TUMAYO si Zoey mula sa pagkakaupo niya waiting area sa harap ng isang kwarto ng bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa niyon si Greyson. Pagkarating kasi nila sa ospital ay agad itong kinuhanan ng dugo para isalin kay Zeus. Match nga ng dugo ang mag-ama. Pareho ang mga ito na AB plus. Agad naman nagtama ang mga mata nila ni Greyson ng sumulyap ito sa kanya. May napansin siyang kakaiba sa tinging ipinagkakaloob nito sa kanya pero hindi niya iyon binigyan ng atensiyon. Humakbang naman siya palapit dito. Humakbang din ito para salubungin siya. Tumikhim naman si Zoey bago siya nagsalita. "Kamusta... si Zeus?" tanong niya dito. Saglit naman siyang tinitigan ni Greyson bago ito nagsalita. "He is fine now. He is still in the recovery room right now," sagot naman nito sa kanya. Ipinikit n

