CHAPTER EIGHT: HIDING MYSELF FOR YOUR HAPPINESS

2240 Words
“Congratulations!” bati niya kay Jinky ng maapprove ang gawa nitong designs sa tulong din niya. Niyakap siya ni Jinky. “Thank you so much! Hindi ito mangyayari kung hindi mo ako tinulungan. Ang galing mo talaga.” Natawa siya. “Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Mabuti naman at nagustuhan ng kliyente. Magiging busy ka na sa site nito. Good luck!” “Oo nga, e. Wish ko lang may kasing pogi doon ni Sir JC,” pilyang bulong nito bago umalis. Napailing nalang si Rhav at napaupo sa kanyang silya at pinaikot-ikot iyon. Napansin din niya ang isang bulaklak na nakapatong sa kanyang mesa. ‘Good morning para sa matalik na kaibigan ni Nica.’ – JC Nangunot ang noo niya sa nabasa. Marunong naman pala ito mag tagalog. Inilagay niya ang bulaklak sa vase at sinimulan na ang pag gawa ng bagong design base sa gusto ng kanilang architect. Napaangat ang mukha niya ng maramdamang may kasama siya sa loob ng office pagkalipas ng ilang oras. Nakatayo doon si Nica habang may bitbit na lunch box. “Dumaan lang ako dito para ibigay ‘to. Napansin kong ginawan mo lang ako ng breakfast pero hindi ka naman kumain bago umalis.” Na touch siya. “Thank you. Niluto mo ba to?” Ngumisi ito. “Secret! Bye, bes!” Napatayo siya. “Nica wait,” pigil niya dito. Nilingon siya nito. “Hmm?” Bumuntong hininga siya. “Approve na sa akin si JC. Go and date with him, doon mo malalaman if magugustuhan mo siya. Who knows, siya na talaga ang para sayo.” Tinitigan siya nito at humakbang palapit sa kanya, niyakap ng mahigpit at tinapik tapik pa ng mga palad nito ang kanyang likuran. Bagay na laging nagpapakalma sa kanya dati na nagpapalungkot sa kanya ngayon. “Thank you.” Nakalabas na si Nica pero nakatayo parin si Rhav. Bakit ngayon palang nararamdaman niya ang unti-unti nitong paglayo sa kanya. She sighed. Ginugol niya nalang ang sarili sa trabaho para mawala ito sa isipan niya. Nakaramdam siya ng gutom kaya binuksan niya ang lunch box na bigay ni Nica. Nakabalot pa iyon ng tela na katulad ng nasa Korean drama na pinapanood nito. Tumambad sa kanya ang bucket ng KFC kaya natawa siya. Kaya pala secret. Kinuha niya ang cellphone at pinicturan iyon bago isenend kay Nica. Nag haha emote si Nica sa picture at nag send din ito ng picture na katulad sa kanya. “Rhav, hindi ka sasama sa amin? Kakain ang team sa labas,” si Jinky. Napatingin ito sa kinakain niya. “Sorry, next time nalang.” Lumapit ito at dumungaw sa bucket. “Pwede penge isa?” Natawa siya at tumango. Kumuha ito ng isang leg part at kumagat muna bago ito lumabas ng kanyang office. Kengkoy talaga ito. Mabuti nalang at may isang Jinky sa floor nila. Mga seryoso na kasi ang tao sa office at laging nakatingin sa goal, kabilang na siya doon. Napangiti si Nica pagkatapos i-send ang lunch niya na isang bucket din gaya ni Rhav. Dumaan kasi muna siya kanina sa KFC at umorder ng dalawa. Binalot niya ng tela ang bucket nito para hindi halata. Kakagat na sana siya ng pumasok sa loob si JC. Napaka-presko ang mukha nito na animo laging dadalo sa mga photoshoot. Dumako ang tingin nito sa KFC bucket. “OH, that’s my favorite!” bulalas nito. “Sure?” hindi naniniwalang tanong ni Nica. “Yes, of course! We always had KFC every Christmas in Japan. It became their tradition. Can I have a bite?” Iniangat ni Nica ang bucket. Hindi niya namalayang pinagsaluhan na pala nila ang lunch niya. Mabuti nalang at six pieces  ang inorder niya. Hindi ito nauubusan ng kwento, sinalaysay nito sa kanya kung paano ito napadpad sa Japan at kung bakit ito nagtagal doon. Dahil raw madeseplina ang ang mga Japanese at mas advance sa technology. Bukod doon. nirerespeto daw ng bawat isa ang privacy at kahit ilapag mo ang gamit ko sa table kung may bibilhin ka, wala raw magtatangkang kuhain iyon. Nag-enjoy naman si Nica at bagong natutunan mula kay JC. Marami itong baon na kwento. Dumating naman si Mr. Zhun Xiao na noo'y tuwang tuwa ng makita silang masayang kumakain sa kanyang desk. Nahihiyang tumayo si Nica para batiin ito. Alam na kaya ng boss niya na nililigawan siya ng anak nito? Tinapik nito ang anak bago pumasok sa sarili nitong office. “That’s okay. Dad gave me a tip to meet your parents first or ask their approval.” Nanlaki ang mga mata ni Nica sa nalaman. Ibig sabihin alam nga ng amo niya ang panliligaw ng anak sa kanya. Nag iwas siya ng tingin. Ito na ang mismong nagtapon ng empty bucket sa basurahan. Napansin din niya na bago na ang flowers sa kanyang vase at may nakadikit doon na sticky note. ‘Good luck for today. You are so beautiful.’ Pag tingin ni Nica kay JC ay malapad itong napangiti at kinindatan pa siya bago ito pumasok sa office ng ama. Ilang sandali pa ay muli itong lumabas at lumapit sa desk niya. “Can I invite you for dinner later? Can I have a yes this time?” Hindi nakaimik si Nica sandal pero naalala niya ang sinabi sa kanya ni Rhav. Why not nga naman, subok lang naman. Dito niya malalaman if magiging compatible ba sila ni JC. Marahan siyang tumango. Nakita niya ang pagkuyom ng kamao ni JC at ang walang boses na pag YES nito sabay suntok sa ere. Pasipol-sipol ito habang masayang palabas ng office. Bumalik na ang atensiyon niya sa laptop pero muli din siyang napatingin sa pintoan ng muling sumilip doon si JC. “Sunduin kita, later. Okay? Don’t go anywhere!” Hindi niya napigilan ang matawa dito. “Yes, dito lang ako. Hindi ako tatakas!”   UWIAN na kaya naisipan ni Rhav na tawagan muna si Nica para tanongin kung anong dinner ang gusto nito mamaya. Pero bago pa man niya ma-dial ang numero nito ay nauna na itong tumawag sa kanya. Masayang sinagot niya ang tawag para lang mapatda sa sasabihin nito. “Bes, baka ma-late akong makakauwi mamaya. Huwag mo na rin akong hintayin for dinner. Kakain  kami sa labas ni JC...” Pilit na tinanggal niya ang bara sa kanyang lalamunan at tumingin sa itaas ng kisame para makalmahin ang sarili at kunwaring masaya siya para dito. “Good for you! Mabuti naman at ipinagbigyan mo na siya. Enjoy sa date niyo.” “Thank you, bes. Mag-iingat ka pauwi. Bye.”   “Rhav sama ka sa amin! Kakain lang tayo sa labas as celebration for closing another deal,” yaya sa kanya ni Marjorie ang kanilang Team Leader. Napatingin sa empty bucket ng KFC sa kanyang trash can bago tumango dito. “Sige po.” Mabibigat ang hakbang na nilisan niya ang office. Sinundan niya ang service van kung saan nakasakay ang kanyang mga ka-office mate dahil may dala naman siyang sasakyan. Huminto ito sa isang Bar, Grill, and Restaurant. Huminga na muna siya ng malalim pagkatapos ipark ang sariling sasakyan at bago ngumiti ng pilit. She’s trying her best to fake that she’s okay. That she’s not hurt or jealous inside. Kinatok siya ni Jinky kaya bumaba na siya ng sasakyan. “Magugustuhan mo ang place na ‘to. Hindi ka kasi lagi sumasama sa amin,” umangkla na ito sa kanyang braso bago sila pumasok sa loob. Cozy ang tema sa loob. Parang Korean ang set up dahil may lutuan sa gitna ng bawat mesa. Para itong samgyupsal na ang pagkakaiba lang ay pwedeng mag-inoman sa loob. Mayroon din DJ na nakapwesto sa gilid para sa tugtog. Nasa sampu sila kabilang na ang ilang architects, team leaders,  at siya. “Ang maganda dapat nasa gitna ang chair!” sabi ng Timothy. Isa ito sa pinaka-tenure na architect. Minsa narin itong nagtangkang manligaw pero kaagad niyang klinaro dito na wala siyang balak magkaroon ng boyfriend sa office. Kaagad naman nitong naintindihan kaya ngayon mayroon na itong isang anak at malapit na rin itong ikasal. “Bolero ka parin hanggang ngayon,” natatawang saway niya dito. Bihira lang sila lahat magkita-kita sa office. May sarili siyang opisina sa loob para makapag concentrate siya sa kanyang trabaho pero pag ipa-finalize na ang mga designs ay kailangan kasama niya ito sa kanyang office gaya ng nakaraan kasama si Jinky. Umupo na siya. Pinapagitnaan siya nina Jinky at TL Marjorie. Kaagad nag order ang mga ito ng alak at mga pangpulutan. Sa pulutan siya mag i-enjoy panigurado. “Wala kayong ilalabas na kahit na anuman sa inyong bulsa dahil libre ito lahat ni Sir JC!” masayang sabi ni TL Marjorie. “Kaya uminom kayo hangga’t kaya lang ha. May work pa tayo bukas.” Si JC na naman. Sa isip ni Rhav. Mas lalong naging mabango ang pangalan nito sa lahat. At alam  niyang hindi iyon pakitang tao lang dahil siya mismo nakasaksi sa ginawa nitong pagtulong sa iba. Pagkarating ng San Miguel beer ay kaagad na kumuha siya ng isa at tinunga iyon. Nakabukas na kasi ang lahat ng bote. Napa ‘oh’ ang mga kasamahan niya ng tinungga niya iyon ng tuloy- tuloy. Nagpalakpakan pa ang mga ito. “One more! One More!” “Tama na ‘yon. Mamaya naman pag mag pulutan na,” ngumisi siya sa mga ito. Paglingon niya ay para siyang binuhusan ng makita sina Nica at JC na masayang nag uusap sa kabilang table. Naramdaman niya na parang lilingon na ito sa kanya kaya nag iwas siya ng tingin at umusog kaonti para itago ang sarili kay TL Marjorie. Sa dinami dami ng pwedeng puntahan ng dalawa bakit dito pa. Wala sa loob na muli siyang dumampot ng San Miguel beer at tinungga iyon. Muling naghiyawan ang mga kasamahan niya. Pero si Jinky ay nagalala na sa kanya, hindi kasi siya ganoon sa tuwing may eat out sila. Mahina lang siya uminom at sapat na sa kanya ang isang bote. Mas marami siya magpulutan. “Okay ka lang ba?” tanong ni Jinky sa kanya. Nilingon niya ito at ngumiti ng malapad. “Yes.” “Okay.” Dumating na ang kanilang food kaya doon na binaling ni Rhav ang atensiyon at panay ang kuha din niya ng beer. Kaya nagsimula ng mabahala ang mga kasamahan niya at pinipigilan na siya ng mga ito. Hindi naman siya lasing, dahil sa totoo lang parang wala lang ang iniinom niya. Kahit nakakailang bote na siya ay nasa tamang pag iisip parin siya. “OMG! Nandito si Sir JC at kasama niya si Miss Danica!” bulalas ni Nadia. Isa sa mga bagong architect nila. Nagkatinginan lahat sila sa kabilang mesa. May isa pa kasing mesang nakaharang sa pagitan nila kaya hindi nila kaagad nahalata maliban kay Rhav na napansin kaagad si Nica. “Oo nga! They are dating!” napasinghap si Jinky. “I knew it!” “Well bagay naman sila. They look good together!” TL Marjorie. “Let’s respect their moment , guys. Baka makahalata pa sila at masira natin ang date nila.” Nanahimik na ang mga ito. Nasa mga mukha ni Jinky ang kilig para sa dalawa. “Matagal mo ng alam na nagdi-date sila no?” “Kailan lang,” sagot ni Rhav. “I don’t see anything wrong dahil mukhang seryoso naman si Sir JC sa kanyang panliligaw.” “Ang swerte naman nila sa isa’t isa. Bagay naman talaga sila!” Pasimpleng nilingon ni Rhav ang table nila Nica at nakita niyang nag iisa nalang ito doon. Mukhang may pinuntahan si JC saglit. Kinuha ni Nica ang cellphone at parang nagti-text ito. Hindi nga siya nagkamali dahil tumunog ang kanyang cellphone. Nag excuse na muna siya sandali pero dahil sa dami ng kanyang nainom ay nabigla yata ang katawan niya at gumiwang siya. Mabuti nalang at may mga brasong sumalo sa kanya bago pa man siya bumagsak.  “JC...” Ngumiti ito sa kanya at inalalayan siya nito para makatayo ng mabuti. “Be careful. I am glad you made it here,” nilingon nito ang kanilang mesa. “Are you having fun team?” Nangunot ang noo ni Rhav sa narinig. Team? “Yes Sir! Thank you sa pa-dinner!” sagot ng kanyang kasamahan. Paglingon niya ay nagsalubong ang kanilang paningin ni Nica. Nasa mukha nito ang gulat ng makita siya at lumiwanag din kaagad ang hitsura nito at mabilis na nilapitan siya. “Bes! Nandirito ka rin!” masiglang bati nito at napatingin sa kanilang table at kay JC. Nasa mukha muli nito ang hiya kaya hinawakan niya ang mga kamay nito at binulungan. “There’s nothing to be ashamed of.” “Thank you, bes.” “There’s nothing to be ashamed of.” “Thank you, bes.” Inilahad ni JC ang mga palad kay Nica. Kaya napilitan siyang bitawan ang mga kamay nito. Tinanggap naman ni Nica ang kamay ni JC at humarap sila sa mga kasamahan sa office habang nasa likuran siya. “Team. Alam ko na matagal niyo na siyang kilala. But for today, please meet my soon-to-be girlfriend. I claim it! So if there is anybody here who plans to court her, you may pass your resignation first,” may halong birong sabi nito pero seryoso. Hindi na kinaya ni Rhav ang eksena kaya tinungo na niya ang banyo ng walang nakakapansin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD