"HERE." Kumunot ang noo ni Greyson ng pagkapasok niya sa opisina ni Trevor sa ospital ay may inabot ito sa kanyang isang envelope. Saglit naman siyang napatitig sa hawak nito hanggang sa inabot niya iyon. At sa halip na buksan ang hawak na folder ay tumingin siya kay Trevor. Nagtatanong ang mga matang tumitig siya dito. "What is this?" tanong niya, hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya sa sandaling iyon. Greyson was busy watching Zeus nang tumawag sa kanya si Trevor at sinabi nito sa kanya na pumunta siya sa ospina nito. Tinanong niya ito kung ano ang dahilan kung bakita siya nito gustong papuntahin sa ospina nito at ang sinabi lang nito sa kanya ay pumunta na lang siya do'n. Hindi naman maiwasan ni Greyson ang mag-isip ng masama, baka kasi may bad news itong sasabihi

