Kung humanga sila sa labas, mas humanga sila sa loob ng beach house. Dahil may pagka-modern ang design ng bahay at kompleto na rin iyon ng mga appliances at gamit sa kusina. Wala nga lang laman pa ang ref pero may malapit raw na palengke at grocery store na puwede lang nilang lakarin. May trolly na rin sa gilid na puwede nilang magamit sa pamamalengke. “I love this place. Parang gusto ko na ditong manirahan habang buhay.” “Oo nga, eh. Ako din.” “Tara labas na muna tayo at maghanap tayo kung saan puwede tayo kumain.” “Sana may malapit na KFC dito!” Napangiti si Rabina at muling hinapit si Danica. “Kung walang KFC ako nalang ang gagawa para sa iyo.” “Really? Marunong ka gumawa ng lutong KFC?” “Hindi, pero marunong ako mag fried chicken ala Rhav’s version.” Nahampas ni Nica sa braso s

