga siya. "Parang tinulungan ko lang siya sa career plan bilang teacher." He sounded miffed.
Napasimangot ako. Parang guidance counselor naman ang peg niya.
"Ilan na ba naging girlfriend mo, Sir? Hay nako. Ipakita mo rin kasi na may gusto ka sakanya, wag ka munang aamin! Act as if you're really interested in her which is true. Magtapon ka rin ng random compliments, maging makata ka!" I snapped my fingers.
He looked at me with disbelief written on his face. I shrugged and took a sip on my mango shake. Mas nakakakilig kaya 'yon. Kahit pinapaulanan ng niya puri si Hestia ay paniguradong iba ang dating pag si Sir.
Edi sana all.
"I don't remember. This is actually my first time doing these. First time kong magkagusto sa ganitong babae. She's really reserved. I like that." He commented.
Biglang pumait ang panlasa ko. Hindi ko alam kung bakit. I pursed my lip.
"Basta ayun, Sir. Wag kang umasal bilang guro, kumilos ka na parang kaedad lang namin."
"I see. I'll do that." Ngumiti siya kaya napangiti na rin ako. Walang kupas din ang kagwapuhan ni Sir, ano. Lalo na tuwing ngumingiti!
Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano. He asked me for some advice, todo bigay naman ako kahit na ako nga yung walang karanasan sa pag-ibig. Most of them were my opinions.
We went back to school after that. Syempre bumaba ako sa malapit na kalye at maglalakad papasok. Sakto namang nadaanan ko si Sirius, may kausap siyang babae. Nang makita ako ay agad siyang nagpaalam sa kausap. Inakbayan ako ni Rius habang naglalakad kami patungo sa classroom. Ilang oras nalang at magkaklase na.
Inasar lang niya ako hanggang sa makarating kami sa classroom.
Days passed by normally. Hestia and Sir Santi are currently on the talking stage. Syempre, through text pa rin. Tinanong ko nga kung nagcacall ba sila, hindi raw dahil maririnig ng Mommy ni Hestia. Dang, must be tough to woo this kind of girl with strict parents.
From: Tanders
Saw a new coffee shop. wanna go? usap us about sa next move.
I changed his name on my phone, bagay kasi sakanya. Sabi nga niya't mas matanda siya.
Sumimangot ako. About time! Apat na chapters palang naisusulat ko. May naisip na akong susunod na gagawin. Agad akong nagpaalam kina Rius at Allison na kagrupo ko sa Math. Nag-uusap kasi kami tungkol sa report na gagawin.
I also texted the girls that I'll go home first. Agad ko namang nakita ang sasakyan ni Sir sa kabilang kalye. I saw him banging his head a little. I knocked on the car's window.
Bumungad sa akin ang music nang binuksan ko ang pinto. He turned it off and started the engine.
"Hindi ba tayo mahahalata dito, Sir? Patinted mo kaya 'tong kotse mo? Para pwede kayong mag-usap ni Hestia dito." I suggested.
He c****d his head on my direction. "Good idea. Consider it done." And he drove to the coffee shop.
Kanari Yanagi. That was the name of the newly opened coffee shop. Namangha naman ako dahil may ambiance talaga ng japan sa loob. There were even a shelf full of mangas and anime figurines.
"Wow, ang ganda dito Sir." Namamanghang sambit ko nang makaupo kami. Tiningnan ko si Sir. "Baka may pumuntang taga SSU!"
"Then we'll hide. Bantayan mo kung sinong papasok." Aniya na parang wala lang. Sabagay, naka tshirt lang naman na siya, hindi halatang guro.
Nag-order na kami at libre niya ngayon. Kapag ako nag-aaya KKB o kanya-kanyang bayad. Well, he tried to pay for my drinks but I refused. Ang weird kaya no'n. Hindi ko rin naman siya mailibre kasi hello, estudyante lang kaya ako.
He ordered a black coffee and tiramisu while he got me strawberry parfait and tiramisu too. Nalula naman ako sa price.
"Ang mahal naman Sir! Baka bigla mo 'kong singilin." Ngumiwi ako. Isang daan lang ang dala kong pera! Ang mabibili ko lang ata ay iyong mineral water na singkwenta. Tangina, may ginto ba ang tubig nila? Galing pa bang japan 'yon?
He smirked playfully. "Maybe." Binato ko siya ng tissue na nailagan naman niya. He doesn't get angry anymore when I do things like this, naiisip ko nga na friends na kami. Ayaw lang niyang inaasar sa edad. Sensitive ata si Sir do'n.
Hindi nagtagal ay dumating na ang order namin. My mouth formed an 'o' when I saw the parfait and the tiramisu. Ang cute! Nagform ng pusa yung cocoa powder sa ibabaw ng tiramisu. Agad kong inilabas ang cellphone at pinicturan iyong order namin nasama pa ang maugat na kamay ni Sir. Syempre, pang i********: na rin.
"Sir, gusto mo bang ayain si Hestia lumabas?" Biglang tanong ko.
His brows furrowed for a moment, sarap na sarap naman ako sa parfait.
"That's risky. Maybe, I should bring her to San Diego?"
"Pwede rin! Pero kung dito lang kayo, pwede naman. Tamo, tayo nga hindi nahuhuli! Wag ka lang tatanga-tanga." I chimed in.
He glared at me. I apologized agad, mamaya pagbayarin niya pa ako.
"I'll try. Text nalang kita pag pumayag siya." He uttered while scooping his phone out of his pocket. Agad niyang vinideohan ang coffee shop at nang tumapat iyon sa direksyon ko ay agad akong nagpose. Inirapan niya lang ako. Sungit.
"Para saan 'yon, Sir?"
"For my brother. He likes japan." He replied while looking at his phone. Sumilip ako at nakitang sinend niya ang video sa kapatid. Nabasa ko ang pangalan nito at nakita ang profile picture.
"Serkan? Ang weird naman ng pangalan pero ang gwapo naman ng kapatid niyo Sir!" I exclaimed. Sumimangot ako nang inilayo niya ang cellphone niya. Damot! Oo nga naman at talagang gwapo rin ang kapatid niya, just look at how handsome Sir Santi is!
He hissed annoyingly. Nakita ko pang kumunot ang noo niya habang nagbabasa ata ng reply. Inis niyang binaba iyon.
"Anyare? Baka naman po, Sir." I waggled my eyebrows.
"Ano? May girlfriend na 'to. Mahilig 'to sa chinita kaya hindi ka niya type." He fired straight to my forehead. Headshot.
Akmang mumurahin ko siya pero pinigilan ko at inirapan nalang, baka bigyan pa ako ng singko eh. Bwisit siya. Napaka straightforward, shuta. Mukhang gustong-gusto nga ng kapatid niya ang japan, pati ang type ay japanese pa ata. Ayaw ba no'n sa local?!
We discussed about his future date with Hestia. Kung saan pwede at kahit topic ay itinanong pa niya sakin na NBSB. Tangina. Cross fingers that Hestia will go.
I took one last bite on my tiramisu and one last sip on my parfait.
"I'll call if she'll go. Tara na." Tumayo na siya at naglapag ng amount sa table. Tumayo na rin ako at sabay kaming lumabas.
Hinatid niya ako pauwi. I waved and thanked him before closing the door.
"Thank you sa ayuda, Mayor! Bukas ulit, charot!" Nagflying kiss pa ako nang pabiro bago naglakad papunta sa bahay.
KILLING ME SLOWLY