Hindi alam nina Rhav at Nica kung saan sila papatungo basta binaybay lang nila ang kalsada. Tahimik lang din na nakatingin si Nica sa unahan habang magkahawak-kamay. Inihinto ni Rhav at kotse sa silid ng kalsada. Wala na sila sa Metro Manila at ilan na lang din ang dumadaang sasakyan. “Nagsisisi ka ba?” Umiling si Nica at pilit na ngumiti sa kanya. “Hindi ako nagsisisi, nalulungkot lang ako dahil hindi tayo kayang tanggapin ng mga magulang natin. Akala ko kahit na anong mangyari hindi magbabago ang tingin nila dahil anak nila tayo. Nagkamali pala ako.” “Hayaan na muna natin silang makapag-isip at tanggapin ang lahat. Hindi rin madali sa kanila ang paalisin tayo. Nasaktan natin sila. Hindi tayo susuko, okay? Ipakita natin sa kanila na walang mali sa atin. Na magiging masaya tayo at konte

