Iniipit ni Nica sa tainga ni Rhav ang ilang hibla ng kanyang buhok. Mahangin na kasi sa labas at tinawag na sila ni JC dahil nakahanda na raw ang pagkain.
“Bes, medyo humahaba na ang buhok mo,” puna na Nica. “At nawawala na rin ang kulay, gusto mo kulayan kita pag uwi natin bukas sa atin?”
“Oo ba, sinabi mo na yan, ha? Walang bawian.”
Lumakas ang tawa nito. “You’re prettier with your short brown hair. I swear.”
“Oo na, naniniwala na ako. Tara na.”
Magkahawak kamay silang bumalik.
“Sir, sigurado po ba kayong magkaibigan lang ang mga bisita natin?” usisa ni Nanny Patring habang nakamasid kina Rhav at Nica. Mayroon kasing pinaka-terrace ang bahay kung saan tanaw na tanaw ang kabuuan ng naggagandahang bulaklak.
“Yes, Nanny. Any problem po?”
Umiling ito habang pinagmamasdan ang masayang kulitan ng dalawa at ang paglakad nitong magkahawak kamay pabalik sa bahay. Nakatingin na rin si JC sa dalawa. Masyadong masaya ang dalawa kanina at sinusulit ang mga bulaklak kaya hindi na siya nito narinig ng magpaalam siyang babalik sa bahay para tulungan si Nanny sa paghahanda ng pagkain.
“Ah... dahil ba sa closeness nila? Don’t worry, Nanny. They are just like sisters. They grew up together, and their parents are also best of friends, and besides, they are girls. I don’t have anything to worry about.”
Tumango-tango ito at tinapik siya sa likuran. “Ikaw na ang bahala sa mga bisita mo. Ako ay magpapahinga na, alam mo naman ang Nanny mo, matanda na. Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ang apo ko.”
“Rest well, Nanny. I can take care of myself now.”
Kaagad na pinaupo niya sina Rhav at Nica ng makaayat. Mas lalong namangha ang dalawa sa tanawin mula sa terrace.
“Mas maganda dito at ang ganda at ang presko!” bulalas ni Nica.
“Yes, this is my favorite spot. I always visit here whenever I need some fresh air to breathe and to think.”
“I see.”
Magkatabing nakaupo sina JC at Nica habang nakaharap siya sa dalawa. Filipino food ang nakahain sa kanila, may pancit bihin, puto, dinuguan, fried rice, buko at daing. Binili raw ang dinuguan sa pabirito nilang restaurant na malapit lang doon para pamparihis sa puto. Mula ng matikman nito sa kanila ang puto sa dinuguan ay hindi na pwedeng hindi magkasama ang dalawa.
“We are like puto and dinuguan—we are perfect pair!” napangisi si JC habang nakatitig kay Nica.
Natawa si Nica. “You are corny but thank you for trying.”
Nagsimula ng kumain si Rhav pagkatapos nilang magdasal.
“Do you think you can live in this place?” tanong ni JC dito habang tahimik lang na nakikinig si Rhav sa dalawa. Wala naman siyang choice kundi ang makinig.
“Oo naman. Tahimik lang at malayo sa gulo at ingay sa Metro Manila. Siguro perfect ang place na ito for retirement.”
“That is what exactly I thought. This place is perfect after our hard work. I can’t wait for that time that we can rest here together.”
Halos mabilaukan si Rhav, mukhang nangangarap na ang dalawa sa kanyang harapan. Kaagad na binigyan siya ng fresh buko ni Nica.
“Dahan-dahan lang, bes. Nguyain mo ng mabuti, wag lunok agad!” biro nito.
Todo ang asikaso ni JC kay Nica, iyong tipong hindi na ito kakain para lang pagsilbihin ito. Kaya naman sinaway na ito ni Nica para kumain na ito.
“I love serving you; just let me do this for you.”
“Bes, hayaan mo nalang siya,” si Rabina. “Mukhang nag i-enjoy naman talaga siyang pagsilbihan ka.”
Nag okay sign si JC kay Rabina.
Wala ng nagawa si Nica kundi hayaan nalang ito.
“Ah, don’t,” pigil niya kay JC ng akmang lalagyan na nito ng daing ang pinggan ni Nica. “She doesn’t like daing, she might p**e later.”
Tumingin si JC kay Nica at marahan itong tumango.
“Sorry.”
“That’s fine. Hindi mo naman talaga alam.”
Kinuha ni Rhav ang daing kay JC at siya nalang ang kumain. “Is it okay to call you Rhav, right?”
“Oo naman.”
“Okay, ano ba ang gusto mo sa isang lalaki? I have bachelor’s friends that for sure will like to date you.”
“Hmmm,” kunwari nag-isip siya.
Hanapan mo ako ng isang Nica. Sa isip niya.
“Wala eh, wala naman ako standards pero kung isa sa member ng BTS ang irereto mo, why now?”
Napakamot sa ulo si JC dahil imposible ang gusto niya.
“How about local celebrity na gusto mong ma-meet?”
Mataas nga ang connections nito. Kunsabagay, sobrang yaman nga pala nito.
Tinawanan lang niya ito. “Ikaw ha, gustong gusto mo na akong mag date ng iba.”
“Oo naman. So, you will not be left alone just in case Nica and I ended up together.”
“Darating din ako diyan. Don’t mind me nalang, just do your best to get her sweetest yes.”
Binigyan ni JC ng buko si Nica.
“Bes, wala ka bang nanliligaw sa iyo bukod kay Dexter?”
“Wala pang naliligaw, mayroon isa pero bastos pa.”
“Si Tom?”
“Yes.”
Bumalik ang inis nito sa mukha kaya natawa siya. “Relax, wala na iyon.”
“What is your plan? Just in case kailangan ng umalis ni Nica sa condo unit niyo?”
Nagkibit balikat si Rabina. Grabe naman itong si JC walang pakiramdaman. Hinay hinay naman sa tanong pare.
“Life must go on. If it is for Nica’s happiness, I am always on her side and support her decision.”
Nakita ni Rhav ang paghawak ni JC sa mga kamay ni Nica.
“I promise to love her, and I will never hurt her—never.”
Na-touch naman si Nica sa sinabi ni JC, biglang umalat bigla ang bukong uniiom ni Rhav.
“What’s your plan with her?”
“I will marry her anytime she is ready.” Walang kagatol-gatol na sagot nito. “Build our own family, make her happy every day, provide everything she needs, travel the worlds, grow old together and just be happy.”
Mga bagay na hindi ko kayang ibigay sa kanya.
“Nice! Kung ako kay Nica baka nag yes na ako ngayon palang.”
“Bes!” saway ni Nica sa kanya.
“What? I mean doon naman kayo pupunta. Bakit patagalin pa, ‘di ba? Naniniwala akong ang relasyon ang pinapatagal hindi ang panliligaw.”
Muling nag thumbs up sa kanya si JC.
“Magkano ang ibinayad niya sa iyo? Hati tayo, ha.”
“Ayaw ko nga.”
Tawanan kahit masakit na.
Nakaupo lamang si Rhav sa terrace habang pinagmamasdan ang malawak nag taniman ng mga bulaklak sa ibaba. Mula sa kanyang kinaroroonan ay tanaw niya sina JC at Nica habang nakaupo sa isang bench sa gitna ng mga bulaklak.
Napaka-romantic.
Humugot muna siya ng malalim na buntong hininga Napatingin siya sa gilid ng may mag abot sa kanya ng isang baso ng kape. Umuusok pa iyon.
“Salamat po.”
“Masaya ako at muling napadalaw dito si Sir JC dito. Salamat sa kaibigan mo dahil nakikita ko na ngayon ang saya sa kanyang mga mata. Matagal na matagal na rin mula ng huli ko iyong masilayan.”
“Mabait naman po si JC at mukhang matulungin sa kapwa. Kaya alam kong aalagaan niya ang kaibigan ko.”
“Ay, diyan ako bilib sa kanya. Kahit noon pang teenager siya marami na siyang tinulungan. Kahit ang mga anak at apo ko ay nagbibigay siya para sa panggastos sa kanilang pag aaral. Kaya sabi ko sarili ko, pagsisilbihan ko ang kanilang pamilya hanggang sa aking kamatayan.”
Marahan napatango si Rhav. Nasaksihan din niya mismo ang ginawa nitong pagtulong sa iba.
“Maganda kang bata tulad ni Nica. Ikaw ba ay may nobyo na?”
Ngumiti siya kay Aling Patring at marahang umiling. “Wala pa pong nagkakamali sa akin Aling Patring.”
Marahang itong tumawa. “Maswerte ang lalaking mamahalin mo. Nakikita ko kung gaano ka maalaga at mabuting bata.”
“Sana nga po, makilala ko na ang para sa akin.”
“Hiling ko lang na makita kong kinakasal ang alaga ko bago ako mamaalam sa mundo. Sana si Nica na ang babaeng makakasama niya habang buhay dahil bagay naman silang dalawa.”
Napahigop nalang ng kape si Rhav habang sumasang-ayon sa mga sinabi ni Aling Patring.
Sa uwian ay hindi na niya hinayaan pang tumabi sa kanya si Nica. Pinaupo niya ito sa tabi ni JC at dinahilan niya na gusto niyang mahiga sa back seat at masikip pag tatabi pa ito sa kanya. Mula sa salamin ay panaka-naka itong napapatingin sa kanya kaya pinandigan niya talaga ang tulog tulogan.
Pinapakinggan niya lang ang usapan ng dalawa. Ang future nitong hindi siya kasama.
“Saan mo gusto tumira? Dito sa Pinas or sa ibang bansa?”
Nag-isip si Nica. “As much as possible gusto ko dito sa Pinas dahil nandito ang aking pamilya, nandito ang trabaho at buhay ko pero kung may isang bansa man akong pinangarap na matirahan iyon ay ang Switzerland, bukod sa maganda ang mga nakikitang view sa bansa nila ay maganda din ang support system nila.”
“I agree. I’ve been there twice at masasabi kong maganda ang naging experience ko sa bansa nila.”
“Ikaw bes, ano ang gus—“ napatigil si Nica.
“Oo nga pala, tulog siya. Naparami kasi ang kain niya kaya ayan tuloy bagsak na bagsak.”
“Hayaan mo nalang muna siyang makapag-rest.”
Naramdaman ni Rhav ang paghinto ng sasakyan, nasa Shell station sila para magpakarga ito.
Naramdaman niya ang mainit na titig ni Nica sa kanya o nag iilusyon lang siya.
“Thank you, Sir. Come again.”
“You’re welcome.”
Muling umandar ang kanilang sasakyan.
“Have you learned how to speak Japanese?”
“Sukoshidake. Marude, watashi wa anata o totemo aishiteimasu.” (Just a little bit. Like, I love you so much.)
“Watashi o matte itadakereba saiwaidesu. Shikashi, anata ga watashi to koi ni ochita baai wa, kigaru ni tachidomatte kudasai.” (I hope you can wait for me. But you feel free to stop if ever you fall out of love with me.)
“Wow, you surprised me!” manghang napatingin ito sa kanya.
“I have learned some because of your Daddy. You know, we are dealing with clients almost every day here and abroad, and most of them are Japanese.”
“Did Daddy require you to learn?”
“Nope. I study for my own sake and knowledge. Mahirap na, baka ibenta ako ng Daddy mo sa mga kliyente namin.”
JC laughed. “Just wondering, is there anyone who tried to court you from the clients?”
“No puedo contar!” (Hindi ko na mabilang)
“Está bien. Eres hermosa e inteligente. No puedo culparlos.” (It’s just right. You are beautiful and intelligent. I can’t blame them.)
“OMG! You also know Spanish!” napatakip sa bibig si Nica. “I was just joking.”
“I feel that you weren’t. Don’t worry because your secret is safe in me.”
Muling natawa si Nica. She was being amazed by JC’s intelligence, bagay talaga itong maging CEO ng XBC dahil sa lawak ng kaalaman nito hindi lang sa kompanya kundi sa ibang bagay din. Hindi rin niya akalain na may alam din ito sa ibang salita.
Habang pinangatawanan ni Rhav ang tulog tulogan hanggang sa totoong napaidlip na lang siya sa byahe.