Kabado sina Rhav at Nica habang lulan ng sasakyan pabalik sa Manila. They finally decided to face their parents. Isang taon na rin naman ang lumilipas. Siguro naman napatawad na sila. May dala silang bulaklak at malalaking Pizza. Isa din sa nag encourage sa kanila ay sina Dexter at JC. Kahit gaano ka pa ka-success sa buhay kung galit ka naman sa magulang mo or hindi okay ay parang may kulang pa din sa pagkatao mo. Kahit ano pang nasabi o nagawang pagkakamali ng isang magulang, hindi mababago ang katotohanang utang mo parin ang buhay sa kanila. Naalala din bigla ni Rhav ang sermon ng pari nung nagsimba sila. Huminga sila ng malalim ng palapit na sila sa kanilang bahay. Nag doorbell siya sa bahay nina Nica. Bumakas iyon at iniluwa si Jennylyn. Naiyak si Nica ng makita ang ina at kaagad na n

