Just Happened 14

1407 Words

*** Sa isang fine dine restaurant kami huminto ni Eliza. "Eh ayos lang ba talaga ang suot ko?" nangiming tanong ko. Nakasimpleng bestida akong pang buntis na pampasok . "Oo ate, kahit naman ano pa ang suot mo maganda ka pa din, parang ako" sagot nitong nakatawa. "...at siguradong pati ang pamangkin ko" dugtong pa nito. "Eh, wala akong naihandang regalo para kina Tita Neri" ani ko pang muli ng papasok kami sa loob. Napakamot ito ng ulo. "Eh Ate... ah u-uhm, a- actually po sa makalawa pa ang Anniversay nina Daddy" aniyang pinanlakihan ko ng matang bumaling dito. Tanaw na kami nina Tita Neri. "S-sorry po, pero hindi ako nag la lie, pre-Anniversary dinner talaga ito! Promise!" aniyang nagtaas pa ng kamay na parang nangangako. Napailing na lamang akong ngumiti. "Ikaw talaga" sagot ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD