Panay ang dasal ni Rabina na sana magiging okay ang kanyang Daddy Pancho. Sisisihin niya ang sarili niya pag may masamang mangyari dito. Masakit lang dahil hindi na sila pinapasok nina Daniela at Jennylyn sa loob kaya naghihintay lang sila sa labas ng emergency room. Ilang minuto pa ang lumipas lumipas ay lumabas na si Daniela. “Mom, kamusta na po si Dad?” “He is fine. Tumaas lang ang dugo niya at kahit ang anong gawin kong pilit ay ayaw niya pa ring humarap sa inyo. Pagpasensiyahan mo na anak. Pero hindi pa ngayon ang tamang oras para kausapin ninyo siya. Huwag kayong mag alala, kinakausap ko naman siya tungkol sa inyo at nakikita ko namang palambot ng palambot na siya.” “Thank you, Mommy,” pinahid ni Rabina ang luha at tumalikod na. Nagpaalam naman si Danica at tumakbo pasunod sa kan

