CHAPTER NINETEEN: DOUBLE TROUBLE DATE

2461 Words
“Rhav? Are you alright? Why are you crying?” nag aalalang boses ni Dreko ang nagpagising kay Rhav. Kaagad na pinahid niya ang mga luha at iniwas ang paningin sa sasakyan nila Nica na noo’y naunahan na sila. “Wala ito, bigla lang pumasok sa isip ko sina Daddy at Mommy, alam mo na—mag-isa lang ako. Nakakalungkot isipin na darating din iyong time na kailangan magkaroon na tayo ng sariling pamilya.” “That’s normal to have a family on your own. Don’t be too sad, dahil hindi naman sila mawawala kahit may sarili ka ng pamilya. Everthing will be alright.” Marahan lang siyang tumango dito at inayos na ang sarili. Alam naman niya talaga ang bagay na iyon, naghahanap lang siya ng palusot kung bakit siya naiyak kanina. “Ang bilis mag maneho ni Danica, ah? Tingnan mo naunahan na tayo.” Mas binilisan nito ng kaonti ang pagmamaneho, pero kumanan na si Nica kaya napabagal ang pagpapatakbo ni Dreko habang sumusunod dito. Maya’t maya pa at huminto na ang sasakyan nila sa tapat ng Golden Cuisine. Kimikinang ang 3 storey building na iyon na animo ginto. At proud siya dahil sila ang gumawa ng proyekto. Napatingin siya sa kabuuan at masasabi niyang ang galing talaga ng kanilang company. Nakaukit pa sa gilid ang XBC bilang signature nila. Nakita niyang nakahawak si Nica sa mga braso ni JC habang hinihintay sila. Pagbaba niya ng sasakyan ay kaagad siyang lumapit kay Dreko para umangkla dito gaya ng ginawa ni Nica kay JC. Nagulat din si Dreko sa ginawa niya dahil kanina lang sinabi niyang hindi siya comfortable pero ngayon heto at nagpapanggap siyang linta. Nagngitian lang sila ni Nica at nauna na ang mga itong pumasok sa loob. Kaagad naman silang sinalubong ng mababait at magalang na crew. Mula sa mesa, chairs, and utensils ay puro gold theme. Pinangatawanan nga nito ang pagiging golden. “Hey, John Carlo! Is that you?” Napalingon kami sa boses na iyon at tumambad sa amin si Jap. Nakita ni Rhav ang pagiba muli ng aura ni Dreko at nahalata niyang nagpipigil lamang ito. So, kilala pala ni Jap si JC? Kung sabagay, kaibigan ito ni Dexter kaya hindi malabong mangyari iyon. “Jap!” pinagdikit ng dalawa ang kamao. “Hey bro, when did you come back?” “Last week!” masayang bati nito at napatingin kay Danica. Pilit nitong kinikilala si Danica at napabaling ang tingin kay Rhav at Dreko. Napaawang bibig nito. “No way! No way!” manghang sabi nito sabay turo kay Nica. “Danica Valdez?” “Yes, it’s me Jap. How are you doing?” “Good. Good.” Inilahad nito ang palad na malugod namang tinanggap ni Nica sabay tingin kay JC. “Bro, I can believe this, do you know that she’s my first love?” Kaagad na hinapit ni JC si Nica, sa gulat ni Rhav ay napahigpit ang kapit niya kay Dreko kaya medyo napa-aray ito. “Bro, she’s mine now.” Tumawa si Jap at muling nakipag-kamay kay JC. “Daddy!” Napalingon sila sa isang batang nakabusangot ang mukha. Kaharap nito ang isang mestisang babae at kasalukuyang buntis ulit. Ginantihan lang nila ito ng ngiti ng ngumiti sa kanila ang babae. “Yes, baby. Daddy is coming!” ani Jap at muling humarap sa kanila. “It’s nice to see you, Rhav, and Danica. Let’s catch up some other time. And man, sorry about yesterday! It was really just all accident!” inilahad nito ang mga palad kay Dreko na tinanggap naman nito. “Bueno, gusto ko pa sana makipag-kwentohan sa inyo, pero kailangan na ako ng junior ko. Alam niyo na!” sabat kindat sa kanila. Dumeretso na sila sa second floor kung nasaan ang kanilang table. Naka-focus ang tinging ni Rhav sa mga kamay ni Nica. “Ouch...” si Dreko. Napatakip siya sa bibig at nabitawan ang braso nito. “Sorry!” Tumawa si Dreko at muling kinuha ang kanyang kamay para kumapit muli siya sa braso nito. “I like strong woman.” Magkatabing naupo sina Nica at JC habang nakaharap naman sina Rhav at Dreko. Nakahanda narin ang wine sa mesa nila. Akmang kukunin iyon ni Rhav ng maunahan siya ni Nica. Pinuno nito ng wine ang wineglass at ginawa nitong parang tubig lamang iyon. Nagulat siya sa inakto ng kaibigan. “Beshy?” Ngumiti ito sa kanya. “Nauhaw lang talaga ako.” “You should have told me. Para makuhaan kita ng water.” Napataas ang kilay ni Rhav dahil may halong tagalog na ang salita ni JC. “I am fine. The wine is nothing,” akmang magsasalin ito ulit pero naagaw na ni JC ang bote mula dito. Napatayo si Rhav at umikot para hawakan si Nica sa braso at pinatayo ito. “Excuse us.” Dinala niya si Nica sa ladies powder room. Napasandal ito sa dingding ng makapasok. “Nica, what is wrong with you? Kanina ko pa napapansin ang kakaibang kilos mo.” Umiling si Nica at nakatingin lamang sa salamin sa harapan. Ang totoo, hindi rin niya alam ang kanyang ginagawa, ang kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Naiinis siya ng walang dahilan, naiirita siya at nagagalit. “Mayroon ka ba ngayon?” muling tanong ni Rhav. Napaiyak si Nica at mahigpit na napayakap kay Rhav. Mahigpit na mahigpit. Hinayaan lang siya ni Rhav hanggang sa tumigil siya. Kumuha si Rhav ng tissue at siya na mismo ang nagpahid ng luha sa mga mata nito. “Kung ano man ang pinagdadaanan mo, nandito lang ako. Hindi porke’t may nakaka-date na tayo ay may magbabago sa atin. Of course not, ako pa rin ang best friend mo.” “Sows, may palihim-lihim ka na nga sa akin eh!” ngumuso si Nica. Hinila siya ni Rhav papunta sa sink at hindi nito pinansin ang sinabi niya. “Look at yourself. You look a mess. Maghilamos ka na muna then I’ll put make up for you.” Kaagad naman niya itong sinunod. Inilabas ni Rhav ang lipstick, powder sa kanyang sling bag na laging dala. May maliit din siyang suklay doon. “Tell me, what’s happening to you?” muling tanong niya habang inaayosan ito. Kung tutuusin napaka-basic lang ng retouch nila. “Ikaw naman talaga ang dahilan kung bakit ako dumalaw sa office kanina,” pang aamin ni Nica. Napahinto sa paglagay ng powder si Rhav sa kanyang mukha. “Kaya lang nakita kong may sumundo sa’yo. Hindi ko naman kasi alam na may date ka pala today at nakita mo rin ang sasakyan.” Nakatitig pa rin si Rhav sa kanya. “Iyan ba ang rason kung bakit ka umiiyak?” “Hindi ko alam sa totoo lang. Pero naiinis ako ngayon, siguro nga tama ka, baka mood swings ko lang ito.” Muling ipinagpatuloy ni Rhav ang paglalagay ng powder sa mukha niya at sumunod ang lipstick. Pati ang buhok nito ay kinarer niya na rin. “May mga bagay na bago sa atin, nakaka-surprise lang. Pero magiging okay din ang lahat, masasanay din tayo na may ibang tao na mga buhay natin,” pilit na ngumiti si Rhav at iniangat ang mukha ni Nica. “You are always be my favorite person in this world.” Tumango si Nica at mahigpit na niyakap siya. “Hindi na kita nagupitan. Gupitan kita bago tayo mag bakasyon.” Tumawa si Rhav. “Sige, ikaw ang bahala. Are you now, okay?” Nica nodded and kissed her cheeks. “Thank you, beshy.” Natulala si Rhav sandali dahil sa bigla at nararamdaman niya parin ang mainit na labi nito sa kanyang pisnge. Nagba-blush din siya! Napatingin siya sa mga kamay ni Nica, ito naman ngayon ang humihila sa kanya palabas ng powder room. Parang walang ibang tao sa paligid nila, iyong sila lang dalawa sa kawalan. Iyon ang pakiramdam niya ngayon at kung maari lang na hindi na maghihiwalay ang kanilang mga kamay. Kung pwede lang huminto ang orasan sa mga sandaling ito. Kung pwede lang sumigaw at sabihin ditong mahal na mahal niya ito. Na ito ang taong sinisigaw ng puso niya. Kung pwede lang... “Bes? Hindi ka pa ba uupo?” Napakurap siya. Nakabitaw na pala sa kanya si Nica at nakaupo na ito sa tabi ni JC. Napatingin siya sa bakanteng upuan sa tabi ni Dreko at nahihiyang napaupo doon. Nakahanda na rin ang mga pagkain sa kanilang mesa. “Girls, enjoy the food!” nakangiting sabi ni JC. “I hope you have fixed the issues already?” Marahang tumango sina Rhav at Nica at napangiti sa isa’t isa. “Good! You can also try their special gold ice cream.” “Wow! They are so serious about gold here!” bulalas ni Rhav. “This place is owned by Mr. Fin Xi—a gold collector. No doubt that the theme of this restaurant is all about gold that made the restaurant unique!” sabad ni Dreko. Kilala ni Rhav ang tinutukoy nito dahil naging kleyente nila iyon pero hindi niya akalain na collector din pala ito ng mga gold. Italian, Japanese, Chinese, Indian and American foods ang available sa Golden Cuisine, ang she was surprised ng malamang hindi sila pwede pumili ng food. Nag iiba iba ang mga pagkain na nakahain araw araw, depende sa mood siguro ng mga chef. Inilapag ni JC ang Pasta Carbonara sa harapan ni Nica. Alam niyang magugustuhan iyon ni Nica, isa sa favorite nito ay ang Carbonara. Habang lpinili naman niya ang Mushroom Risotto, Pasta Carbonara din ang kay Dreko, habang Pasta Con Pomodoro E Basilico naman ang kay JC. Italian dish kasi ang unang naka-served sa kanila. Nagsimula na silang kumain at napatango-tango sila dahil sa sarap. Maliliit at onti lang ang serving per plate kaya naubos kaagad nila. May mga crew na nasa malapit lang para kunin ang mga empty plate sa kanilang mesa. Pag angat ng mukha ni Nica ay may white sauce pa ito sa gilid ng mga labi nito. Parang slow motion sa paningin ni Rhav ang pag dila nito sa gilid ng labi para kunin ang nagkalat na sauce. Napaubo siya kaya kaagad naman siyang binigyan ng juice ng isang crew. “Thank you.” Bawat dish ay may nag i-explain to describe the ingredients of the food. Isa raw iyon sa paraan nila para makaiwas sa allergy ng kanilang mga customer. “This is an Indian food called Kofta, meatballs that were usually made with minced lamb or pork, onions, and spices.” Inilapag sa table nila ang tigda-dalawang meatballs. “Next is Kebab, a popular Punjabi cuisine, and Lamb vindaloo, a spicy curry featuring meat marinated in a tangy vinegar sauce.” Napatango-tango sila. “Lastly, is authentic Indian Butter Chicken.” Umatras na ang mga ito pagkatapos ilapag ang lahat ng pagkain sa kanilang mesa at nilagyan din ng bagong wine ang gitna. Sinalinan din ang kanilang mga baso. Pakiramdam nila ay nasa isang palasyo sila at pinagsisilbihan lahat. Nag thumbs up si Nica sa kanya, napangiti siya dito at tumango-tango din. Mukhang sanay na sina JC at Dreko sa mga ganoong klaseng lugar. Sila kasi pag may okasyon lang or pag trip nila. Afford naman nila, pero mas nanaig lagi ang pagiging praktikal kaya sa KFC sila laging bumabagsak. Hindi nila lubos maisip na ubos nila ang lahat ng dishes sna inihain sa mesa nila. Pag labas nila ng Golden Cuisene ay nakahinga ng maluwag si Rhav. “Hooh! That was fantastic!” bulalas niya. Wala na sina Jap pag baba nila sa first floor. “Mabuti naman at nagustuhan niyo ang pagkain,” masayang sabi ni JC. “Dreko...” Napalingon sila sa isang crew na luhaan habang nakatitig kay Dreko at ang pagbaba ng tingin nila sa umbok nitong tiyan. Tumingin din ang crew kay Rhav at wala sabi-sabing nilapitan sila para sabunutan siya. Kaagad naman na nakahaang si Nica at pinigilan ang pulsuhan nito sa paghatak sa buhok niya. “Miss let go. You are pregnant, baka kung anong mangyari sa baby mo!” si JC. Natauhan naman ang babae kaya binitawan na nito ang buhok ni Rhav habang parang natulala naman si Dreko sa kinatatayuan nito. Umiiyak na napaupo ang babae sa semento. “Paano mo nagawa sa akin ito? Ano pa ba ang dapat kong gawin para paniwalaan mong ikaw ang ama ng batang ito? Ang sama sama mo. Iniwan ko ang lahat para sa iyo, tinalikuran ko ang lahat at ito ang ang igaganti mo sa akin?” Manghang napatingin si Rhav kay Dreko at inis na hinawakan niya ito sa damit nito. Kahit busog na busog pa siya. “Sagotin mo ang tinatanong niya!” Huminga ng malalim si Dreko. “Papanagutan ko ang bata, but don’t expect me to live with you dahil hindi kita mahal Lesley.” Tumingin ang tinawag nitong Lesley kay Rhav. “Dahil ba sa kanya? Siya pa ang ipinagpalit mo sa akin?” “Oo siya ang gusto ko.” Muli itong tatayo para sana sugurin siya but this time si Dreko na ang humarang. “She’s not my girlfriend yet. Please stop Lesley, huwag nating ipilit ang mga sarili natin sa isa’t isa dahil lang sa bata. Pakawalan mo na ako, please!” “No, Dreko. Hinding hindi!” Itinaas nito ang kamay at akmang sasaktan nito ang tiyan, mabuti nalang at muli itong napigilan ni Nica. “Please lang, Miss. Huwag mong idamay ang bata.” Nakakaagaw na rin sila ng atensiyon kaya pumagitna na si JC. “Dreko, be a man. Mag usap kayo ng mabuti hindi iyong aalis ka nalang ng basta basta, kami ng bahala kay Rhav.” Lumapit si Rhav kay Lesley at niyakap niya ito. “Don’t hurt yourself, pag usapan niyo itong mabuti.” “I am sorry.” nahihiyang napayuko ito sa kanya. Tinapunan niya ng matalim na tingin si Dreko bago siya sumunod kay Nica papuntang sasakyan nito. Hindi na rin nagtangkang pumigil si Dreko sa kanya. “Beshy, are you okay?” nag aalalang tanong ni Nica sa kanya. Niyakap siya nito at marahang na tinatapik nito ang kanyang likuran. “Everything happens for a reason. At least ngayon pa lang nalaman mo na may nabuntisan na pala siya.” “I am okay,” totoong sagot niya dito. Sa totoo lang hindi naman siya affected sa nalaman. Parang naging way pa iyon para magtapos ang kanilang ugnayan. “Are you sure?” “Yes, one hundred percent sure.” Pumasok na sa loob si JC at ito ang magiging driver nila. May dala dala na itong tatlong bote ng beer at binuksan gamit lamang ng singsing nito. Tinanggap naman nila iyon. “Cheers?” “Cheers!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD