*** Pinuntahan ako ni ELiza at Tita Neri kagabi pagkatapos mangyari non, nagpilit pa si Tita Neri na lumipat ako ng kwarto nila. Tumanggi ako, may mga oras lang talaga na namumulikat ang binti ko, parte ng pagbubuntis ko. Naghanda ako agad ng sarili pagkabangon ko. Pabalik na rin kami ng Maynila ngayong hapon. Halos palabas na ako ng cabin ni Caleb ng marinig ko ang mahinang katok sa pinto ko. Si Eliza. "Ate, breakfast na daw po" aniya ng pinagbuksan ko ito. Inabot ko ang regalo ko sa kanya. "Busy ka kasi kahapon kaya di ko naiabot" ani kong nanlaki ang mata nto ng binuksan iyon. "Wow! gusto ko nito!" aniyng yumakap. isang Mac makeup kit iyon. "Aww, ang sarap talaga magakaroon ng Ate! kasi sina Kuya siguradong hindi ako reregaluhan ng ganito!" aniyang binuksan iyon. "EH, Ate mahal

