Kanina pa nakatitig si Danica sa mga nagtataasang pine trees sa paligid ng hotel. Katapos lang ng meeting kung saan tahimik lamang siyang nakaupo sa tabi ni Mr. Zhun Xiao habang nagti-take note ng mga importanteng detalye.
Napaigtad si Nica ng may naglagay ng jacket sa kanyang balikat at maingat na inilapat iyon sa kanyang likuran. Saktong sato dahil nanlalamig na rin naman siya.
“Thank you,” inayos niya ang jacket na bigay nito. Tumayo na man ito sa kanyang gilid habang nakatago ang mga palad sa bulsa ng pantalon nito. “You are cold, why not go back to your room first? At least doon may heater.”
“I always wanted to be with you. Now that I have this chance, I don’t want to go anywhere without you now.”
Nag iwas ng tingin Nica kay JC at muling tinitigan ang mga puno sa paligid.
“Why do you like me this much?”
“You are my dream. Oh, can’t you see how much that I need you?”
Umiling si Nica.
“You are my dream. Oh, can’t you see?”
Napangiti na si Nica at seryosong angpatuloy si JC.
“I can never explain how much I love you. I will do anything you want me to, and I’m going to really prove that it’s true.”
Napangunot na ang noo ni Nica at napatingin kay JC.
“Why does it sound so familiar to me?”
Tumawa si JC sa sinabi niya. “When I look in your eyes--”
“There’s nowhere to hide. I feel your love with no disguise!” agaw ni Nica sabay irap kay JC pero napapangiti siya.
“Oh, you knew it!”
“You are my dream by Bambee. She’s an amazing singer, napapa-indak din ako sa tuwing naririnig ko ang kanta niya noon.”
“Same here. I guess we meant for each other. And this is good timing for us to talk more about ourselves because Dad will not mind if we hang around. By the way, did you already message Rhav?”
Umiling siya. “I tried, but there is an issue with the Wi-Fi connection right now. I already asked the staff earlier, and they are currently calling their ISP.”
“I see. She’ll understand, makikita din naman niya siguro iyong phone mo when she gets home.”
“I hope.”
Inilahad ni JC ang mga kamay sa kanya. “Walking hand by hand is always been my dream. Can you make my dream come true?”
“Ang galing mo sa linyahan,” napatingin siya sa mga kamay ni JC na noo’y napapansin niyang nanginginig na. Paano hinubad nito ang jacket kaya naka-plain white T-shirt nalang ito. Tinanggap niya ang mga palad nito para bigyan rin ito ng init kahit paano. “Just to help you out. I can see your hands are shaking.”
“What to do? My body is now shaking too. Can you hug me?”
“Asa ka.”
Ngumiti lang si JC at nagsimula na silang mag lakad-lakad. Tinawag ni JC ang isang crew para kunin ang sasakyan niya.
“Where are we going?”
“We are going to Burnham Park to buy strawberry taho.”
“They offer strawberry taho here.”
“Shhh, it is more delicious at the park. Believe me.”
“Gusto mo lang talaga akong masolo.”
“Busted!” lumabas ang pantay pantay nitong ngipin at ang marahang paghigpit ng hawak nito sa kanyang mga kamay. Akala niya ay ito ang magmamaneho sa kanila pero hindi pala. Pinakausapan nito ang isang crew na maging driver nila. Ayaw na kasi nitong bitawan ang kanyang mga kamay, hindi naman siya nagreklamo dahil magaan naman iyon sa kanyang pakiramdam at naging kumportable siya.
Ito pala ang feeling na may isang lalaking nakahawak sa kamay ko. Nakaka-excite ang dating, para lang akong nasa paaralan at nagtutuklas ng mga bagay na bago sa akin. Pero ito na nga ba ang pagmamahal na matagal ko ng gustong maranasahan? Napapasaya niya ako. Magaan ang loob ko sa kanya, at napakabuti niya sa akin.
“Have you eaten strawberry taho before?”
“Yes, we always visit here before because of the cold climate temperature pag sobrang init na sa Manila.”
“I see!”
“Can you speak Tagalog all day?”
“If you could teach me. Why not?”
“Nakakapag salita ka nga ng Japanese at Spanish, eh.”
“Sorry, nasanay lang siguro talaga. I’ll speak tagalog pag kaya ko naman.”
“That’s better.”
“Oh, ikaw naman ang nag i-english!”
“Okay, sige, hindi na.”
Pagkarating nila sa park ay nag abot ito ng kaonting tip sa driver para pambili din nito ng pagkain o kung ano pa man habang hinihintay sila. Malawak ang Burnham Park at nakakailang beses na rin sila nadalaw sa lugar kasama ang pamilya at ni Rhav. Napatingin siya dalawang batang babae na masayang naghahabulan habang sinasabihan ng ina na huwag masyadong lumayo. Naalala niya tuloy ang kanyang best friend, ang habolan ang madalas na laro nila noong mga bata pa lamang sila.
Matagal na panahon na ang lumipas pero parang kailan lang iyon pag naaalala niya. Parang naririnig din niya ang boses nito sa paligid. Likas na rin talaga sa mga pinoy ang family bonding kaya marami-rami din ang nag pi-picnic sa tabi tabi. May nakalatag na sapin at mga baon na pagkain.
“Look at them, they are genuinely happy, and that is something money can’t buy.”
“I agree. Rhav and I used to come here,” itinuro niya ang isang spot kung saan nakatayo sa gitna ang naggagandahang mga puno at halaman, napapalibotan ito ng pabilog na semento bilang harang na pwede na ring maupuan.
“Ang saya ng childhood niyo ni Rhav.”
“She’s my favorite person aside from my family. She’s sweet smile, cares, and love shaped me for who I am today.”
“I envy her,” anito habang nakatingin sa mga batang naghahabolan sa kanilang unahan. Binitawan na nito ang kanyang mga kamay pero hindi para tuluyang bitawan iyon kundi para lang iharap siya. Maingat na hinawakan nito ang kanyang mga balikat at tinitigan sa mga mata. “Alam ko na late na ako sa buhay mo at nahihirapan kang tumanggap ng iba dahil okay na kayo but believe me, masarap ang mayroong isang tao na makakasama mo habang buhay, iyong taong tulad ko, mabibigyan ka ng isang pamilya. Marami ng babaeng takot mag asawa and they preferred being single for the rest of the lives and I am hoping you are not one of them. I’ll show you the beauty of being into a relationship. I will love you for the rest of my life, Danica.”
Naramdaman niya ang pagiging totoo nito sa mga binitawang salita. Bakit nga ba siya nag dadalawang-isip pa? Nandito na iyong lalaking okay sa kanya, approved kay Rhav sa pamilya niya. Bakit parang kulang pa rin, dahil siguro hindi siya naka focus kay JC, ang love naman siguro is along the way at hindi agad agad mag bo-bloom. Hindi talaga para sa kanya iyong love at first sight na lagi niyang nababasa sa mga pocket book o di kaya sa mga movies. Iyong pakiramdam na laging sinasabing titibok ng malakas ang puso mo pag kasama ang lalaking mahal mo. Iyong kalse ng kilig na para ka raw nasa alapaap. Siguro pag naging sila ni JC doon niya maramdaman ang mga iyon.
Huminga siya ng malalim. “I want to be honest with you, JC. Sa ngayon, hindi ko pa talaga nararamdaman iyong love, or hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ng isang taong nagmamahal. Pero isa lang ang sigurado, gusto kita dahil mabait ka, maalaga, matulungin, at gusto ka ng lahat ng taong nakapaligid sayo. Alam mo yon ang gaan mong kasama, kahit ang taas mo, hindi namin nararamdaman ang level mo kahit maikli lang ang pasensiya mo nagagawa mo paring ibaling ang atensiyon mo sa iba para hindi ka sumabog ng tuluyan.”
“You are observing me all along!”
“Yes, I have to.”
“I am willing to wait for you, Nica.”
“Let’s date for real now, JC--as a boyfriend and girlfriend.”
Ilang segundo ding napatitig sa kanya si JC bago nag sink-in sa isip nito ang sinabi niya at wala sabi-sabing binuhat siya nito at inikot-ikot. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid kaya nahihiyang napayuko na lamang siya.
“Put me down, nakakahiya!”
“She said yes to me. She’s my girlfriend now!” masayang pang aanounce nito sa mga tao. Napatakip na lamang siya sa mukha habang nag ko-congrats ang mga ito sa kanila.
“You don’t have any idea how much I am happy right now. I love you, Danica.”
Napangiti lamang si Danica sa sinabi ni JC at marahang tumango. Isang araw masasagot din niya ang i love you nito.
“Manong pabili mo ng strawberry taho,” tawag pansin nito sa mamang maglalako. “Dalawa po.”
Pinagmasdan niya lang si JC habang inaantay ang order nito.
“Ang ganda po ng girlfriend ko, ‘di ba po, Sir?”
Napatingin sa kanya ang tindero ang nag thumbs up pa ito. “Approve na approve, Sir. Pang universe!”4
“Bagay po ba kami?”
“Bagay na bagay!”
“Dahil po diyan, may bunos ako sa inyo. How much is your total earning if this will be sold out?”
Napakamot ito sa ulo. “Nasa 3K po, sa dalawa na,” sagot nito. Dalawa kasi ang binubuhat nito at may kahoy lang sa pagitan para i-balanse ang kanyang paninda.
“Sige po,” lumapit sa kanya si JC at binigay ang isang order. “Ano sa tagalog iyong, I will buy all?”
“Pakyaw.”
“Okay,” bumalik na ito kay Manong. “I will pakyaw all po, Sir. Then give it for free to anything who wants strawberry taho.”
“Hala, naku! Sir, hindi mo naman po kailangan gawin ito!” pero maluha-luha na si Manong sa saya lalo na at inabutan siya ni JC ng limang libong peso. “Nakakahiya naman po at sobra po iyong bayad ninyo.”
“Sa iyo na po iyan, Sir. It is not easy to carry these things all day. Tanggapin niyo na po ito.”
“Tanggapin niyo na po, Manong. Hindi ka po niyan titigilan hangga’t hindi ka po niya napa-OO.”
Tinanggap ni Manong ang perang iniabot ni JC at labis itong nagpasalamat. Nakaramdam siya ng pagka-proud dito. He is really something, hindi naman siya isang public servant pero handa itong tumulong ng walang hinihinging kapalit or posisyon.
“Maraming salamat po, Sir, Ma’am. Ang Diyos na po ang bahala sa inyo.”
“Walang anuman po iyon, Manong. Ang mahalaga, makapagpahinga po kayo kahit papano.”
Lumapit na sa kanya si JC at pinaupo siya sa semento habang ini-enjoy nila ang strawberry taho ni Manong. In fairness, masarap iyon ay mukhang hindi tinipid. Napangiti sila ng makitang marami ng lumalapit kay Manong para sa pa-libreng taho.
“Those smiles are more than enough for me as their payment. Look at him. Can you see the hope on his face?”
Napatitig si Nica kay JC.
“You are the reason for their smiles, and those hope you see in their faces. I was amazed at how you see beauty in other’s life.”
“So, naiinlab ka na sa akin?”
Natawa si Nica at pinagpatuloy nalang ang pagkain ng taho. Pagkabalik nila sa hotel ay kaagad naman silang sinalubong ni Mr. Zhun Xiao dahil nagpahanda na ito para sa kanilang dinner. Masayang pinag usapan nila ang mga proyekto ng kumpanya at ang pagmamabutihan nilang dalawa. Nagpaalam na siya kaagad sa mag ama na magpapahinga na siya ng maaga pagkatapos ng kanilang dinner, pero bago siya makapasok sa loob ng silid ang muli niya munang kinausap si JC.
Nakatayo sila sa labas ng kanyang room dahil inihatid siya nito sa loob. Mamaya-maya pa raw kasi ito matutulog, binigyan niya rin ng space ang mag ama para makapag-usap ng matagal.
“Can we keep this a secret for now, please?”
Naguluhan si JC sa sinabi niya. “Why?”
“Ayaw ko lang mabigla si Rhav at sinagot kaagad kita. Sasabihin ko sa kanya sa vacation namin. May two days vacation kami this Friday and Saturday, so...”
“I understand. Saan naman kayo pupunta?”
“Somewhere in Batangas.”
“Just the two of you?”
“Yes.”
Marahang tumango si JC. “Okay.”
“Thank you, good night.”
Hinawakan ni JC ang mga kamay ni Nica bago pa man siya makapasok sa loob. Ginawaran siya nito ng halik sa pinsge. “Good night.”
Nadama niya ang pisnge pagkapasok niya sa loob ng kwarto at dinama ang kanyang dibdib. Hinahanap niya ang kilig, iyong para mabibinge ka sa sobrang kaba, iyong parang may paru-paru sa iyong tiyan para lang madismaya. Ibinagsak niya ang sarili sa malambot na kama.
“Abnormal ba ako?” napabangon siya at patuloy na kinausap ang sarili. “Manhid na ba ako?”
Muli niyang kinuha ang tablet at muling sinubukan ang kumu-connect sa internet. Napaayos ang upo niya ng sa wakas ay connected na iyon. Sunod-sunod na tumunog ang kanyang messenger at galing iyon kay Rabina.
Natawa siya ng makitang naka-selfie na ito kasama ng kanyang cellphone pati ang note na iniwan niya sa center table. May selfie din ito sa silid niya, sa banyo niya.
Where are you? I miss you here, already.
Iyon ang last na mensahe nito. Offline na ang status nito pero sinubukan niya paring tawagan. Ibaba na niya sana ng sumagot ito sa kabilang linya.
“Hi, bes! Sorry nawalan kasi ng Wi-Fi dito kanina kaya hindi nag send ang mga messages ko at naiwan ko rin ang cellphone ko sa kwarto. Kumain kana ba ng dinner mo?”
Tahimik lang sa kabilang linya. Maya-maya pa ay nag request ito ng video at inaaccept niya iyon. Wala ito sa screen kaya nangunot ang noo niya.
“Bes? Are you there?”
Bigla itong bumulaga sa screen. “Ay putek! Bes naman!”
Malakas itong tumatawa sa kabilang linya. Naka-towel pa ito naglalagay ng night cream sa mukha nito.
“Are you okay out there? Kumusta naman ang naging meeting niyo?”
“Okay, naman, as usual.”
“Great, si JC, okay naman kayo diyan?”
Tumikhim siya. “Yeah, we are good. Ahm, pinuntahan namin kanina iyong Burnham Park, wala paring pinagbago.”
“Talaga? Nice naman kung ganoon. Kayo lang dalawa?”
“Yes... kami lang dalawa...”
“Okay, nag enjoy ka ba?”
Marahan siyang tumango. “Yes, malamig kasi dito kaya nakaka enjoy ang maglakad-lakad. Ikaw anong ginawa mo buong araw?” pag-iiba niya ng topic.
“Ayon, nakipag-date ako kanina. Naaalala mo ba so Dreko? Iyong batang lalaking pumupunta lagi noon sa bahay tuwing pasko?”
“Iyong minsan ko ng nasapak?”
Tumawa si Rhav sa kabilang linya. “Siya nga! So, siya iyong naging date ko kanina at isa na pala siyang doctor ngayon.”
“Nice, did it go well?”
Napabuntong hininga ito at nag thumbs down.
“Oh... better luck next time, paniguradong may susunod ka pang date niyan.”
“I met Jap again pero dahil na buset si Dreko sa kanya kaya hindi na kami nakapag-usap ng mabuti.”
“Why? What happened?”
Ikwenento lahat ni Rhav ang nangyari sa kanyang date dito hanggang sa nakatulugan nalang nila ang isa’t isa. Nakatulog si Nica ng may ngiti sa kanyang mga labi.