CHAPTER SIXTEEN: A DAY WITHOUT HER (BLIND DATE)

2461 Words
Walang imikan silang nakauwi sa kanilang condo unit. Nakatatak parin sa isipan ni Rhav ang bilin ng ama bago sila umalis, ito ay ang blind dates na ise-setup nito para sa kanya. “Pagbigyan mo nalang si Tito, bes. Total wala naman mawawala sa iyo, and for sure hindi ka ipapahamak ni Tito. Paniguradong may K din iyong makaka-date mo.” “Ano pa nga bang magagawa ko?” humarap na muna siya dito bago pumasok sa kanyang silid. “Good night.” “Good night, fighting!” Sumasakit ang ulo ni Rabina dahil sa ingay na nagmumula sa kanyang cellphone. Hindi naman siya nag set ng alarm, pikit matang kinapa niya ang cellphone na nasa ilalim ng kanyang unan at sinagot iyon. “Hello.” Napabangon siya bigla ng marinig ang boses ng ama. “Don’t bring your car to your office. I have set your date after your work, and he will drive you home. Behave yourself. Binigay ko na rin sa kanya ang phone number mo.” “Dad! Bakit naman agad agad? Hindi pa ako read-” “Kailan ka maging ready? Pag nasarhan ka na? Aba’y hindi ka na bumabata Rabina. Ready or not, makikipag-date ka. No more buts and excuses. Bye.” Napabuga ng hangin si Rabina matapos ang tawag. Kailangan na rin niya mag ayos para pumasok. Pagkatapos maligo ay dumeretso siya sa silid ni Danica. Wala ito sa sariling silid at wala din naman sa CR. Napansin niya ang note na nakalagay sa center table. Bes, hindi na kita ginising dahil mahimbing ang tulog mo. Hindi ako makakauwi mamaya dahil sasamahan ko si Mr. Zhun Xiao sa Baguio. Don’t skip your meal. See you tomorrow! Dati hindi siya naalarma kahit isang linggo itong mawala pag may business trip ang kanilang bossing pero ngayon kahit isang araw lang ay nababahala na siya. Iniisip niya tuloy kung kasama ba si JC sa Baguio. Mas lalong bumigat ang dibdib niya ng out of coverage ito. Kay rami na tuloy pumapasok sa kanyang isipan. “Rabina San Mateo, you are scaring yourself for nothing. It is just a day business trip, nothing else.” Gaya ng sinabi ng ama ay hindi niya dinala ang kanyang sasakyan, nag book na lamang siya ng grab papasok sa office. Kaagad na sinalubong siya ng tsimis sa loob, ano pang bago. Nakarating sa mga ito na hindi na pumapasok si Tom sa office, may ilan kasing inaabangan ito. Gwapo naman si Tom kung tutuusin, pangit nga lang ang ugali at manyak. Kaagad na hinanap niya si JC kung papasok ba ito sa office. Pag nakita niya ito sa loob ay doon lang siya mapapanatag. “Yes?” si Jinky. “Baka matunaw iyong office ni Sir JC, kanina ka pa nakatitig diyan.” “Wala pa ba siya?” “Oh, hindi mo alam? Naka-leave si Sir JC ngayon, may important matters raw eh.” Bumundol ang kaba sa kanyang puso sa narinig. “Alam mo bali-balita dito na baka mag propose na si Sir JC kay Miss Danica. Nakita nila kanina na kasama si Miss Danica ni Mr. Zhun at nakasunod ang kotse ni Sir JC!” kilig na kilig ito. “Teka... ‘di ba, mag best friend kayo ni Miss Danica? Bakit parang hindi mo alam?” “Ang chismosa mo, business trip lang kaya siya sumama sa Baguio. Lahat nalang ginagawan niyo ng issue. Hay naku!” “Oy teka, nasagap ko lang!” napabusangot si Jinky. Pumasok na siya sa loob ng kanyang office at nagpalakad-lakad. “Propose? Eh, hindi pa nga sila!” kausap niya sa sarili. Muli niyang idinial ang cellphone ni Nica pero nakapatay parin iyon. NAPALINGON si Nica sa sasakyan na sumusunod sa kanila dahil familiar iyon sa kanya. Malakas talaga ang kutob niya. Mukhang napansin naman siya ni Mr. Zhun Xiao kaya nagsalita na ito. “Yes, that is JC’s car following us. This is a great opportunity to introduce him to our clients since he will take over my position.” Alanganing napangiti si Nica. Hindi naman kailangan magpaliwanag nito sa kanya. “My son really likes you a lot. This is something he doesn’t want to do before, but now I don’t need to force him!” tumawa ito. “I am glad I sent our photos together.” Muli siyang alanganing napangiti but this time sumagot na siya. “JC is a great man. I think he has this aura to give positive energy to everyone surrounding him. He is just likable, and I can see his leadership in all aspects.” “I agree, and I am proud of him.” “So, when are we will gonna meet your family?” Napayuko si Nica. “JC and I are not yet in a relationship. We are still in the process of knowing each other more. We will make a date to meet my family in God’s perfect time.” “I understand.” Malapit na silang makarating sa hotel kung saan gaganapin ang kanilang business meeting ng maalala niya ang kanyang cellphone. Hinalungkat niya ang laman ng kanyang bag at hindi iyon nakita. Nakasuot siya ng pang corporate attirer, button-down, long-sleeved white shirt with a collar and Pencil skirts just a little above the knee. Natampal niya ang noo ng maalalang ipinatong niya pala iyon sa kanyang drawer at nakalimutan din niyang icharge iyon kagabi. “Is there any problem?” “I left my phone at home. But that’s okay; I have an iPad to use for my takeaway notes.” Tumango tango si Mr. Zhun Xiao. “We are here!” nakarating na sila sa The Manor at Camp John Hay kung saan gaganapin ang kanilang business meeting. Napakaganda ng lugar at paniguradong mag i-enjoy siya. May naka-book na ring room para sa kanya. Hindi lang iyon basta room kundi isa iyong Superior Room. Napaka presko din ng lugar dahil sa naggagandahang puno sa paligid at mga pine trees. Komplete din dito ng amenities mula sa gym, playground, swimming pools, may chapel at SPA. “This place is amazing,” si JC ng makababa sa sariling sasakyan. “Yes, hindi ko alam na sasama ka pala for today’s meeting.” “Actually, I just wanted to be with you!” ngumiti ito sabay kindat sa kanya. Napapailing nalang siya. “Samahan mo muna si Mr. Zhun, let me do my job first here.” “Of course, darling.” “JC!” Tumawa ito pero hindi na nito binawi ang sinabi at sinundan na nito ang ama para sabayan sa paglakad papasok ng hotel. Nakasunod lang siya sa dalawa habang bitbit ang kanyang tablet. Mainit ang pagsalubong ng mga staff sa kanila. Mararamdaman mo talaga na isa ka sa mga special na bisita ng hotel. Mamaya pa naman ang kanilang meeting kaya pwede muna siyang magpahinga sa kanyang room. Napahinto siya ng mapansing nakasunod siya sa mag ama habang binabaybay ang kanyang sariling kwato. Iyon pala ay magkakatabi lang ang kanilang silid. Lumingon sa kanya si JC at kumindat muli bago ito pumasok sa sariling silid. Napalundag siya sa kama ng makapasok. Kaagad niyang naalala si Nica kaya binuksan niya ang kanyang messenger para i-message ito. Nag picture din siya sa loob ng silid para ipadala iyon dito, sinubukan din niyang tawagan ito pero hindi iyon nag co-connect pati ang mga picture na sinend niya ay may error. Hindi pala siya naka connect sa Wi-Fi at hindi rin niya alam ang password ng Wi-Fi sa hotel. Inilapag na niya ang iPAd sa gilid para pumikit sandali. Maaga kasi siyang tinawagan ng kanyang bossing para sa one day business meeting. Ano kaya ang ginagawa ni Rhav sa mga sandaling ito. --- “You must be Rabina San Mateo?” Napalingon si Rhav ng marinig ang kanyang pangalan. Nasa labas na siya ng building habang hinihintay ang makaka-date niya. Paglingon niya ay nakita niya ang isang six footer na lalaki, matipuno, medyo mainit pero bumagay naman dito ang kulay. Napansin din niya ang makakapal nitong kilay at labi, pati na rin ang jaw lines nitong mala Derek Ramsey--in short para itong hollywood star sa tindig, ayos, at hitsura nito. “Yes.” Sumilay ang pilyo nitong ngiti. Mapuputi at pantay pantay din ang ngipin nito. “Hi, I’m Dreko, inaanak ako ng Daddy Pancho. Nagkita na rin tayo noon bago kami pumunta ng US. How are you?” Kinilatis niya ito ng mabuti. “I am good, pero hindi na kita maalala, eh. Pasensiya na.” “No, that’s fine. Matagal na rin naman kasi iyon, saan mo gusto pumunta or kumain?” Nagkibit-balikat si Rhav. “Ikaw ang bahala.” Naging kampante si Rhav dahil inaanak naman pala ito ng Daddy niya. Magkatabi silang naglalakad papunta sa kabilang kanto kung saan nakaparada ang sasakyan nito. “Bakit hindi ka nalang dumeretso sa building? Malawak naman naman ang parking lot sa harap.” “Dito na ako nag park para mas mabilis kitang makikita, somehow, naalala ko parin ang mukha mo noon.” “Cute parin ako ganoon?” Tumawa ito. “Yes and much prettier now.” “Awww, thanks!” Binuksan na nito ang BMW X7 na sasakyan nito, mas maganda ang model ng car nito kaysa sa kanya. Gamit niya kasi ay BMW X5. Parang same din sila ng taste pagdating sa sasakyan. “Nice car!” “Thank you. Just got this last month.” “I see,” inayos na niya ang seatbelt at nag send ng text message sa Daddy niya na kasama na niya si Dreko. Nakarating sila sa isang Korean restaurant. “Ninong Pancho told me na mahiling ka sa Korean so... I hope you like the food here.” “For sure!” napangiti siya ng pagpasok nila ay may mga poster ng BTS at mga figurines na naka display. May malaking Flat TV din sa gitna kung saan naka play ang mga kpop MTV kasama na ang BTS. Pwede rin mag request. Nasa kanang bahagi sila ng space para sa pandalawahang tao. Hindi rin nawawala ang lutuan sa gitna ng kanilang mesa para din siyang samgyupsal ang tema pero mas marami kang pwedeng pagpipilian, mula sa Korean ice creams, desserts, drinks, at ang unlimited kimchi nila ang pinaka-bet niya. Totoong nag enjoy siya sa pagkain, mukhang okay naman si Dreko. He looked professional too at madami ding alam. “What do you do for living?” tanong niya dito habang hinihintay maluto ang pork. “I am a doctor in the USA but our family decided to come back here for good. So right now, naghahanap pa ako ng hospital na mapapasukan. Ini-enjoy ko muna ang time ko habang wala pa. Alam mo naman ang isang doktor, always busy!” “Kaya ba hindi ka nakahanap ng love life?” Tumawa ito. “Parang ganun na nga? Oh, sunog na!” Kinuha nito ang sunog na bahagi ng port at ibinigay sa kanya iyong hindi. “Thank you.” “How about you? Bukod sa pagiging Architectural Graphic Designer may iba ka pa bang pinagkakaabalahan?” “Wala naman na, sa work lang talaga ako naka-focus.” “Well, ngayon may iba na,” pilyo itong napangiti. “I’ll be honest with you. Noong una, I am hesitant to go on blind dates pero dahil sa kakakulit ni Mommy napapayag ako. I mean, why now? Pero noong malaman ko na anak ni Ninong Pancho ang makaka-date ko, umu-oo ako kaagad at nag stalk ako ng kaonti sa account mo.” “Do you like me?” diretsang tanong niya dito, marami pa kasi itong paligoy-ligoy. “Yes. I like you.” She sighed. “Let’s go out for three more dates. Let’s see if may spark between us.” Naexcite ito sa narinig. “Sure! Hindi mo alam kung paano mo ako napasaya, Rabina.” “Chill, hindi pa kita sinasagot.” “I know, na excite lang talaga ako. Alam ko naman na doon tayo pupunta.” I wish. May dumaan sa gilid nila at aksidenteng natapilok ito at parang slow mo ang pagtapon ng dala-dala nitong tray ng pagkain. Mabuti nalang at bihon lamang iyon pero natapon parin iyon sa damit ni Dreko. Galit na napatayo ito at wala sabi sabing hinawakan nito sa kuhelyo ang lalaki ng makatayo. “I am sorry, madulas kasi ang floor,” nagtaas pa ito ng kamay. “P*tang ina mo, sa susunod tingnan mo ang daraanan mo ha? Huwag kang tatanga tanga.” Napangunot ang noo ni Rabina sa narinig mula kay Dreko. Kaagad na naturn off siya dito at siya ang nahihiya sa inasal nito. “I said, I am sorry.” Mas lalong napangunot ang noo niya dahil familiar sa kanya ang boses ng lalaking nakatapon ng pagkain dito. Umuwang ang bibig niya ng makita ito. “Jap? Is that you?” Napatingin din ito sa kanya at tiningnan niya mula ulo hanggang paa. “Rabina? Ikaw ba yan? Iyong kaibigan ni Nica?” “Ako nga!” Itinulak ni Dreko ng bahagya si Jap ay tuluyan na nitong pinakawalan ang binata. “It’s been a long time. How are you?” “I am good.” “She’s my date, dude!” kaagad na sabad ni Dreko. “If you will excuse us!” hinawakan na siya nito sa siko at kinaladkad palabas ng restaurant. “Ano yon?” kaagad na sita nito sa kanya. “Nakita mong ako iyong natapunan pero mukhang tuwang tuwa ka pa habang kausap iyong lalaki?” Marahas na napabuntong hininga sa Rhav at sinalubong ang tingin nito. “Siguro kaya single ako dahil takot ako sa ganitong eksena. And I am just so glad na nakita ko kaagad ang ugali mo. Nag sorry na iyong tao, hindi niya sinasadya, nakita mo namang nadulas siya , ‘di ba? And there you are, cursing and shouting sa loob, ako iyong nahihiya para sayo. Then, nalaman ko na kilala ko iyong tao pero binastos mo parin ng ganoon?” Para itong natauhan sa mga sinabi niya. “I am sorry—” “Nope. Hindi ito makakarating kay Daddy, pero wag ka ng umasang may susunod pa dito. Ngayon palang, itigil na natin to. Bye!” Kaagad na nagpara siya ng taxi at sumakay doon. Kumukulo ang dugo niya sa inis, akala niya naman iyon na hindi naman pala. Tumunog ang cellphone niya at si Dreko ang tumatawag, kaagad na pinatay niya ang cellphone. Malas lang ba talaga siya sa date? o talagang kahit anong gawin niya ay hindi natitinag ng mga ito ang kanyang puso? Pagpikit niya ay remihestro kaagad ang mukha ni Nica sa kanyang isipan. This girl... she’s what I want for the rest of my life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD