Pagkarating nila sa unit ay kaagad na niyakap ni Nica si Rhav. Akala talaga nito nasaktan siya ng malamang niloloko siya ni Dreko. Kung tutuusin di pa naman siya nito naloloko, papunta palang doon. Siguro naghanap lang ito ng timing para sabihin sa kanya na naka-buntis ito ng iba, or wala na talaga itong balak magsabi. Kahit ano pa man, wala na siyang pakialam doon.
Natatawa na lang siya kay Nica dahil todo asikaso siya nito, kinuha pa nito kaagad ang sling bag niya at binigyan siya ng tubig.
“Bes, I am okay. One hundred percent fine.”
“Nangigigil ako sa Dreko na iyon! Akala mo ang tino tino na, tapos tumakas pa sa responsibilidad! Naku, talaga.”
Muli siyang napangiti dahil ito ang mas apektado. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at ang Daddy niya ang tumatawag. Nalaman na ba nito kaagad ang nangyari? Ang bilis naman!
Umupo na muna siya sa sofa habang minamasahe ni Nica ang kanyang balikat.
“Rabina, totoo bang may nabuntisan na si Dreko at sinabunutan ka?”
“Uhm.”
Nagmura ito sa kabilang linya. ”Are you hurt?”
“No, Dad. I am fine.”
“I am sorry, Rabina. Kung alam ko lang sana na may nabuntisan siya hindi ko na hinayaan na makipag-date ka ulit sa kanya.”
“It’s okay, Daddy. Hindi mo naman po alam, eh. At okay lang naman po ako, mas maganda nga at nalaman natin kaagad para hindi na mas lumalim pa ang lahat. Blessing in disguise na rin po ito.”
“Okay, papa-imbestigahan ko muna ang magiging next date mo.”
“Dad, hindi ka pa rin ba sumusuko?”
“Nope. Sige na matulog na kayo ni Danica.”
“Bye, Tito. Goodnight!” paalam ni Nica.
“Good night, Dad.”
Napabuntong hininga siya pagkatapos ng tawag at napasandal ng maayos. Pag angat ng mukha niya ay nakatunghay pala sa kanya si Nica. Gadangkal nalang ang layo ng kanilang mga mukha. Halos maduling narin ang kanilang mga mata. Napalunok siya ng ‘di oras. Napatayo naman si Nica ng tuwid at tumikhim.
“Ah, sige bes, matutulog na ako,” anito at kaagad na pumasok sa silid nito.
“O-Okay.”
Napahawak sa dibdib si Rhav ng makapasok na sa loob ng silid si Nica. Sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib at bigla ring uminit ang buong paligid. Bakit pa kasi siya tumingala? Nakakainis! Pero napangiti din siya ng muling maalala ang mukha ni Nica, malapit na malapit sa kanya. Kung hindi lang siya nakapagpigil baka hinatak na niya ang batok nito at hinalikan ito.
Napapaypay siya sa mukha dahil nararamdaman niya ang pagiinit nun.
“Bes, hindi ka pa matutulog? Maaga pa tayo bukas sa byahe!” sumungaw ang ulo ni Nica sa silid nito.
Napatayo siya kaagad at nagmamadaling pumasok sa kabilang silid niya.
“Good night!” sabay sara ng pinto. Napasandal siya sa kanyang pinto at parang baliw na napangiti at nagpalundag lundag na sa kanyang kama.
Kilig na kilig siya. Pinagsusuntok pa niya ang unan sabay yakap ng mahigpit.
Sa kabilang silid naman ay nadama din ni Nica ang kanyang dibdib. Iyong klase ng kaba na gusto niyang maranasan na kasama ni JC ay naranasan niya kanina ng magtama ang paningin nil ani Rhav at gadangkal nalang nalang mukha nito sa kanya.
Napailing siya at napahimalos sa mukha. Sinampal sampal din niya ng mahina ang pisnge para magising at mabura kung ano man ang dumadaloy sa kanyang isipan ngayon.
FRIDAY | 07:00AM
Nakadanda na silang dalawa pati ang mga gamit na dadalhin nila. Napailing nalang si Rhav dahil isang maleta ang dala dala ni Nica at ipinasok iyon sa kanyang sasakyan. Ang sasakyan niya kasi ang gagamitin nila.
“Bes ipaalala ko lang sa iyo na two days lang ang vacation natin kasi baka nakakalimutan mo?”
Tumawa ito. “Mas okay na iyong madaming dalang damit, pang OOTD every hour.”
Napailing nalang ako. “Teka, nadala ba natin iyong lutuan?”
“May cottage naman doon at nag po-provide sila ng gamit.”
“Saan nga tayo ulit pupunta?”
“Sa Anawangin Cove, Zambales. Nakita ko sa review, maganda ang lugar at mukhang payapa. At syanga pala, walang signal doon at kuryente kaya nagdala na ako ng mga powerbank natin.”
“Iyong tent, okay na?”
“Yes, boss! Pati na rin ang ating food, ay all good na!”
“Okay, let’s go!”
“Mahaba-habang byahe to kaya naman palitan tayo sa pagmamaneho.”, pag dating natin doon ay mayroon naman tayo mapaparkingan din sasakay tayo ng bangka papuntang Anawangin Cove. Sound’s exciting, right?”
“Yes, pero safe naman ba iyong sasakyan? Two days tayo sa isla.”
“Yes, they are trusted naman. Bago ako nag book ay nag research na muna ako.”
“Okay!”
Sa byahe ay masaya silang sumasabay sa kanta ng mga K-pop artist kahit ang iba doon ay hindi na nila talaga masundan. Napuno ng tawanan ang kanilang byahe, panay kain din sila sa junk foods, ang sarap maging malaya, wala kang iisipin na trabaho, wala kang iniisip na sasabihin ng ibang tao at higit sa lahat, kasama mo pa ang taong mahal mo.
Hindi pumayag si Nica na siya lang ang magmamaneho kaya kada hinto ng sasakyan ay nagpapalitan sila hanggang sa makarating sila Pundaquit Beach at mula doon ay sasakay sila ng bangka papuntang Anawangin Cove. Nirentahan nila ang isang bangka kaya sila lang dalawa. May mga safety vest din sila, makikita mo ang tuwa sa kanilang mga mata lalo na pag umaangat ang bangka dahil sa pagsalubong ng medyo may kalakihang alon.
Sanay na sila sa mga ganitong adventures at magagaling din silang lumangoy kaya hindi na sila takot sa mga alon. Sumisigaw pa sila sa tuwing sasalpok ang bangka dito. Sa byahe ay busog na ang kanilang mga mata dahil sa nag gagandahang mga isla na kanilang nadadaanan. Mag island hopping nga sila bago umuwi, excited na rin sila sa trekking at pati na ang diving.
“Vitamin C, here we are!” sigaw nila. Natutuwa sa kanila ang bangkero dahil hindi sila iyong tipong maarte at pabebe sa sa byahe. Nag request pa sila na huminto sandali sa gitna para makasisid sila. Noong una ay nag alangan pa ang bangkero pero dahil mapilit sila ay pinagbigyan sila nito.
Halata ding magaling ito sa pagsisisid dahil talagang binantayan sila mabuti. Sa ilalim ng dagat ay makikita mo ang iba’t ibang isda at naggagandahang corals. Malinis din at talagang kulay asul ang makikita mo sa kabuuan. Pagkalipas ng ilang minuto ay muli na silang sumampa sa bangka para magpatuloy ang byahe.
Sa wakas ay narating na rin nila ang Anawangin Cove. Napaka-refreshing ng lugar at napapa-wow talaga sila, lalo na sa asul asul na dagat. May mga kasamahan din sila sa lugar pero hindi iyon over crowded, sa hula nila sa thirty lang ka tao ang nandoroon at may ilang foreigners din na masayang kinuhaan ng litrato ang lugar. Tinulungan sila ng kanilang bangkero sa pagbitbit ng kanilang mga gamit.
Dumeretso kaagad sila sa cottage na nakalaan sa kanila. Tutulungan pa sana sila nito sa pagtayo ng kanilang tent para tulugan pero magalang na tumanggi na sila dahil kaya naman nilang gawin iyon. May dala din silang icebox kung saan nakalagay ang kanilang marinated na ulam. Nagdala din sila ng portable camping gas single burner stove para mapadali ang kanilang pagluluto. Mahilig talaga sila sa mga picnic picnic noon pa man kaya hindi iyon nawawala.
Inumpisahan na nila gumawa ng tent habang masayang binabalikan ang mga nakaraan nilang travel. Pagkatapos ay ipinasok na sila sa loob ang mahahalaga nilang gamit. Nag bigay din sila ng kaonting tip sa bangkero na labis naman ang pasasalamat sa kanila.
Nakalagay narin sa mesa nila ang mga pagkain para mas mabilis silang makakapagluto. Napaupo sila sa cottage at masayang nakatingin sa karagatan.
Just imagine you are with someone dear to you at dalawa lang kayo sa payapang lugar na iyon. ‘Di ba ang saya saya nun, iyong nangangarap ka just by watching her. Iyong tipong mapapaisip ka na sana ganun nalang kayo for life. Iyon ang nararamdaman ngayon ni Rhav.
Napatingin si Nica sa kanya kaya nag iwas siya ng tingin. Tumayo ito at hinila siya papunta sa dalampasigan, at nagsimula na silang mag picturial. May solo shots, pero mas marami ang magkasama sila.
Nang mapagod ay naupo sila sa dalampasigan kung saan mapapagmamasdan nila ang paglubong ng araw.
It was romantic. Hindi lang sila ang nasa dalampasigan dahil may mga kasabayan na rin sila na nakaupo. Iyong iba at kinuhaan ng picture habang sila ang dinadama ang moment na iyon. Napatingin din si Rhav sa kanilang mga kamay na nakalublob sa buhanginan. Nakatukod kasi ang kanilang dawalang kamay sa likod para masuportahan ang kanilang katawan. Unti-unti niyang nilapit ang kanyang kamay dito.
“Ang ganda...” bulalas ni Nica habang nakatitig sa paglubog ng araw.
“Oo nga, ang ganda... sobrang ganda!” sagot niya habang nakatitig sa mukha nito.
Napabaling ang paningin ni Nica sa kanya at huli na para mag iwas siya ng tingin. Andoon na naman ang abnormal na t***k ng kanyang puso.
“May d-dumi sa buhok mo!” umayos siya ng upo at kunwari may tinatanggal sa buhok niya.
Natawa si Nica kaya napangiti narin siya, pagkatapos ay kinuha ni Nica ang kanyang palad at hinawakan iyon habang pinagmamasdan na nila ang tuluyang paglubog ng araw.
Pagbalik nila sa cottage ay sinimulan na ni Rhav ang paghahanda ng kanilang magiging dinner. Tamang tama dahil nagugutom na rin siya. Nakapag-bihis na rin sila ni Nica. Nagsuot sila ng ternong panjama dahil sa lamig ng lugar. Hinarangan din nila ang lutuan dahil malakas na ang hangin mula sa dagat. Nakapagsaing naman sila at luto ng pork adobo at syempre nag take out din sila ng KFC bucket.
“Kain na tayo bes!” sigaw niya dito.
“Okay, sandali lang,” napapalakpak ito ng makitang nakahain na lahat at ito nalang ang kulang. “Wow, ang galing. Well prepared ka talaga lagi. Thank you, bes.”
“Syempre naman!”
Naupo na si Nica para magsimula na silang kumain. Nagpatango-tango ito.
“In fairness, saktong sakto ang pagka-marinate mo.”
“Masarap?”
“Of course! Basta ikaw ang gumawa laging masarap yan!”
Malapad na napangiti si Rhav. Nagsimula na rin siyang kumain pagkatapos ng dasal.
“Sa tingin mo, sino kaya ang next na makaka-date mo?”
Nagkibit balikat siya. “Only Daddy knows,” sabay tawa.
“Naisip ko lang, paano mo masasabi pag mahal mo na ang isang lalaki?”
“Sa akin ka pa talaga nagtanong?”
Tumawa si Nica.
Lumunok na muna si Rhav bago nagtanong. “Eh, ikaw ba? Mukhang okay naman na kayo ni JC. I mean, nakikita kong sweet niyo na sa isa’t isa. Para ngang kayo na, eh.”
“OMG! Are we that obvious?”
Napatigil sa pag nguya si Rhav at napatingin dito. “Kayo na?” manghang tanong niya.
Nahihiyang napatango si Nica. “Sinagot ko siya para mas mapalapit pa ako sa kanya.”
“Mahal mo na ba siya?” kahit mahirap ay tinanong niya iyon.
“Hindi ko pa alam, basta masaya lang akong kasama siya ngayon.”
“Kailan pa naging kayo?”
“Noong sa Bagiuo. Sorry, bes kung hindi ko kaagad sinabi sa’yo. Nahihiya kasi ako. Baka sabihin mo ang bilis bilis kong bumigay.”
“Hindi naman, nagtatampo lang ako ng kaonti, pero naiintindihan naman kita. Buhay mo rin naman yan, ang gusto ko lang maging masaya ka.”
“Thank you, beshy.”
Napakagat-labi si Rhav at plastic na napangiti dito dahil sa totoo lang gusto na niyang tumakbo papunta sa dagat.
Pagkatapos nilang kumain ay ito na ang nag presentang magligpit at maglinis. Hindi na niya ito pinigilan at kumuha na lamang siya ng ilang kahoy para gawing bonfire. Ngayong may boyfriend na si Nica, magiging busy na ito sa susunod na araw at baka bihira na lang silang lumabas na dalawa. Syempre uunahin nito si JC kaysa sa kanya, baka wala na ring movie marathon, o di kaya ang kumain sa KFC na paborito nila.
“Ang lalim nun ah!”
Sumalampak ito sa buhangin at binigyan siya ng kape. Umupo siya sa tabi nito habang nasa gilid nila ang bonfire, ang ibang nandoroon ay nakigaya na rin sa kanila.
“Okay lang bang magpatugtog ng malakas dito?” sigaw ng isang lalaki. Sa hula nila teenager pa lang ito.
Sumigaw sila ng ‘Oo’, sang ayon naman ang lahat. Naglagay ito ng speaker sa gitna at nagpatugtog na gamit ang spotify. Naka-premium panigurado ito dahil nakakapag-play ito ng offline.
“Heart broken po ako, kaya pasensiyahan niyo na ang kanta.”
Nalungkot siya para dito, dahil alam niya kung gaano kasakit at kabigat ang dinadala nito ngayon. Hindi nga ito nagbibiro dahil puro pang sente ang tugtog nito na pinangunahan ni Moira Dela Torre, ang awiting Paubaya.
Saan nagsimulang magbago ang lahat?
Kailan no’ng ako ay ‘di na naging sapat?
Ba’t ‘di mo sinabi no’ng una pa lang?
Ako ang kailangan, pero ‘di ang mahal
Umpisa palang ng kanta ay lahat sumasabay na sa pagkanta.Mukhang wala yatang hindi nakakaalam sa awiting iyon.
At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na ‘pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sa kaniya
Huwag kang paluhain at alagaan ka niya
Habang sumasabay sa kanta si Rhav ay namnam niya ang bawat sakit sa letrang binibigkas. Dahil nasa kanta ang buong katotohanang siya ang nauna pero si JC ang wakas. Pasimpleng pinahid niya ang luha, mabuti na lang at madilim sa dalampasigan kaya hindi masyadong kita ang kanyang mukha at ang tahimik niyang pag-iyak.