PAGKATAPOS nilang pumunta sa mansion ay niyaya ni Zoey si Greyson na bumisita sila sa puntod ng Mama niya. Sinabi din niya dito na gusto niya itong ipakilala sa Mama niya at ganoon dito. Mabilis naman itong pumayag dahil gusto din daw nitong makilala ang Mama niya. At bago naman sila pumunta sa private cemetery na dalawa ay dumaan muna sila sa isang flower shop para bumili ng bulaklak na dadalhin nila sa pagbisita nila sa puntod nito. Bumili din sila ng kandila. Mayamaya ay nakarating na din sila sa private cemetery kung saan matatagpuan ang puntod ng Mama niya. Hininto naman na ni Greyson ang kotseng minamaneho nito. Pagkatapos niyon ay lumabas na ito ng kotse. Hindi naman na niya ito hinintay na pagbuksan siya nito ng pinto. Binuksan naman na niya iyon at bumaba siya ng kotse. Napa

