Nasa harapan nina Danica at Rabina ngayon si Mr. Zhun Xiao at si JC. Malugod na tinanggap nila ito sa kanilang beach house. Puro puri ang inabot nila dahil sa ganda ng kanilang lugar at ang mga painting na iginuhit mismo ni Rabina. “I am glad na naging okay kayong dalawa. Alam niyo, hindi naman ako galit sa inyo at pinaliwanag na sa akin ni JC ang lahat kaya hindi na ako nag tangkang sundan at guluhin kayo. But, I am sorry. I was the one behind the article before. May tao akong binayaran para hanapin at sundan kayo,” pang aamin nito. Napayuko si Danica. “Naiintindihan po namin. Nagawa niyo lang naman po iyon dahil nasaktan namin si JC at umalis ng walang pasabi. I am sorry, Sir. Sorry sa lahat ng ginawa namin na labis na nagpa-apekto sa inyo. Hindi ko na kasi naisip ang lahat ng mga san

