*** "I'll pick you up tomorrow" "Caleb... hindi na ako aatend bukas, babasahin ko na lang lahat ng leaflets and manuals na ibinigay nila" ani kong pababa ng sasakyan nito. Humawak ito sa braso ko at pigil sa akmang pagbaba ko. "Sophie... importante at informative ang itinuturo doon" aniya. Umiling ako. "I can't come Caleb, may mga gawa ako bukas" pagdadahilan ko. Hindi ito umimik na nakatitig lamang na nakakunot noo. Umiwas akong binawi ang kamay ko. Nagbukas ako ng sasakyan niyang pagbaba, rinig ko ang pagbukas nito ng pinto niya at wala pa ngang ilang saglit ay nasa harapan ko na siya. Humarang siyang napahawak sa braso ko. Napapikit akong bumuntong hininga bago tumingala ng tingin. Nakatitig itong nakakunot noo pa rin. "Will you please stop it?" mahinang ani ko ng diretsuhan.

