Hindi siya umiyak sa banyo pero ramdam niya ang lungkot sa tuwing maaalala nya ang mga matatamis na ngiti ng dalawa kanina. Aminin man niya o hindi, talaga mag charisma ang dalawa. Iyong tipong pag pinagmasdan sila masasabi mong sila na talaga ang para sa isa’t isa.
Nagmumug na muna siya at pinilit muling ayosin ang sarili dahil nahila siya bigla.
“Rhav, you can do this. You should be happy for Nica’s happiness.”
Kausap niya sa sarili. Naglagay na muna siya ng kaonting lipstick at powder sa mukha bago muling lumabas sa restroom. Nakita niyang magk-hawak kamay parin ang dalawa habang nakangiti lang sa bawat tanong ng mga grupo. Napatingin sila kay Rhav kaya napilitan siyang kumaway at ngumiti sa mga ito.
Napansin siguro ni Nica na napatingin siya sa kamay nila ni JC kaya hinila nila ang kamay mula sa binata at kaagad na nilapitan siya. Kaagad na winagayway nito ang mga palad sa harapan niya.
“Uminom ka ba ng marami? Pulang pula na iyong mukha mo!”
“Okay, lang ako.”
“Kanina pa yan umiinom, nakakailang bote na rin yan ng Sanmig. Pag ‘di yan nakapasok bukas, alams na!” pambubuko ni Jinky.
Inalalayan ni Nica si Rhav paupo, kaagad naman na umusog sila kaya tinabihan niya si Rhav habang hinihimas himas ang likuran nito.
“Anong nangyayari sayo?” mahinang tanong ni Nica sa kanya. Puno ng pagaalala. Parang gusto niya nalang magsakit-sakitan para maagaw niya ang atensiyon nito mula kay JC.
Napangiti siya sa naisip. Napaka-selfish naman niya. Kumuha siya ng maliit na bottled water at inisang lagok iyon saka ngumiti dito.
“I am fine, bes. Gusto ko lang talaga mag celebrate sa success ng project ng team. We just closed another deal and a happy, satisfied client.”
Tumango-tango ito. “Okay, basta huwag kalang papasobra.”
“No worries, I can take care of myself. Sige na nakakahiya naman kay JC, go to him.”
Halos gumaralgal ang boses niya ng ipinagtulakan niya ito kay JC. Pero ganoon talaga, kailangan niyang panindigan iyon.
“Wala bang kumakanta diyan? Anyone?” tawag pansin ng DJ sa mga nandoroon.
Kanya kanya ng sigawan at tulukan ang ibang mga grupo. Sa hula niya nagta-trabaho ang mga ito sa call center. Familiar kasi sa kanya ang ID lace na nakasuot pa sa ilang kasama ng nasa unahang mesa.
Tumayo si Rhav.
“Oh, Rhav saan ka pupunta?”
Halos sabay na tanong nila ng lumakad siya papuntang unahan. Napalingon sa kanya ang mga nagkakagulong grupo at napatitig nalang sa kanya. Rabina is beautiful, and she has a body that no man can resist for. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung humanga man ang mga ito sa kanya. Samahan pa at namumula mula na ang kanyang pinsge at lumalamlam ang kanyang mga mata
She wore an ordinary office tight slacks white top pero kitang kita naman ang hubong ng kanyang katawan. Head turner sila ni Nica kung magkasama, lalo na sa Mall o sa mga party na dinadaluhan nila pareho.
“Wow, ang ganda niya!”
“Ang sexy!”
Naririnig niyang bulongan ng ilang nadadaanan niya.
Sa wakas nakarating na siya sa mini stage at kinuha ang microphone na nakapatong sa isang upuan. Mas lalong naging maingay sa loob at pinag-cheer pa siya.
“Oh, there we are! We have a guest, and may I know the name of this beautiful lady on stage, please?”
“Rhav,” maikling sagot niya sa DJ.
“Okay, what song do you want to sing?”
“I will remember you by Sarah Mclachlan, please!”
Hindi naman siya singer pero kumakanta naman siya. Hindi naman ganoon kaganda dir in naman tunog lata. Iyong average lang na pang videoke, kung di niya kayang sabihin ang nararamdaman idadaan nalang niya sa kanta ang lahat para kahit paano maibsan ang bigat na nadarama niya sa mga sandaling iyon.
Pagtingin niya sa mesa nila ay nakita niyang nakatabi na si JC kay Nica habang pinapanood niya. Iyon ang pinakamahirap na part, iyong nakikita mong masaya ang mahal mo sa iba. Na kahit ikaw ang nauna alam mong wala ka parin laban. Bakit kasi napaka-unfair ng lahat? Bakit siya binigyan ng babaeng katawan kung ang puso niya titibok lang din naman sa kapwa niya babae. Kahit siya hindi naiintindihan ang sarili pero hindi niya ginusto maging ganito. Maging abnormal para sa iba. Wala ninuman ang nakakauwa sa hirap na pinagdaraanan nila, para labanan ang totoong sila para hindi mahusgahan ng ninuman.
Naririnig niya ang hiyawan ng magsimula ng tumugtog ang musika sa loob. Napatingin siya muli sa gawi nila Nica at JC.
I will remember you, will you remember me?
Don’t let your life pass you by
Weep not for the memories
Remember the good times that we had?
I let them slip away from us when things got bad
How clearly I first saw you smilin’ in the sun
Want to feel your warmth upon me
I want to be the one
Habang kumakanta siya ay naglalaro sa isipan niya ang nakaraan nila ni Nica. Ang mga panahong wala pa silang iniisip na ibang tao maliban sa isa’t isa. Ang mga matatamis nitong ngiting araw araw niyang nakikita na tila malapit ng maglaho sa paningin niya.
Mga ngiti nitong sa iba na nakalaan. Ang pagalala nitong dati sa kanya lamang. Naiinggit siya kay JC, pero hanggang doon lang. Wala itong kasalanan dahil walang may alam sa totoo niyang nararamdaman.
Nica has a perfect smile na nagpapaganda ng kanyang umaga. Hindi niya namamalayang naluluha na pala siya habang kumakanta. Nakita niya ang pag aalala sa mukha ni Nica para sa kanya.
I’m so tired, but I can’t sleep
Standin’ on the edge of something much too deep
It’s funny how we feel so much, but we cannot say a word
We are screaming inside, but we can’t be heard
Ang kanina lang na hiyawan para sa kanya ay biglang nanahimik. Pinapakinggan bawat letrang binabanggit niya sa kanta.
So afraid to love you
But more afraid to lose
Clinging to a past that doesn’t let me choose
Once there was a darkness
Deep and endless night
You gave me everything you had, oh you gave me life
Ibinaba na niya ang microphone. Tumayo ang mga nanood at pinalakpakan siya.
“Salamat!” yumuko siya para pasimpleng pahirin ang luha sa mata bago siya bumaba sa stage. Pero mukhang hindi na niya kayang pigilan ang kanyang luha. Bago pa man siya umiyak ay nakalapit na sa kanya si Nica at mabilis na inakbayan siya at inilapit sa katawan nito.
“Ang galing mo talaga, bes!” masiglang sabi nito para hindi mahalata ang pag eemote niya na ito naman ang dahilan. “Beshy ko to ha! Umayos kayo!” sabi nito sa mga lalaking nakatingin sa kanila.
“Okay ka lang ba?” muling tanong nito ng pabalik na sila sa kanilang mesa.
“Yes, I am fine.”
“I’ll drive. Where is your car?”
“How about your date?”
“He will understand.”
Magsasalita pa sana siya pero nagsabi na si Nica na mauuna na sila dahil natataman na si Rhav ng espiritu ng alak.
“Salamat binibining maganda sa isang napakaganda at madamdaming kanta!” ang DJ at muli na itong nagpatugtog ng pang disco na musika.
Hinatid sila ni JC sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ni Rhav.
“Are you sure you can drive?” anito habang inaalalayan nila si Rhav sa pagpasok sa front seat. Inayos din ni Nica ang suot nitong seatbelt.
“I am fine,” muling sabi niya sa talaga. “I am not drunk. Nadala lang ako sa kanta.”
“Ang lasing hindi umaamin na lasing,” ani Nica sa kanya. Ngumiti it okay JC. “Thank you for the dinner. I had fun.”
“This is just our first together.”
Ngiti lang ang sagot ni Nica bago pumasok sa sasakyan at nilisan ang lugar. Habang nasa daan ay hinawakan niya ang kamay ni Rhav na noo’y nakatulog na sa tabi niya.
Ramdam ni Rhav ang mainit na mga palad ni Nica sa paggising niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nasa loob na siya ng kanyang silid. Paano siya nadala ni Nica? Ang bigat bigat niya para mabuhat nito. Nakasubsob ang mukha nito sa kilikili niya habang nakahawak ang kamay sa kanya. Mukhang tulog na tulog na ito dahil sa mahihina nitong hilik.
Nakita din niya ang isang basang bimpo sa itaas ng side table niya. Dahan-dahan siyang umalis sa tabi nito pati at inalis ang kamay kahit gustong gusto pa niyang hawakan iyon. Naiihi na siya siya.
“Hmmm.”
Gumalaw ito ng kaonti at umusog na naman para kunin ang isang unan. Naka horizontal na ito sa kama. Tumuloy na siya sa loob ng banyo para narin magsepilyo at maghilamos. Alas kwatro palang iyon ng umaga.
Pagkatapos ng kanyang ginagawa ay napansin niyang nakadapa na si Nica kaya napangiti na lamang siya. Hindi niya napigilan ang sarili at kinuha ang kanyang cellphone para kunan ito ng larawan.
Napansin niya ang mensaheng galing dito. Ito iyong text message na sinend nito sa kanya kagabi.
‘Kumain kana ba? May gusto ka bang food? I’ll buy.’
Kinuha niya ang kanyang diary at sinulat doon ang lahat ng nararamdaman niya habang panaka-nakang napapatingin kay Nica na paiba-iba ang posisyon sa kama.
KAAGAD na kinapa ni Nica si Rhav sa tabi niya ng magising. Natampal niya ang noo ng nakabalintong na siya sa kamay at napaangat ang paa sa headboard ng kama nito. Wala na rin ang beshy niya sa tabi niya. Pero naaamoy niya ang mabangong niluluto nito.
Tuluyan na siyang bumangon. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya kanina habang pinupunasan ito nang basang bimpo. Uminit kasi ang buo nitong katawan dahil sa alak. Hindi niya pa naitatanong kung bakit bigla bigla itong naglalasing at kumanta pa sa harapan ng stage. Pakiramdam niya may inililihim na sa kanya ang kaibigan.
Nakita niya ang diary nitong nakapatong sa mesa at malapit na rin iyong malaglag. Aayusin lang sana niya iyon ng pumasok sa loob si Rhav at napatingin sa hawak niyang diary. Nakita niya ang pagiba ng aura nito at kaagad na hinablot ang diary mula sa mga kamay niya.
“Pakialaman mo na lahat ng bagay dito, huwag lang ito!”
“Beshy...” namangha siya sa narinig. Tanang buhay niya ngayon lang ito nagsalita sa kanya ng ganoon. Wala naman talaga siyang balak na basahin iyon.
“Not my diary, Danica!” parang galit na ang tono nito. Nasaktan siya sa inasal nito. Hindi man lang muna ito nagtanong sa kanya. Tahimik na lumabas siya sa silid nito at padabog na isinara iyon.
Anong problema nun? Nakita niya ang inihanda nitong pagkain pero nawalan na siya ng gana.
Biglang tumahimik ang loob ng kanilang unit. Naiiyak siya na naiinis kay Rhav. Bakit naiirita na ito sa kanya? Hindi naman niya ito pinapangialaman.
Sa kabilang silid naman ay nahimasmasan na si Rhav. Natakot lang talaga siya ng makitang hawak hawak ni Nica ang kanyang diary. Ang diary lang niya ang may alam ng kanyang tunay na nadarama para dito, hindi nito dapat mabasa iyon.
Nagsisi siya ngayon sa inasta niya at nasabi niya dito.
Lumabas siya ng silid at nagdadalawang-isip kung kakatok ba o hindi. Pero pinili niya ang una. Kinatok niya ang silid nito.
“Nica... open the door. I am sorry sa mga sinabi ko, hmmm?”
Wala siyang sagot na narinig mula dito pero narinig niya ang pag click ng doorknob. Ibig sabihin ini-unlock nito iyon. Pagpasok niya sa silid nito ay nakatalukbong na ito ng kumot. Nilapitan niya ito at naupo sa kama.
“I am sorry, nabigla lang ako. May mga bagay na ayaw kong ipaalam sa iyo kaya nagulat lang ako ng makitang hawak mo ang diary ko. Sana maintindihan mo ako, Nica.”
Gumalaw ito at lumabas ang ulo mula sa pagkakatalukbong pero nakasubson parin ang mukha nito sa kama.
“Alam kong wala dapat lihiman sa atin. Kung ano ang sakin ay iyo at kung ano sa iyo ay akin. Iyon ang pinangako natin sa isa’t isa at hanggang ngayon naalala ko parin iyon. Pero sana let’s keep other things in ourselves nalang ha?”
“Wala naman ako balak ba basahin ang diary mo,” sa wakas nagsalita na ito. “Nakita ko lang na malalaglag na kaya aayusin ko lang sana kaya lang bigla kang pumasok at nakita mo akong hawak hawak iyon. Alam ko naman na kabastusan kung pati ang diary ay babasahin ko pa. I know we still need some privacy at hindi ako lumalagpas doon.”
Nakonsensiya si Rhav kaya napayuko na lamang siya.
“I am sorry.”
Bumangon na si Nica at walang tinging pumasok ito sa sariling banyo. Malungkot na lumabas si Rhav sa silid nito. Bibigyan niya nalang muna ito ng space, kay tagal na panahon narin mula ng nagkasamaan sila ng loob. Hindi niya alam kung paano ito mapapaamo. Napatingin siya sa kanyang niluto para sana sa kanilang breakfast. Iniligpat na laman niya iyon at inilagay sa lunch box. Tapa, scrambled eggs, sangag at sandwich ang kanyang inihanda.
Muli siyang napatingin sa sarado nitong pinto.
Nalulungkot siya.