CHAPTER TWENTY-ONE: THE LAST DAY WITH YOU

2414 Words
Tulog na si Nica sa loob ng tent habang si Rhav ay gising pa rin at nakatingin sa kalangitan. Nang gumalaw si Nica sa loob ay tumabi na siya dito dahil kung hindi baka makaidlip siya sa cottage habang ito naman ay nagpagulong-gulong na sa dalampasigan. Kinuha niya ang unan at iniharang iyon sa pagitan nila. Inunan niya na lang ang kanyang mga braso at ang buwan ang nagbibigay sa kanila ng liwanag. Mabuti na lang din at hindi malamok sa lugar. Nanlaki ang mga mata niya ng kunin ni Nica ang unan na hinarang niya at inilagay iyon sa paanan nito. Pagkatapos ay niyakap siya nito ng mahigpit at nagsumiksik pa kanya. Naramdaman niya ang panunuyo ng lalamunan dahil dumikit sa kanya ang malambot nitong mga dibdib sa kanyang tagiliran. Pumikit siya at taimtim na nagdasal na hindi siya makagawa ng kasalanan sa mga sandaling iyon. Na ilayo siya sa tukso at huwag hahayaan na mangibabaw ang kanyang pagnanasa dito. Ayaw niyang masira ang kanilang pagkakaibigan iyon ang bagay na hindi niya kakayanin. Dahan-dahan siyang tumalikod dito para pigilan ang sarili. Hinayaan niya na lang ito na yumakap sa kanya. Kinabukasan nagising si Rhav habang yakap yakap si Nica, namula siya ng mapansing nakasubsob ang mukha nito sa kanyang dibdib. Mukhang payapa naman ito, naririnig na niya ang ingay ng mga tao sa labas. Alas singko na iyon ng umaga. Pagising na rin si Nica kaya naman bigla siyang pumikit ulit, nahihiya kasi siya dito. Gumalaw ito at naramdaman niya ang titig nito sa kanyang mukha, ilang segundo din iyon bago ito tuluyang bumangon. Bumangon na rin siya. Nakita niya ito sa gilid na nagto-toothbrush. “Good morning!” bati niya dito sabay kuha ng sarili niyang toothbrush. Nagmumug na muna ito at ng nang matapos ay binigay nito ang tasa sa kanya. “Good morning, din! Hindi pa sumakit ang katawan mo?” “Sobra! Grabe ang pigil ko sayo huwag lang tayong magising sa tabi ng dagat.” “I know you would say that!” Tumawa lang siya dito bago nagsilpilyo. Naghahanda naman ito ng kanilang breakfast, nagsangag ito pati narin nag prito ng itlog. Napangiti siya habang pinagmamasdan ito. Pakiramdam niya tatanda siyang dalaga, sinasakyan lang niya ang pakikipag-date para maibsan ang lungkot sa puso niya at para narin mabaling ang atensiyon sa iba. Pero parang hindi siya nagtatagumpay. “Salamat sa agahan!” aniya sabay sandok ng sinangag. “Bakit pala naging ganito no? Iyong tipong hindi naman natin kailangan gawin to dahil may pera naman tayo. Tingnan mo naman iyong mga ka-klase natin, nasa ibang bansa ngayon, o ang iba baka may katulong pang kasa-kasama para mag asikaso sa kanila.” Tumingin si Nica sa dagat. “Iba kasi tayo pinalaki ng mga magulang natin at isa pa, may masaya parin pag tayo mismo ang nakaka-experience ng mga bagay bagay. Nakakasawa din ang mga pasosyal na kagawian para lang masabing angat ka sa iba. Aanhin mo nalang ang mga mahahaling bagay kung sa loob loob mo hindi ka masaya.” “Are you now happy?” “Super happy dahil kasama kita.” Muling napatitig si Rhav kay Nica. Ang swerte nito dahil nagagawa nitong sabihin ang mga bagay na malaya, na walang kinakatakotan dahil wala naman malisya iyon dahil pang kaibigan lang naman talaga ang turing nito sa kanya. “May dumi ba ako sa mukha?” “Merun, may muta ka pa.” “Beshy!” “Joke lang!” “Bakit mo pala naitanong? Ayaw mo na ba ng ganito? Gusto mo na ba ulit iyong level up, like party party, ganern?” Umiling siya. “Masaya naman ako ng ganito lang tayo, pero syempre, iniisip lang kita. Pag kayo ang nagkatuluyan ni JC, hindi na sayo pwede ang mga ganito lang na activity. Alam mo naman na limang doble ang yaman nila sa atin or higit pa, paniguradong mga sosyal sila at ang mga taong nakapaligid sa kanila.” Natahimik si Nica. “Sa tingin mo, talaga bang kami na ni JC para sa isa’t isa?” “Ikaw ang ang makakasagot niyan.” Muli itong natahimik at tumikhim. “Matagal ko ng nakakasama at nakita kung paano sila sa labas ng XBC building. Gaya natin, normal lang din naman sila, iyong paraan ng kanilang pamumuhay araw araw, mas busy pa nga sila kung tutuusin dahil maya’t maya ang meeting. Nakakapagod din kaya iyon, don’t worry beshy, mababait naman sila at hindi matapobre.” “Mabuti naman kung ganoon. Aba! Napaka-swerte kaya ni JC sa iyo. Maganda, sexy, matalino, at hindi lalakero! Saan pa siya, ‘di ba?” Tumawa ito. “Okay na sana, eh. Pero dinagdagan mo pa ng hindi lalakero!” Napatingin lang si Rhav habang tumatawa si Nica. Nakapasarap sa tainga ang malamyos nitong halaklak. “Mga Ma’am, ready na po ba kayo?” tanong sa kanila ng sasama sa kanila sa diving. “Opo, manong!” panabay na sagot nila. Tinakpan na nila ang kanilang pagkain at sumunod dito. Nasa mga mukha nila ang excitement. Habang nagsasaya sila sa Anawangin Cove ay kabaligtaran naman iyon kay JC. Kanina pa siya panay tawag kay Nica at hindi niya iyon makontak. Hindi niya kasi alam na walang signal sa islang pinuntahan nila. Nagpaalam naman ito sa kanya pero hindi niya lang maiwasang mag alala dito. Kaya buo na ang pasya niyang sundan ito sa Zambales. “JC, saan ka pupunta?” tawag nito sa kanya, kakarating lang nito sa office. “We are going somewhere.” “Saan?” “Sa Zambales, I can’t contact Nica, and her phone is still off. They are girls, I am worried about baka kung ano na ang nangyari sa kanila.” Natawa si Dexter. “Hindi kaya nagiging O.A ka na? They were fine kahit wala ka pa sa buhay nila. Let the girls enjoy, sige ka baka mainis sayo si Nica at umatras.” “She’s my girlfriend. I have rights to worry; you know you will not understand me dahil hindi mo naman girlfriend si Rhav.” “Ouch!” “Come on. Hurry!” “Bro, malawak ang Zambales. Relax ka kaya muna? Baka naman nag i-enjoy lang siya sa beach. Hayaan mo nalang kaya munang mag enjoy si Nica?” “Sa Anawangin Cove tayo pupunta,” anito na tila hindi naririnig ang mga sinasabi niya. Napailing nalang si Dexter, akala naman niya kung saan na sila pupunta dahil tinawagan siya nito. Para lang pala sundan ang girlfriend nito. Nakakaramdaman na rin ba ito tungkol kay Rhav? May napapansin na ba ito sa kakaiba sa mga galaw ni Rhav? “Faster!” anito at lumabas na ng office. “Yes, boss!” Malayo ang kanilang pupuntahan at nasa four to five hours ang estimated na byahe. Paniguradong masisira ang araw ni Rhav pag nakarating na sila dahil embes na mag enjoy sila ay aagawin ni JC ang moment. Ganoon talaga pag nagmamahal, mahirap pigilan. --- Napasigaw sila ni Rhav at Nica habang magkahawak kamay. Pumunta sila sa isang isla kung saan sila mag da-diving. Naloko sila dahil ang taas noon pero malinaw naman ang dagat na kanilang babagsakan. Iyon ang unang pagkakataon na tatalon sila sa ganoong kataas. Hindi raw sila pwedeng magsabay dahil baka magtama sila sa pagbagsak, sa ibaba ay may nakabantay naman sa kanila para narin sa safety. Dahil matapang sila hindi na sila nagsuot ng vest dahil para sa kanila ay pampabigat lamang iyon sa katawan nila. “Kaya mo yan, bes!” sigaw ni Nica. “You can do it!” Huminga ng malalim si Rhav habang nakatunghay sa ibaba. Umatras na muna siya ng kaonti. Inisip niya nalang na mababawasan nun ang bigat at sakit na kanyang nararamdaman, puwesto na siya at muling huminga ng malalim. Napatingin din siya sa nakangiting mukha ni Nica habang pumapalakpak pa. “Fighting!” Lakas na loob na tumakbo siya ng mabilis para tumalon sa dagat, umalingawngaw pa ang sigaw niya bago siya bumagsak sa dagat. Magaling naman na sila ni Nica mag dive kaya parang ang smooth ng kanyang pagbagsak na nauna ang dalawang kamay. Napalakpak din ang mga nagbabantay sa kanila, naging instant artista nga silang dalawa dahil pinag-aagawan sila kanina. Naka-two piece lang kasi sila at magaganda ang hubog ng katawan, hindi naman sila nakaramdaman na binabastos sila. Normal lang naman ang two-piece sa beach at paniguradong hindi na bago iyon sa mga bantay sa isla. Nag thumbs up si Rhav habang nakatingala kay Nica. Tama, nakatingala siya, dahil ito ang kanyang bituin na mahirap abotin, pangarap na malabong matupad. Lumangoy na muna siya pailalim. “You can do it!” sigaw niya dito. Hindi niya na ito nakita sa tuktok, puwesto narin ito para tumakbo at tumalon para mag dive. Napangiti si Rhav ng makitang patalon na ito. Hindi talaga ito umaatras sa ano mang dare dito lalo na pag adventure or bago sa kanilang dalawa. Lumangoy siya palapit dito pagkabagsak nito sa dagat. Pag angat nito ay nasa tapat nalang pala niya ito. Napatitig sila sa isa’t isa dahil gadangkal nalang ang kanilang mukha sa isa’t isa. Nawala siya sa focus kaya parang malulunod siya, mabilis naman si Nica kaya kaagad na inikot nito ang braso sa kanyang baywang, at mas niyakap siya palapit dito. Parang biglang nawala ang mga tao sa kanilang paligid, iyong sila nalang dalawa. Kahit kailan hinding hindi siya magsasawa sa mukha nito, sa mga tingin nito, sa mga labi nitong panakaw niyang hinahalikan. Biglang lumaki ang alon kaya bumalik siya sa katinuan at kunwari kiniliti ito, malakas naman na napahalakhak si Nica kaya para silang mga batang nagwisikan ng tubig. Muli din silang umakyat sa mga bata pabalik sa tuktok para muling mag dive. Nagpa-picture na sila sa huli nilang talon para pangdagdag sa kanilang memories album. Yumakap ito sa kanya, kaya naman hinapit niya pa ito palapit sa kanyang katawan habang nakangiting nag piece sign. “Isa pa po, Ma’am. Nakatingin naman kayo doon,” sabi ni Manong s***h photographer. Tumingin sila sa isang isla at kunwari nag eemote na nakatingin doon, in fairness magaling din ito kumuha ng litrato. Pang instragrammable. Hindi na sila umakyat sa huling talon nila, lumangoy nalang sila paikot at kumapit sa mga bata para makarating sa mapuputing buhangin. Binigyan sila ng privacy ng kanilang tour guide at isang alalay nito. “Look, ang ganda!” pinulot ni Nica ang isang coral na maganda ang hulma, para itong stars at mukhang buhay na buhay. Dinampot din nito ang isang bilog na bilog na bato na kulay itim, animo’t parang isang holen. “They are pretty!” Parang batang naghanap na ito ng magagandang bato or di kaya shell sa dalampasigan habang nakangiti lamang siyang pinagmamasdan ito. Bawat galaw ng kamay nito, ng katawan, bawat paghawi ng buhok nito at ang pagsilay ng ngiti nito sa labi. Lahat iyon ay kabisado na ni Rhav. “Aw!” napatingin ito sa daliri at nakita niya ang pagsungaw ng dugo doon kaya napalapit siya kaagad dito. Natusok pala ito ng matalim na bagay, maliit lang naman ang sugat para lang iyong karayom. Kinuha niya ang daliri nito at walang pagdadalawang isip na sinipsip iyon. Napasinghap si Nica sa ginawa niya pero hindi naman ito nanlaban. Basta nakatitig lang din si Nica sa kanya parang huminto ang mundo nito. Andoon na naman ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib, para na naman siyang mauubusan ng hangin. Why Rhav is taking her breath away? What is her problem? “There! Hindi na ito magdudugo pa. Mag-ingat ka kasi sa dinadampot mo, matutulis ang mga bato dito or yong mga shell.” “Salamat...” napakurap siya at nag iwas ng tingin dito. Ano yon? Bakit parang nagliwanag ito sa paningin niya? Bakit tila napakanda nito at ang sarap sa pakiramdam na nag aalala ito sa kanya. “Okay ka lang? Masakit pa ba?” “Bes...” humarap siya dito at tinitigan ito sa mga mata. “Uhm?” “Bakit ang ganda mo ngayon?” Ilang segundo natigilan si Rhav sa sinabi niya bago bumunghalit ng tawa. Akala siguro nito nagbibiro lamang siya, nahawa siya sa tawa nito kaya natawa na rin siya at sinabuyan ito ng tubig dagat, hindi naman nagpatalo si Rhav at gumanti dito. Para silang mga batang naghahabulan sa maputing buhangin sa munting isla na iyon. Hindi parin mawala-wala ang kanilang mga ngiti pabalik sa kanilang cottage. Nagpaalam naman sila na kukuha sila ng bato, shells, at ilang coral na napili nila, at pinayagan naman kaagad sila. Napahinto sina Nica at Rhav ng mapansing may naghihintay sa kanila sa cottage ang nakangiting mukha ni JC at ang alanganing ngiti ni Dexter sa gilid nito, nag peace sign pa ito sa kanila. Palubog narin ang araw sa kanilang likuran. “Surprise!” si JC at ito na mismo ang lumapit sa kanila. “Anong ginagawa niyo dito?” tanong ni Nica, mukhang hindi nito nagustuhan ang ginawa ni JC. “I was so worried. I can’t reach you.” Malalaki ang hakbang ni Nica papuntang cottage, habang tumango lang si Rhav ng batiin siya ni JC. “Hi,” bati ni Dexter sa kanya. “Hello!” inilapag na niya ang napulot na mga bato sa mesa. Kaagad naman siyang binigyan gn tuwalya ni Dexter. “Thank you.” “I am sorry, hindi ko lang talaga mapigil si JC na sumunod dito.” “That is okay, nag aalala lang siya sa girlfriend niya.” Hindi maipaliwanag ni Nica ang nararamdaman sa mga sandaling iyon, hindi niya mapigilan ang sariling mainis kay JC dahil sinira nito ang bonding nila ni Rhav. Kahit ilang beses niyang isiniksik sa sariling nag aalala lang ito sa kanya na dapat mas matuwa siya dahil pinapakita nito kung gaano siya kahalaga para dito. “I am sorry...” si JC. “That’s fine. There is nothing we can do since you are already here. I’ll just fix myself first!” pumasok na sa tent si Nica para kumuha ng kanyang bihisan at nagtuloy-tuloy na sa banyo. Nilapitan ni Rhav si JC. “Hindi ba niya sinabi sa iyong walang signal dito?” Kinuha nito ang cellphone at napakamot nalang ito sa ulo ng mapansing wala ngang signal doon. Mukhang hindi nga nito alam ang bagay na iyon. Siya naman ang pumasok sa tent para kunin ang kanyang bihisan at sinundan si Nica. “I told you!” si Dexter habang pinagmamasdan ang papalayong si Rhav sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD