CHAPTER FIFTEEN: SECRETLY HURTING INSIDE

2273 Words
“Bes, gising na.” Napamulat ng mata si Rhav at unti-unting naging luminaw ang paningin niya kay Nica na noo’y nakatunghay sa kanya. Wala sa loob na naiangat niya ang kanyang kamay pahaplos sa mukha nito. Nang marealize ang kanyang ginawa ay nagbiro na lamang siya. “Ang taba na ng mukha mo.” Inirapan siya nito habang hinawakan ang kamay niya para alalayan siyang bumangon. “Sarap na sarap ang tulog mo ah. Anyway, sinabi ko kay JC na ideretso nalang tayo dito sa bahay. Na miss ko na rin kasi matulog dito.” “Good, nasaan si JC?” “Nauna na sa loob, kanina pa iyon nasi-CR. Tayo na.” “Ahm. Send my greetings to Tita and Tito, hindi nalang muna ako papasok sa inyo. Dederetso na ako sa amin at gusto ko na ring ituloy ang tulog ko. See you bukas.” “Okay, sige. Good night.” “Good night.” Dumeretso na si Rhav sa kabilang gate, kaagad naman siyang sinalubong nina Pancho and Daniela. Hinalikan niya ang mga ito sa pisnge. “Did Dexter send you here?” excited na tanong ni Daniela sa kanya. Umiling siya. “Okay, we are so excited, Anak. How did it go? Saan kayo nag date ni Dexter?” “Can we talk about this tomorrow, Mom? I am sorry, I just don’t have some energy left today.” “Hayaan mo na natin siyang makapag-pahinga. Sige na anak, umakyat ka na sa kwarto mo.” “Thanks, Dad.” Nanghihinang umakyat siya sa kanyang silid ay pabagsak na nahiga. Sa loob ng kanyang silid ay may picture frame sila ni Nica together. Pinilit niyang abutin iyon sa side table at pinalandas ang ga daliri sa nakangiting mukha nito. Kaagad na naitago niya ang frame sa ilalim ng unan ng maramdaman ang pagpasokk nig kanyang Mommy Daniela sa loob ng kanyang silid. Muli siyang pumikit. “Baby, may problema ba? Nandito lang si Mommy kung kailangan mo ng kausap.” “I am fine, Mom. Just tired, I am sorry. Promise bukas may energy na ako muli.” “Anak kita, kaya alam ko kung may problema ka o wala.” Napadilat siya at sumandal sa kanyang headboard. “Sa office kasi namin, maraming nasa same s*x relationships... can you share with me your thoughts about them Mom? What your take for LGBT+ community?” “Well,” umupo ito sa kanyang kama. “The God only created a female and male. I respect their rights but will not be on their side.” “Then who created them?” “They are not normal, in my opinion. Anyway, why do you ask?” She sighed. “I have this coworker who has been hiding for a long time about her true self. Now, she needs some advice if this is the perfect time to tell her parents. She’s dating a girl for quite some time now, and she’s planning to marry her.” “Marry her? For real?” bulalas ng Mommy niya. “I can’t believe what’s happening to this world now. Just distance yourself from them.” “Mom...” “I am your Mom, listen to me, okay? Those people are no good for you.” Napabuntong hininga nalang si Rhav at pilit na ngumiti sa ina. “Okay, Mom. Matutulog na po ako.” Pagkalabas ni Daniela ay saka napaiyak si Rhav. Nasaktan siya sa mga sinabi ng kanyang Mommy Daniela at sa pananaw nito sa katulad niyang umiibig sa kapwa babae. Parang sinabi ring nitong hindi siya normal, na isa siyang pagkakamali. Natulugan niya na lang ang sama ng loob. “Hmmm, naantok pa ako. Huwag niyo muna akong guluhin, Mommy!” “Kailangan mo ng gumising. Tanghali na, beshy!” Napadilat si Rhav ng marinig ang boses ni Nica. Hindi nga siya nagkamali dahil ang mukha nito ang bumulaga sa kanya. Nakaayos na ito at nakaligo. “Teka, bakit parang namumugto yata ang mga mata mo. Umiyak ka ba?” Nag iwas siya ng mukha dito at dali daling bumangon at nag lock ng pinto sa kanyang CR. Kumatok si Nica. “Beshy! Open the door. Bakit namamaga ang mga mata mo. Talagang may inililihim ka na sa akin! Nagtatampo na ako!” “Shhh! Huwag kang maingay baka marinig ka nila Mommy,” saway niya mula sa loob. Binuksan niya ang pinto ng kanyang banyo. Sumungaw doon ang ulo ni Nica. “Anong problema?” Ikaw ang problema ko. Itong letseng pagmamahal ko sa iyo. “Bes? Sa tinagal tagal natin, ngayon ka pa mag lilihim sa akin?” She sighed. “I just missed those days na tayo lang dalawa. Siguro, nagseselos lang ako dahil naaagaw na ng iba ang atensiyon mo.” “Iyon lang ba talaga ang dahilan mo?” “May iba pa ba dapat?” Nagkibit balikat si Nica at niyakap na siya nito. “Nalulungkot din ako. Pero ganun talaga, kailangan natin ng ibang tao para maibigay ang pagmamahal na dapat nating maranasan. Sa totoo lang, I am not sure anymore if this is the right path for me,” dinama ni Nica ang puso. ”JC is a total package that every woman could ask for, but deep inside of me something is missing, pero pag nakikita ko iyong excitement sa mga mata nina Daddy at Mommy everytime they ask about JC, ay nawawala lahat ng agam agam dito sa puso ko. Maybe hindi mo pa natatangpuan iyong lalaking kaya mong magustuhan or iibigin. Subukan mo kayang maging open sa iba? Like makipag-date ka. You don’t have to like the person, parang katulad ng ginawa ko.” Pinahid ni Rhav ang luhang sumungaw sa kanyang mga mata. “I’ll do that.” “I’ll help you.” AS USUAL, magkakasama na naman ang dalawang pamilya habang nag b-breakfast, this time sa bahay naman nina Rhav, kaya pala ito ang gumising sa kanya. Nakahanda narin ang food sa ibaba kaya naman ay dali dali na siyang naligo pagkababa ni Nica. Nag lagay din siya ng make up para hindi mahalata ang pamumugto ng kanyang mga mata. Hindi naman kasi gaanong nakatulog kagabi kakaisip ng kanyang palusot kung bakit kinailangan niyang i turn down si Dexter. “Good morning, Mom and Dad!” sabay halik sa mga pisnge nito. Pinilit niyang pasiglahin ang boses. “Good morning, Tito and Tita,” at hinalikan din ang mga ito sa pisnge. “Good morning din, Rabina. Mukhang maganda yata ang mood mo ngayon. May maganda ka bang ibabalita sa amin?” si Jennylyn. Siniko ito ni Jonas. “Ikaw naman, pinapangunahan mo naman sila. Mas excited ka pa sa kanila.” Hilaw siyang natawa. Umupo na siya sa tabi ni Nica. “Masaya lang po ako dahil nakatulog ako muli sa kama ko. Matagal tagal na rin nung huli akong makatulog dito.” “Mabuti ka pa at nakatulog ka, si Nica parang gising buong gabi!” pagbubuko nito sa anak. Napatingin siya dito. “Mommy,” namumulang napayuko si Nica. “Tell me, si JC pa ang katawagan mo kagabi? Naririnig kitang may kausap. Huwag ka ng mahiya, tayo tayo lang naman ang naririto.” Marahang tumango si Nica. “May tinatanong lang po siya, it is not something personal.” “Wala naman kaming sinabi.” “Nasa akin na naman ang topic, kay Rhav naman.” “Masaya kami at mukhang naging okay sina JC at Danica. Mukhang may progress at siguradong papunta na tayo doon!” si Pancho. Humigop na ng kape si Rhav at nagsimula ng kumain. “Rabina, hindi pa tayo nagdadasal.” Nabitawan niya ang mga tinidor bago pa man niya makagat ang hotdog. “Sorry, nagugutom lang talaga ako.” Pumikit na siya at nag sign of the cross, nagkatinginan ang nakapalibot sa kanya na parang sinasabi kung may problema ba siya. Sumunod naman ang mga ito sa pagdasal at itinuloy na ang kwentuhan. “Kumusta naman kayo ni Dexter, baby?” si Daniela. “I turned him down,” siya sabay subo ng hotdog. “But why? He looked nice to me.” “I don’t want to force myself, but I am planning now to go on dating. Who knows may makikilala akong magpapatibok ng puso ko.” “Mahirap iyang binabalak mong makipag date ng kung sino sino nalang. Baka diyan ka pa mapapahamak!” si Pancho. “Don’t worry, I’ll set dates for you.” “Dad, nasa 2021 na po tayo. Hindi na uso ang blind dates!” “Arranged marriage gusto mo?” Napayuko siya. “No... Dad.” Naramdaman niya ang pagpisil ni Nica sa kanyang hita sa ilalim ng mesa, napatingin siya dito. “Just go on the flow...” bulong nito. “Tito, don’t worry, pag may date, sasamhan ko po siya kahit nasa kabilang mesa lang ako.” “Naku, huwag na. Masasayang ang time mo, makipag date ka nalang kay JC,” pigil ni Rhav. “Pwede naman sabay eh.” Umiling siya. “Nope, not a good idea. I need some privacy.” Natigilan si Nica. “Okay.” Tumawa si Jennylyn. “Ganyan na ganyan din kami noon ni Daniela,” una kong nakilala si Jonas kaya lagi siyang kasama sa mga dates namin, hanggang sa nainis na itong si Jonas kasi hindi nakaka score sa akin, dinala ngayon ang best friend niyang si Pancho. Kaya ayon, nagkamabutihan din ang dalawa.” “Salamat, bro!” natatawang sabi ni Pancho. “Paano kasi dati, hindi pa uso iyong cellphone o internet. Kung may nililigawan ka, obligado kang dumalaw sa bahay at iyong date talaga. Walang estorbo dati. Hindi katulad ngayon na kaharap mo na iyong date mo pero ang atensiyon nasa cellphone pa rin. Marami na akong nakikita ganyan lalo na sa mga park or mall.” “True. Kaya natuwa kami ng dumalaw dito sina JC at Dexter!” sang ayon ni Daniela. Nagsikuhan silang dalawa dahil busy na naman sa pagkwe-kwento ang kanilang mga magulang sa mga nakaraan nito. Nakakatuwa naman silang pakinggan at minsan kinikilig pa nga sila. “Dad, did you ever cheat on Mom?” Nica asked her Daddy Jonas. “Never. Ang tagal kong naghirap para lang mapasagot siya tapos sasayangin ko lang iyong pagkakataon na binigay niya? No way.” Kinilig naman si Jennylyn pero nagbiro ito. “Ang sabihin mo, magaling ka lang talagang magtago.” “Honey, kahit iharap mo sa akin iyong pinaka sexy sa buong mundo, ikaw at ikaw parin. ‘Di ba sabi ko sayo dati, sagutin mo lang ako at liligawan kita habang buhay.” Nabilaukan si Nica sa narinig sa ama. “Dad, hindi ko alam na ang cheesy mo pala noon.” “Makinig kayong dalawa sa akin, bilang isang lalaki. Ang kapogian at kayamanan ay kumukupas pagdating ng panahon. Lahat tayo ay naaagnas, pero ang pagkatao ang mga nagawa mo sa kapwa mo ay kailangan man hindi magbabago o mawawala. Kaya naman ang gusto kong makatuluyan niyo ay iyong lalaking, mataas ang respeto sa inyo, maganda ang pakikitungo sa kanyang magulang, at may takot sa Diyos.” Napatango-tango sila. “Bunos na sa amin kung mayaman din ang mapapangasawa ninyo, ang pinakamahalaga sa amin ay kung paano kayo alagaan ng lalaking piniling niyong mahalin, at nakikita kong magalang, marespeto, at bukod sa lahat, seryoso siya sayo Danica at kahit naman si Dexter ay ganoon din ang nararamdaman ko para kay Rabina.” “My favorite saying is by Nicholas Sparks; Love is like the wind, you can’t see it, but you can feel it.” “How do you know if you are in love?” biglang sabat ni Rhav. Nagkatinginan sila. “Hindi ka ba nagkaroon ng crushes man lang?” si Daniela na nagtataka na. “BTS?” “No, someone’s real naman, Anak.” “They are real, Mom. They do exist.” Natawa si Danica. “Naku, Tita. Huwag na po kayo makipagtalo sa BTS niya. May mga poster po yan sa silid niya.” “Should I get you a ticket to South Korea?” “For real?” “No.” Napabusangot siya. Naibaba niya ang kutsura. “Is it love, pag nasasakta ka pag nakikita mo siyang masaya sa iba? Is it love pag kinaya mong itago lahat alang alang sa happiness niya? Is it love kung duwag kang ipaglaban iyong feelings mo dahil natatakot kang mawala siya sayo?” Tiningnan niya ang mga ito isa isa sabay napabunghalit ng tawa. “Pwede na po ba akong maging artista? Ganyan ang linyahan ng isang korean drama na napanood ko eh.” Pinukol siya ng masamang tinigin ni Daniela. “Puro ka kasi K-drama at K-pop, kaya ang taas ng standards mo sa lalaki at hindi ka nagkakagusto sa iba dahil sa kanila. Anak naman, tatanda kang dalaga kung maghahanap ka ng katulad nila dito sa pinas kasi yong glass skin nila, ay oily face yan dito sa atin.” Mas lalong lumakas ang kanilang tawanan, napatingin si Rhav kay Nica habang tumatawa, napakurap siya dahil parang may liwanag ang mukha nito at slow motion habang tumatawa at napakaganda talaga nito. Napalunok siya ng maramdaman ang t***k ng kanyang puso. Tama na Rabina. Tama na. “Tama na!” hindi niya napigilang sigaw kaya napatigil ang lahat sa gulat. Natutop niya ang bibig at nag peace sign. “See? Ganitong ganito ang palabas sa K-drama,” palusot niya. Nabatukan siya ni Danica sa tabi dahil sa gulat sa kanya. “I’ll set dates for you, and that’s final, Rabina!” seryosong sabi ni Pancho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD